Nang magdesisyon akong umuwi ay walang ibang nagawa si Jake maliban sa ihatid ako sa may sakayan ng bus. Gusto ng lalaki na ihatid ako pauwi ngunit tumanggi na ako dahil gabi na at kargo de konsensya ko pa siya kung mayroong mangyari. "Iwanan mo na lang ako rito baby, kaya ko 'to promise," panigurado ko sa kanya habang nasa waiting shed kaming dalawa. "Naku, hindi maaari, baby. Mahirap na at baka may manggulo pa sayo rito. I'll stay hanggang sa may dumaan na bus," sagot ng lalaki. "Sa totoo lang ay ayoko pa sanang umuwi ngunit ayoko rin na mas lalong ma-badshot sa parents mo. Naintindihan mo naman ako, baby, di ba?" "Oo naman, baby. Baka sa mga susunod na araw ay may time akong lumuwas muli sa city. Pupuntahan kita sa inyo," sabi nito. "Ang sweet, pero infairness ha, hindi ko inexpect