Mali pala ang akala ni Jake na huling bus na iyon dahil may dumating na isa pa. At hindi na niya ako hinayaang palampasin iyon. Ayoko sana ngunit nahiya na ako sa ginawa ko na para akong clingy masyado sa kanya kaya sumakay na rin ako. Simula nang tumuntong ako sa bus ay tinawagan ko na siya at nagtawagan kami hanggang sa maramdaman ko ang antok. Hindi ko alam kung anong oras ako nagising at medyo naalimpungatan ako nang may tumabi sa aking pasahero. Paglingon ko ay isang lalaki. Binalewala ko lang at muling pumikit at iyon ang malaking pagkakamali na nagawa ko. Paggising ko ay wala na ang aking bag. Gusto kong umiyak pero nahiya ako. Gusto kong magpa-blotter ngunit naisip ko na wala namang masyadong laman iyon. Ibang wallet ang dinala ko at pocket money lang ang laman noon at ilang bot