CHAPTER 8

459 Words
Pagsapit ng lunes, medyo matamlay pa rin ang aking pakiramdam dahil sa nangyari sa amin ni Karl. Pagkatapos kasi nitong umalis ay ilang oras pa rin akong naghintay at nagbakasakaling babalik si Karl. Kaya ko siya hinintay ay upang patunayan nito ang kanyang sinabi kanina na babalik siya. Siguro upang magpaliwag o kahit ano, pero natatawa na lang ako sa aking sarili. Nagsisi ba ako sa aking ginawa? Nasaktan ba ako? Medyo pero kaya namang tiisin at alam ko naman sa sarili ko na kaya kong mag-move on sa loob ng ilang araw lang. Isa pa, nasanay na kasi ako sa ganitong sitwasyon. Muli akong napabuntonghininga sa sinapit namin ni Karl. Nag-expect kasi ako na tatagal kami ni Karl kahit isang taon man lang. Well, it’s not my loss. Siguro ay hanggang two months lang ang pagpakatanga ko kay Karl Rosales. Pagsapit ng gabi, umalis ako ng bahay at sa labas na ako nag-dinner para maiba naman.May bagong restaurant sa di kalayuan at one ride lang iyon mula sa bahay ko. Tutal weekend naman, hindi na ako nag-taxi at sumakay na lang ng jeep. Hindi siya fine dining. Barbecue at ihaw-ihaw lang ngunit maganda ang location. Nasa rooftop kasi ito at tanaw ang buong siyudad. So, pagdating ko Joaquin’s, kaagad akong pumili ng pwesto, iyong medyo nasa sulok na bahagi upang hindi ako madisturbo. Ano kasi, kapag may mga poging haharang-harang sa line of vision ko, nadi-distract kaagad ako. Umorder ako ng isang pecho at inihaw na bangus. Normal na sa Joaquin’s na medyo maraming kumakain tuwing Sabado ng gabi kaya inaliw ko na lang muna ang aking sarili sa pagba-browse online. Muntik na akong ma-tempt na i-unblock si Karl, pero nagpakatatag talaga ko. “Heto na po order n’yo Ma’am,” sabi ng staff nang ma-ideliver niya ang aking inorder na dinner. “Salamat,” sabi ko habang inayos niya ang mga pagkain ko sa mesa, pati na rin ang inorder kong inumin. Nang makaalis ang babae, kaagad na akong nagsimula sa pagkain. Sa Joaquin’s lang yata ako nakatikim ng masarap na inihaw. Hindi kasi tinipid sa spices ang mga pagkain nila kaya okey lang kahit medyo pricey. Nakayuko lang ako nang marinig ko ang pamilyar na boses sa di-kalayuan. Nag-angat ako ng tingin at hinanap ang lalaking nagsalita. Tumikhim ako upang mapansin niya at hindi talaga ako nagbaba ng tingin upang malaman niya na nakita ko siyang may kasamang iba. Mukhang matatagalan pa bago niya ako pansinin kasi busy pa siya sa pag-asikaso ng kanyang nobya. Inalalayan pa niya ang babae sa pag-upo nito. Umikot ang mga mata ko sa inis dahil hindi naman lumpo ang babae para tratuhin ng gano’n, o sadyang naiinggit lang ako kasi ni minsan ay hindi pa niya ginawa sa akin iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD