Kinaumagahan, maingat akong bumaba upang hindi marinig ng unggoy. Habang ingat na ingat ako sa aking pagbaba ay bigla kong nakasalubong si Jacob sa may hagdanan. Hindi ko napigilan ang aking sarili na mapatitig sa kanya ngunit nang dumako ang aking mga mata sa kanyang mga labi ay kaagad akong nag-iba ng tingin. Noon pa man ay alam kong gwapo na ito dahil isang Chavez naman ang lalaki ngunit mas lalo itong naging cute at pogi sa paningin ko dahil sa kanyang suot na gray na hoodie at itim na walking shorts. "Nasaan si Olot?" "Ibinalik ko na muna kay Mommy," sagot ng lalaki. "Salamat. Nakakatakot naman kasi ang bestfriend mo. Teka, gutom ka na ba? Magluluto lang ako saglit," sabi ko sa mahinang boses na tila nagpa-sweet ako sa kanya. Yucks! Dahil lang sa isang kiss ay kaagad na akong na