Napabuntonghininga na lang ako sa naging sagot ni Jacob sa akin. Bakit ba kasi napaka-antipatiko ng kanyang dating? O guni-guni ko lang ang lahat? Pinili ko na lang maupo sa kabilang table na medyo malayo sa kanya dahil na badtrip ako. Kaya lang ay hindi pa man ako nakahuma sa aking kinauupuan ay lumipat ang lalaki sa mesang inookupa ko.
Sa totoo lang ay kanina ko pa siya gustong sigawan ngunit naisip ko pa rin na kapatid siya ng boss ko.
"Nabanggit ni Yakeem na aalis ka raw," sabi niya.
"Oo," ang tanging sagot ko.
"Ang tipid mo namang sumagot, may pinag-iiponan ka ba?"
"Ha ha ha. Ang corny n'yo po," sabi ko. "Excuse me ha, kakain na ako."
"Sige," sagot niya, ngunit paano ako kakain kung panay ang titig niya sa akin? "Huwag ka ng mahiya pa," dagdag pa nito.
Tama naman siya. Hindi ako dapat mahiya kaya sinubukan kong huwag siyang pansinin habang kumakain ako.
"Ang cute mo namang kumain," pahayag ng lalaki, kaya di ko na napigilan ang sarili ko na irapan siya.
Kapatid ba talaga ito ni Mr Chavez? O baka adopted lang ang lalaki? Sobrang magkaiba ang dalawa kumilos eh!
"Kung gutom ka pa, kunin mo na lang ang isang piraso ng manok," sabi ko kasi panay ang titig niya, eh. Actually, biro lang 'iyon ngunit ang walang modo ay talagang kinuha ang isang piraso ng manok at kinain. "Masarap ba?"
"Oo. Paborito ko 'to, eh," sabi pa niya.
"Bakit di ka mag-order ng additional? Wala ng tao sa counter, o!"
"Mas masarap siya kapag libre," nakangising wika ng lalaki. Naku, ang sarap talaga niyang sabunutan! Ang yaman-yaman ngunit kung umasta ay parang walang makain sa bahay nila.
"Hindi ko alam na PG pala ang kapatid ni sir," sabi ko at kaagad na kumunot ang kanyang noo.
"PG?"
"As in patay-gutom," walang preno kong sagot ngunit imbes na magalit ay tumawa lang ito. Pagkatapos ay nakiinom pa ito sa inorder kong hot choco. Napakawalang-modo talaga ng lalaki!
Kaya bago pa man ako atakihin sa puso ay binilisan ko ang pagkain upang makaalis na ako. Sa sobrnag bilis ko ay muntik na nga akong nabilaukan ngunit ang hinayupak na lalaki ay kaagad na tumayo at binatukan ako. Nailuwa ko tuloy ang pagkain, at nang mag-angat ako ng tingin, nanalangin ako na sana, kainin na lang ako ng lupa!
Muli kong inirapan ang lalaki sa ginawa niya sa akin ngunit umasta itong walang alam. Kung makatingin ay parang inosente at nagawa pa akong tanungin kung okey lang ako.
Jusmiyo marimar, mukhang makakapatay yata ako ng tao sa loob ng Jollibee!
"Salamat ha, at kay aga-aga ay napahiya ako," sabi ko sa kanya bago ako tumayo at taas-noo na lumabas mula sa fast food.
Siguro ay pinaglaruan lang ako ng aking pandinig ngunit narinig ko ang kanyang boses na tumawag sa akin. Binilisan ko na lang ang aking paglalakad papunta sa kabilang eskinita at doon na ako pumara ng taxi.
Nakaalis na ang taxi nang maisipan kong tawagan si Gwen upang warningan tungkol kay Karl. "Teka, nasaan ang cellphone ko?"
"May problema ba, Miss?" Nagtanong ang driver.
"Kuya, p'wede ba tayong bumalik? Naiwan ko yata ang wallet ko sa Jollibee," sabi ko sa kanya ngunit bigla na lang huminto ang driver kaya nagtaka ako.
"Baba! Ginagago mo ba ako?"
"Kuya, naiwan ko talaga ang wallet ko," sabi ko.
"Hindi mo na ako maloloko pa, Miss. Ganyan na ba ang bagong modus ngayon? Baba!" Sumigaw ang lalaki kaya sa sobrang takot ko ay mabilis na rin akong bumaba.
Habang nakatayo sa may gilid ng kalsada, hindi ko alam kung lalakarin ko ba ang daan pabalik sa fast food o maghintay muli ng taxi. Kaagad akong pinagpawisan sa sobrang init kaya hindi na rin ako komportable.
Nagsimula na akong maglakad nang biglang huminto ang isang itim na sasakyan. Napaatras ako ngunit may kanal pala sa likuran at saglit ko itong nakalimutan.
"AYYY!"Napasigaw ako nang maramdaman ko ang unti-unting pagka-out of balance ko. Nakita ko ang lalaki na mabilis na lumabas ng sasakyan ngunit imbes na tulungan ako ay tiningnan lang niya ang aking pagbagsak. Mabuti nalang at naiwasan ko ang kanal ngunit bumagsak pa rin ako. Ang sakit ng puwet ko!
"Are you okey?" Tanong niya.
"Ang kapal naman ng mukha mong tanungin ako ng ganyan, gayung tiningnan mo lang ako," sabi ko sa kanya.
"Masasayang lang kasi ang effort ko dahil hindi na rin naman kita maaabutan. Isa pa, baka ma-inlab ka pa sa akin kung naging mabilis ako," paliwanag niya, ngunit sinenyasan ko siyang tumigil na nalang sa pagsasalita at puro walang kwenta naman ang lumabas mula sa kanyang bibig.
"Hindi ko alam kung bakit pinagtagpo tayo ngayon at minalas ako. Umalis ka na nga sa harapan ko!"
"Okay. Pero teka lang at kukunin ko na muna ang wallet mo. Tinawag kita kanina ngunit hindi ka nakinig," sabi ng lalaki.
Habang kinuha niya ang aking wallet mula sa kanyang sasakyqn ay sandali akong naguguluhan. Hihingi ba ako ng tawad dahil sa sinabi ko kanina?
"Ay grabe!" Muli akong nagmura nang imbes na ibigay niya sa akin ng maayos ang wallet ay inihagis lang niya ito sa aking harapan at pagkatapos ay umalis na kaagad ang lalaki.
Ghad! Malapit na talaga akong atakihin sa puso dahil sa isang iyon! Trip lang ba niya ang umasta na parang walang pinag-aralan?
Kaagad kong tiningnan ang aking wallet upang masiguro na hindi niya ito ginalaw. Alam kong masama ang iniisip ko ngunit ano pa nga ba ang iisipin ko gayung hindi ko maintindihan ang mga kilos niya?
At dahil nasira na ang aking araw ay hindi na ako tumuloy sa simbahan. Nang may dumaan na taxi ay kaagad na akong nagpahatid muli sa bahay.
Mabuti pa sigurong ihanda ko na lang ang kabilang silid just in case na may mag-inquire.
Nagpa-deliver nalang ako ng pagkain para sa lunch ko. Habang naglilinis, naisip ko na baka may kulang sa listing ko at baka iyon ang dahilan kung bakit wala pa rin akong natanggap na inquiry.
Hmmm ano nga ba ang kulang?
Ilang beses akong nagpalakad-lakad sa may sala habang nag-iisip ng catchy phrases para sa listing ko. Actually, may naisip ako kanina ngunit hindi ko alam kung papatok ba ito.
Masubukan nga!
Pagkatapos ay muli akong bumaba upang sa baba na lang hintayin ang inorder na pagkain.
Nagpapahangin ako sa balcony nang tumunog ang aking cellphone. "Parating ka na,kuya?" Tinanong ko kaagad ang rider ngunit ibang tao pala ang tumawag. "Sino po sila?"
"Available pa po ba ang room for rent?" Tanong nito.
Napangiti ako dahil mukhang effective nga ang add on aervices na inilagay ko doon. "Yes, sir!"
"Good. Kukunin ko na," sagot ng lalaki.
"Ilang days po?"
"Hindi ka ba nakatanggap ng booking details?" Ganting tanong ng lalaki, kaya maagad kong binuksan ang app.
"Sigurado po ba kayo dito?" Tinanong ko ang lalaki dahil baka namalikmata lang ako. First booking kasi tapos long term kaagad!
"Yes. Binayaran ko na rin ng buo," sabi pa nito.
"Checking po," sagot ko, at mabilis na binuksan ang app ng online banking ko, at napanganga na lang ako habang nakatitig sa amount na pumasok via online transfer. Remittance lang kasi ang nakalagay eh.
Naisip ko na sobrang swerte ko dahil first time ko pa lang sumubok ngunit long term booking kaagad at may p*****t na.
"Confirmed po na natanggap ko ang p*****t n'yo sir," sabi ko sa kanya.
"Good," sabi ng lalaki at kaagad na rin nitong pinutol ang tawag.
Dahil sa sobrang saya ay muntik na akong nagpatalon-talon. Mabuti nalang at di ko ginawa iyon kung hindi ay nakita na sana ako ng rider na nagdeliver ng food.
"Tip n'yo," sabi ko habang ibinalik sa kanya ang sukli ng pera ko.
"Naku, salamat po ng marami, Ma'am!"
Nang makaalis ang rider ay muli na akong bumalik sa loob at kumain. Habang kumakain ng pizza ay isinabay ko rin ang pag-scroll sa sss gamit ang isang kamay ko. Maya-maya pa ay tiningnan ko rin ang aking messenger kung may naligaw ba na mensahe si Karl upang mag-sorry ngunit wala talaga.
Habang nagko-scroll ako ay dumaan sa wall ko ang isang page na may spg content daw. Parang mga confessions kumbaga kaya hindi ako nagdalawang-isip na i-like iyon. Nakakaaliw kasi basahin ang ibang confessions at may mga oras na nagduda na rin ako kung totoo ba iyon or gawa-gawa lang ng sender.
Neverthelesa, may isang post doon na hindi ko mapigilang mag-iwan ng komento. Ano raw ang mas importante? Size o performance? Syempre, doon na ako sa size kasi ang performance ay maaari namang mag-improve. Pwedeng aralin, kumbaga. Pagkatapos, ay naghanap na ako ng magandang kdrama na mapapanood.
Ayoko sanang panoorin iyong WOTM ngunit ang ganda kasi ng review kaya sinubukan ko ang episode 1, hanggang sa hindi ko namalayan na madilim na pala sa labas.
Ganoon ako kapag nanonood ng drama lalo na kung maganda talaga ang palabas. Pinilit ko ang aking sarili na tumigil na sa episode 10 dahil may trabaho pa ako ngunit nagpatuloy pa rin ako. Hindi ko maiwan pero noong tumunog ang aking alarm clock, saka ko lang napagtanto kung ilang oras ang sinayang ko.
Inadjust ko na lang ang alarm clock at kaagad na humiga. May dalawang oras pa ako, eh! Kung maswerte, aw hindi ako mali-late.
Anyway,.malapit na rin naman ang last day ko, at iyong papalit sa akin ay fast learner naman kaya sa tingin ko ay papayagan ako ni boss na aalis kahit wala pa sa takdang oras.
Four hours later, nagkandarapa akong bumangon dahil alas otso na at alas otso y medya ang pasok ko.
Mabilis akong nag-shower, at mabilis rin na nagbihis. Pagkatapos ay tumakbo na ako palabas ng bahay at nag-abang ng taxi.
Pagdating ko sa opisina ay one minute na lang at alas otso y medya na. Magta-time in na sana ako nang biglang mamatay ang kuryente.
"Brownout?" Tanong ko sa aking kasama na katulad ko ay nag-alala rin. Istrikto kasi ang kumpanya pagdating sa time in namin. Kapag walang time in, automatic na absent!
Ang saklap talaga. Nagmadali pa ako ngunit mukhang masasayang lang ang effort ko.
"Bwesit talaga!" Mahina akong nagmura ngunit bigla na lang may nagsalita sa likuran ko.
"Anong nangyari sa mata mo? Para kang nasuntok ni Pacman, ah!" Puna ng lalaki sa dark circles ng mata ko.
"Bakit ka narito?" Tinanong ko siya.
"Intern," sagot ng lalaki at natulala kaagad ako. Magiging intern siya?
"Ibig sabihin ay magkikita tayo araw-araw?"
"Yes," sagot niya at kaagad akong napangiwi.
"Ah, mabuti nalang at aalis na ako rito," sabi ko na lang.
"Hindi mo ba ako mami-miss?" Pabirong tanong ng lalaki na siyang dahilan kung bakit nagtawanan ang mga nakarinig sa palitan namin.
"At bakit naman kita mami-miss? Nobyo ba kita? Kapamilya ba kita?"
"Sagutin mo na kasi ako," sabi pa niya at kaagad na nanlaki ang butas ng aking ilong.
"Anong pinagsasabi mo?"
"Panliligaw iyon,"sagot ng lalaki.
"Diyan ka na nga!" At kaagad na akong pumasok sa loob ng accounting office at hindi na muling lumingon pa.
Sa kasamaang palad, sumunod ang lalaki at nalaman ko na lang na siya pala ang OIC for VP-Finance.
Ang malas ko naman!
At hindi pa nagtapos ang kamalasan ko dahil nang bumalik ang kuryente ay kaagad niya akong pinatawag. Gusto ko sanang tumanggi ngunit nasa office kami, eh. Boss ko pa rin siya!
"Bakit po, sir?"
"Jacob na lang, parang di naman tayo magkakilala niyan," sagot niya.
"Bakit mo ako pinatawag?"
"Ah, hindi ko kasi alam kung paano ito gamitin," sabi niya habang itinuro ang check writer.
"Hayaan n'yo na lang po ang assistant ninyo na gawin ang mga tseke," mungkahi ko sa kanya dahil hindi niya naman kailangang personal na gawin ang mga tseke. Ang trabaho niya ay pipirma lang!
"Gusto kong pag-aralan lahat," ssgot ng lalaki.
"Kung ganoon po ay tatawagin ko muna ang assistant mo. Mas alam niya 'yan eh," sabi ko.
"Ikaw na lang," giit ng lalaki at napairap nalang ako sa sinabi niya.
"Bakit ako?"
"Eh kasi ikaw ang gusto ko," sagot niya.
Kahit ano pa ang sasabihin ko, hindi talaga siya makikinig kaya tinuruan ko nalang siya upang makaalis na ako. Makakalabas lang daw kasi ako kapag alam na niya kung paano gagamitin ang natutang check writer.
Pahirap talaga sa akin ang lalaki, kaya naisip ko na mamaya ay i-evaluate ko na ang kaalaman ng papalit sa akin tungkol sa pasikot-sikot ng trabaho. Magdadahilan na lang siguro ako na may malubhang sakit at kailangan ng agarang gamutan o operasyon.
Sa tingin ko kasi ay aatikihin lang ako sa puso kung palagi kong makikita ang lalaki. Parang nananadya kasi ito, eh!
"Sabay na tayong mag-lunch mamaya," sabi niya.
"May baon po kasi ako, sir," sabi ko.
"Ipakain mo na sa kasamahan mo. Wala kasi akong kasabay mamaya na kakain. Di ba ang boring kumain mag-isa?"
"Ewan ko ho, lagi naman akong may kasama," pagsisinungaling ko.
"Liar," sabi naman niya.
Paano kaya niya nalaman na nagsinungaling lang ako? Ang galing niya namang manghula!
"Ayoko," sabi ko sa kanya.
"Anong ayaw mo?"
"Ayokong sumabay sayo mamayang lunch," paglilinaw ko sa kanya.
"Naku, magsisisi ka talaga. Minsan ka nga lang may kasabay na pogi at boyfriend material, aayaw ka pa," nagparinig ang lalaki ngunit bigla na lang itong nagmura nang mali na naman ang nailagay nitong details sa tseke.
"May balak ka bang ubusin ang isang stub ng tseke? Ilang piraso na ang nasayang, ah," paalala ko sa kanya ngunit umismid lang ang lalaki na tila ba wala itong pakialam sa mga tsekeng sinayang niya.
"Marami pa naman diyan, eh," irresponsable nitong sagot.
"Sige ka, kapag maubusan tayo ng blank check at matatagalan tayong kumuha ng bago sa bangko, ikaw ang mananagot sa Kuya mo," sabi ko.
"Ako ang kuya niya," sagot ng lalaki at awtomatikong umangat ang ang aking kilay.
"Mas matanda ka sa kanya?"
"Yup! Mahirap bang paniwalaan dahil sa hitsura ko?"
"Dahil sa ugali mo. Kung umasta ka kasi, parang mas bata ka sa kanya."
"Ah, sadyang ganyan lang talaga si Yakeem. Actually, seryoso naman ako dati. Mas malala pa nga ako sa kanya pero iniwan pa rin ako," tila may hugot nitong sabi.
Napailing na lang ako kung bakit napunta sa kanyang buhay pag-ibig ang topic namin. Isang malalim na buntonghininga ang kumawala sa akin habang nakamasid sa lalaking nasobrahan ang pagiging happy go lucky.
"Alright!" Bigla itong sumigaw at kaagad na iwinagayway sa harapan ko ang tsekeng ginawa niya.
Tiningnan ko itong maigi at tama naman ang pagkakagawa. "Sa wakas ay makakaalis na ako," mahina kong sambit.
"Sino'ng maysabi?" Tanong ng lalaki na ipinagtataka ko naman.