Nang bumalik ang ama ni Jake ay medyo kumalma na ito at hindi na masyadong kontrabida. Sa tooo lang ay hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang pakikitungo niya sa akin eh wala naman akong balak na ipagkalat ang sekreto niya. Una sa lahat ay hindi ko kayang saktan si Jake at alam ko na masasaktan ang lalaki kapag malaman ng publiko na second family lang sila. Habang nakatingin ako sa kanya ay bahagya akong nakonsensya kung bakit ko nasabi ang mga bagay na iyon. Wala akong masamang intensyon habang nakipagbangayan sa kanya. Sinakyan ko lang naman ang kanyang trip kaya ganoon ang takbo ng usapan. Gusto kong humingi ng tawad ngunit nag-alala ako na baka ma-misinterpret ng iba ang gagawin ko. Ang gulo tuloy ng utak ko! "Baby, may tumawag yata sayo," sabi ni Jake habang kinalabit ko.