Inakala ko ay dadalhin ako ni Jake sa isang fast food ngunit sa isang hotel niya ako dinala. "Bakit dito?" Kinabahan ako habang nagtanong dahil inisip ko na kaagad ang mga bagay na maaaring mangyari sa hotel. "Eat all you can," sagot ng binata. "Ayokong maghihintay pa tayo ng matagal dahil gutom na ako. Ano ba ang iniisip mo, baby?" Tanong nito habang napangiti. "Ang advance mong mag-isip. Sa chat lang kita tinanong ng ganoon ngunit maginoo talaga ako," paliwanag ng lalaki. "Sabi ko nga, eh, sorry na kung advance akong mag-isip," wika ko sa kanya habang pilit ba itinago ang pagkapahiya. "Let's go," sabi nito sabay hawak sa aking kamay at medyo napahiya ako nang pinagtitinginan kami. "Table for two, please," sabi niya sa babaeng nakatayo na hanggang pusod na yata ang slit ng suot na pal