Kabanata 18

1714 Words

Pumasok si Sam sa silid ni Tess upang damayan ito. Sa may pintuan pa lamang ay rinig niya na ang mga hikbi nito. Hindi na nga siya nito napansin.  Napabuntong hininga siya at dahan-dahan na nilapitan ito. Nang maramdaman naman ni Tess na umupo siya sa sa tabi nito ay agad na napaangat ang mukha nito.  “Mahal na Prinsesa,” wika ni Tess, at agad na pinahid ang kaniyang mga luha.  Tipid itong ngumiti sa kaniya. Tila nagpapanggap na maayos lang ang lahat. Ngunit alam ni Sam ang totoong nararamdaman nito. Alam niyang hindi maayos ang lagay nito. Alam niyang nasasaktan ito.  “May maipaglilingkod po ba ako sa iyo mahal na Prinsesa?” Umiling si Sam at niyakap si Tess. “Nandito ako para damayan ka, at hindi mo kailangan na ikubli sa akin na nasasaktan ka dahil alam ko ang totoo, Tess. Hindi ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD