CHAPTER 11

818 Words
Inaamin ko na naging pabaya ako sa aking pera at kayamanan pero sinubukan ko naman na maging selfish at unahin ang sarili kong kapakanan ngunit hindi ko naman kinaya iyon. Tuwing naririnig ko na may pangangailangan sila, hindi ako mag-atubiling ibigay iyon kasi inisip ko na baka ako lang talaga ang kayang tumulong sa kanila. Inisip ko kung ano ang mangyayari kung hindi ko sila tutulungan gayung may kakayahan naman akong tumulong. Hindi ko napansin na nalulong na pala ako. Bisyo ko na pala iyon. At hindi ko na namalayan na may mga taong abusado ang nakapasok sa buhay ko. Ginamit ako. Ginamit ang pagiging matulungin ko sa kapwa. I felt so bad for myself kasi naging pabaya ako. Inaami na ginusto ko iyong pambobola nila sa akin. Ginusto ko iyong atensyon na ibinigay nila sa akin kahit na alam kong may kapalit. Bakit gano’n? Akala ko ba ay strong and independent akong klase ng babae? Bakit hinahanap-hanap ko pa rin ang atensyong iyon? Sa tanang buhay ko, hindi ko pa naranasan na may nagtanong kung kumusta na talaga ako. Kung may pagkain ba ako, kung okey lang ba aking aking kalusugan, etcetera. Kailan ko kaya maranasan iyong atensyon at pag-aruga na kaya kong ibigay sa isang tao? May isang tao kaya na kayang tumbasan ang efforts ko tuwing magmahal? May isang tao kaya na kahit may ibang ginagawa ay lagi pa rin akong iniisip? May isang tao kaya na darating sa buhay ko na hindi ko kinakailangang mamalimos o magbayad para sa atensiyon? May isang tao ba na isasali ako sa pangarap niya? Kung mayroon man, sana ay dumating na siya kaagad bago pa ako mawalan ng pag-asa na maranasan iyon. Nakakahiyang aminin pero hanggang panglabas lang yata ang pagiging strong and independent ko kasi deep inside, gusto ko ring maranasan na aalagaan, mamahalin, at ibiging tunay. Gusto kong maranasan na ako naman iyong gagawing baby, iyong ako naman ang i-spoiled sa atensiyon at iyong ako naman ang priority. Kailan kaya iyon? Kailan ko kaya mararanasan ang gano’ng klase ng pagmamahal? Napabuntonghininga na lamang ako habang nakatingin sa malayo dahil naguguluhan na rin ako kung may mali ba sa akin. Gaya ng inasahan ko, tuluyan na ngang nag-move on si Karl at hindi na ako kinulit. Sabagay, ano pa ba ang aasahan ko gayung may asawa na nga ito at may anak pa! Na-bwisit talaga sa isang iyon dahil bukod sa ginawa pa akong sugar mommy, naging kabit pa nga ako. Naisip ko na panahon na siguro upang mag-isip-isip na ako. Mukhang nagsasayang lang kasi ako ng panahon at pera. Araw ng linggo kaya wala akong masyadong ginagawa. Hindi ako mahilig magsimba ngunit naisip ko na kailangan kong magsimba sa araw na 'iyon bilang simula ng aking pagbabago. Balak kong baguhin ang aking sarili at tama lang na aalis na mula sa EC upang mas mabilis na makapagsimulang muli. Pagkatapos kong maligo, kaagad akong naghanap ng maisusuot patungong simbahan. Sa kasamaang palad, wala pala akong damit na bestida. Puro pantalon lang. Napabuntonghininga na lang ako habang kumuha ng isang asul na skinny jeans at pinarisan ko ito ng itim na long-sleeved polo. Parang ang sagwa ngunit okey naman tingnan sa salamin at bagay sa akin. Dahil mag-isa lang naman ako sa bahay ay hindi na ako nag-abalang magluto ng almusal at dumiretso na sa pinakamalapit na Jollibee. Doon na lang ako kakain, naisip ko. Kagabi, bago natulog ay nag-update na ako sa listing ko sa airbnb. Seryoso na akong magkaroon ng extra income lalo na at aalis na ako mula sa EC. Ilang buwan na lang at wala na akong regular na sahod kaya kailangan ko iyon. Pumatak sa ninety pesos ang bill ko sa taxi na sinakyan. Pagbaba ako ay tumingala pa ako sa langit upang ipaalam sa kung sinuman na nasa itaas na gabayan sana ako sa aking mga plano sa buhay. "Good morning, Ma'am," bati ng security guard nang papasok ako sa fast food. "Good morning din sayo, chief," ganti ko. Pagpasok ay dumiretso na ako sa counter. "Isang breakfast chickenjoy tapos hot choco ang inumin," sabi ko sa crew pagkatapos niyang magtanong. "May additional pa po ba?" "Bottled water na lang po siguro, salamat," sabi ko sa kanya at palinga-linga ako sa paligid habang hinintay ang total kong babayaran, pagkatapos ay inabot ko sa kanya ang eksaktong amount. Saglit lang akong naghintay para sa order ko at nang maihanda na ang lahat ay kaagad na akong naghanap ng mauupuan. Nilanghap ko muna ang amoy ng fried chicken bago ko ininom ang hot choco at napamura pa ako nang muntik ng mapaso ang aking dila. "Hot choco nga kasi," sabi ng katabi ko. Nainis ako sa tono ng lalaki dahil para nitong ipinamukha sa akin na hindi ako sanay. Nang tumingin ako sa gawi niya ay kaagad na nanglaki ang aking mga mata. "Ano ang ginagawa mo rito?" Tinanong ko siya. "Kumakain," sagot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD