Dahil sa naging eksena kanina ay pinalitan ko na lang ang aking suot na underwear. All black na lang ang aking pinili upang walang masabi ang sinumang huhubad sa damit ko. Paglabas ko ng bahay, ay hindi ko inasahan na maabutan ang lalaki sa may gate. Siguro kung first ko siyang makita na naka-polo at pormal na pormal, natitiyak kong tatalon din ang aking puso. "Bakit narito ka pa rin? Tanghali na, Jacob," paalala ko sa kanya dahil alas otso y medya kasi ang official time in sa office. Sa bagay, anak naman ito ng may-ari. "Ihahatid na kita," alok nito. "Sa pupuntahan ko? Naku huwag na, out of the way ka na masyado at late na rin kasi," tumanggi ako. "Hindi ko naman kailangang magmadali. Proxy lang naman ako," sabi pa nito at napailing na lang ako sa mga irresponsable niyang sagot. "Ha