“Sam! huwag matigas ang ulo!” “Lalaban ako Brix! hindi pwedeng hayaan ko lang kayo na protektahan ako. Ako ang itinakda at tungkulin ko na protektahan kayo!” sigaw ni Sam sa kaniya pabalik pagkatapos ay binaril ang isa sa mga kalaban na papalapit sa kanila. “Put*ngina!” mura ni Brix nang kamuntika na silang matamaan ng bala. Nagtago sila sa likod ng sasakyan. Sunod-sunod pa rin ang pagganti ng mga putok nito sa kalaban. Sa sobrang lakas ng mga putok ay hindi sila magkanda-rinigan dahil din napuno ng tunog ng barilan ang kapaligiran. Hindi nila masyado makita ang mga kalaban dahil natatakpan ito ng mga pananim na mas matangkad pa sa tao. Bumaba ang tatlong sundalo, tumungo ito sa gawi nila upang protektahan sila, ngunit bago pa man sila makarating ng tuluyan ay isa sa mga sundalo a