Kung nakailag siya sa kutsara, hindi niya nagawang iwasan ang tinidor at nasapol ko ang ulo niya. "Natalia naman! May mali ba sa sinabi ko? Sadyang mahilig lang talaga si Olot sa mga magaganda at nakahubad!" "Alam mo, sa tingin ko ay inutusan mo lang ang unggoy na iyon upang guluhin ako," inakusahan ko siya. "Ang tindi mo talaga mag-isip, Nat! Kumain na nga lang tayo kasi may lakad pa ako, eh." "At saan ka naman pupunta? Baka pag-uwi ko mamaya ay ibang hayop na naman ang dalhin mo rito sa bahay." Nang ngumiti ang lalaki ay saka ko lang napagtanto na mali ang mga salitang ginamit ko kanina. Ang dating kasi eh para akong na-agrabyadong asawa. "Pinapa-report ako sa opisina. May aasikasuhin kasing importante si Yakeem," sabi nito kahit na hindi naman ako humingi ng paliwanag. "I see,"