CHAPTER 20

956 Words

Bago pinatay ang ilaw ay binuksan ko muna ang bintana upang makapasok ang malamig na hangin. Simula kasi nang dumating si Jacob sa bahay ay bihira ko na lang itong buksan dahil mahilig itong tumambay sa terrace. Mabuti na iyong nag-iingat kasi kahit na mabait ito at may pinag-aralan, lalaki pa rin si Jacob. May kutob akong hindi makauwi ang lalaki dahil makikipag-inuman pa ito sa kanyang bestfriend. Pagkatapos ay bumalik na ako sa kama at nahiga. Habang nakahiga ay hindi pa rin napawi ang mga ngiti sa aking labi. Nagkasundo na kasi kami ni Jake na bigyan ng label ang aming relasyon at opisyal na kaming magkasintahan. Sa aking edad at karanasan sa buhay ay hindi na dapat ako pumayag sa ganoong set-up ngunit ramdam ko naman na tunay ang pagmamahal niya sa akin kahit hindi pa kami nagkita.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD