Lubos akong nagalak nang pumayag si Boss na maari na akong hindi mag-report sa darating na lunes.
Sa loob ng isang linggo ay pinagtiyagaan ko na lang ang presensya ni Jacob dahil wala naman kasi akong magagawa. Kahit na hindi parte ng aking duties and responsibilities ang pagtuturo sa kanya ng mga basic na gawain sa opisina, boss ko pa rin siya kaya obligado pa rin akong tulungan siya.
Nang tumunog ang aking alarm clock, muli ko itong pinatay, at inadjust ang thermostat ng aircon unit, at saka muli akong natulog.
Araw ng lunes ngunit wala na akong pasok. Nang muling tumunog ang alarm clock pagsapit ng alas sais ng umaga, padabog akong umalis ng kama dahil nasanay na yata ang aking mga mata na maagang gumising. Kanina, kahit anong pilit ko sa aking sarili ay di pa rin ako nakatulog muli.
Malakas ang aking pagbuntonghininga habang pinatay ang ac at saka binuksan ang bintana at hinawi ang kurtinang nakaharang nito. Naging habit ko na kasi ang pagbubukas ng bintana tuwing umaga kahit na may isang taong nakakairitang makita tuwing umaga. Nang tumingin ako sa gawi ng kanyang balcony, wala doon ang lalaki. Sa loob ng ilang buwan, unang beses ko lang napansin na hindi nagkakape ang lalaki sa balcony ng kanilang second floor.
Nang dumungaw ako, saka ko lang siya nakita. Nasa labas na pala ang lalaki at kumaway ito sa babaeng papaalis.
Hmmmp! Wala namang forever, kaya sa tingin ko ay magkakahiwalay lang din sila balang araw.
Siguro ay napansin ng lalaki na may nakatingin sa kanya at walang babala itong nag-angat ng tingin. Imbes na mapahiya sa ginawa kong pagmamasid, sinalubong ko pa ang kanyang mga tingin at saka ngumiti sa kanya. Ngunit sa kasamaangpalad ay bigla itong nag-iba ng tingin. Bumalik pala ang babae at kaagad itong sinalubong ng lalaki.
Nang akmang maghahalikan ang dalawa, kaagad na akong tumalikod at nagtungo sa may pintuan.
Bumaba ako at nagpunta sa kusina. Inihanda ko na muna ang isasaing ko bago pa man ako nagtimpla ng kape at saka lumabas ng bahay. Feel ko kasing magkape sa may balcony dahil maaga pa naman at tulog pa ang kapitbahay maliban sa isang tao na mukhang na-inlab na yata.
"Hinanap mo ba ako?"
Awtomatikong umangat ang aking kilay dahil sa tanong niya. "Ako ba ang kinakausap mo?" Tinanong ko siya habang nakakunot ang aking noo.
"Obvious ba? Naisip ko lang na baka hinanap mo ako dahil wala ako sa balcony kanina," sagot nito.
"At bakit naman kita hahanapin, aber?" Habang tinanong ko siya,biglang pumasok sa aking isipan ang isang lalaki na walang ibang ginawa maliban sa bwisitin ako. Natameme ang kumag nang tanungin ko. Inakala siguro nito na may gusto ako sa kanya, dios mio!
Bumalik ako sa loob dahil ayokong masira ng tuluyan ang aking araw. Narinig ko na tinawag ako ng aking kapitbahay ngunit nagkunwari akong hindi ko siya narinig.
Maya-maya pa ay may narinig akong sasakyan na huminto sa harap. Kaagad akong kinabahan, sa pag-akalang si Karl ang dumating, ngunit bisita pala ng katabing unit ang dumating. Sandali akong nakatitig sa pamilyar na sasakyan ngunit tinted ang bintana kaya di ko nakilala ang driver.
Umalis ako mula sa bintana at nagtungo sa kusina upang maghanda ng agahan. May nabasa akong blog ng isang writer na mas maiging huwag masyadong lumabas upang mas maka-concentrate sa ginagawang kwento. Nang malaman ko kung ilang kwento ang natapos niya, naisipan kong gayahin ang naturang writer. Mas lalo pa akong na-inspire nang ibinahagi niya kung magkano ang regular niyang kita mula sa isang sikat na online reading platform. 12k usd lang naman iyon at kung iko-convert ko iyon sa peso ay nasa mahigit kumulang na half million ang kanyang kita. Di ba, nakakatuwa iyon? Pero ang tanong, kaya ko ba 'yon? Nabanggit din kasi niya na nasa 20k words a day ang kaya niyang isulat!
Balak kong subukan ang mga tips na kanyang ibinahagi ngunit bago ko magawa iyon,kailangan ko munang kumain at maligo.
Simple lang hinanda ko sa almusal. Gisadong delimondo na may maraming sibuyas at sunny side up na itlog. At syempre, hindi mawawala ang kape. Adik na yata ako sa kape eh, kaya malaki ang aking pasasalamat at hindi iyon kasali sa mga itinotokhanh ng gobyerno.
Kakain na sana ako nang may nag-doorbell sa labas. Tumayo ako at nagtungo sa may bintana upang tingnan kung sino iyon, at lubos akong nagtaka nang makilala ko ang lalaki. Ayoko sanang lumabas upang buksan ang gate ngunit makulit ang lalaki.
"Bakit?" Maayos ko siyang tinanong.
"Sabi ng kaibigan ko ay bakante daw ang isang silid mo. Nakita daw niya sa airbnb," paliwanag ng lalaki.
"Totoo nga pero may naka-reserve na. Pakisabi na lang sa friend mo na hindi na available ang isang room sa bahay," sabi ko
"Siya kasi ang nagpa-reserve, at gusto na niyang lumipat kaagad."
"Pero sabi niya ay saka na lang daw, bakit nagbago ang isip niya?"
"Ewan ko. Kayo na lang ang mag-uusap," sabi nito.
"Mabuti pa nga, nasaan ba ang kaibigan mo?"
"Tumatae pa," walang kiyeme nitong sagot, at kaagad akong napangiwi.
"Ang bastos talaga ng bibig mo," paalala ko sa kanya. "Kailangan pa bang sabihin iyon?"
"Eh nagtanong ka kasi," sagot nito.
"Kahit na! P'wede mo naman kasing sabihin na may ginagawa pa," sabi ko.
"Sus, pareho lang 'yon. Malapit na siyang matapos, hihintayin mo ba?"
"Hindi na, pakisabi na lang na dito na ako sa loob maghihintay," sabi ko.
"Sige," sagot nito at hindi man lang nagpaalam nang umalis.
Napabuntonghininga na lang ako habang bumalik sa loob. Nakaupo na ako sa mesa ngunit hindi ko magawang kumain. Sinubukan ko kahit isang subo lang bumalik talaga ito at hindi ko kayang lunukin. Nakatitig ako sa pagkain nang biglang bumukas ang pintuan at tumambad sa aking harapan si Jacob.
Kaagad akong tumayo upang lapitan siya ngunit mas nauna siyang naglakad patungo sa akin, at nagulat na lang ako nang umupo ito at kumain.
"Paborito ko ito tuwing breakfast pero sobrang kj kasi ni Yakeem," reklamo ng lalaki habang inubos ang niluto kong ulam.
"Bakit po kayo narito?" Tinanong ko siya dahil wala naman kasing dahilan na puntahan niya ako.
"Hindi ba nasabi ni Royen Van sayo?"
"Sinong Royen Van? Wala akong kilala na may ganyang pangalan," sagot ko.
"Iyong kapitbahay mo na lalaki. Kaibigan ko 'yon," sabi ni Jacob.
Royen Van pala ang pangalan ng kumag. Ganunpaman, hindi ko pa rin lubos na naintindihan ang sinabi ni Jacob. "Ah kaibigan. Teka! Ikaw iyong sinabi niyang naka-book sa room ko?" Hinintay ko ang kanyang sagot dahil hindi naman Jacob ang nakalista doon. Gumamit ito ng dummy account?
"The one and only, Miss Agravante," sagot ng lalaki.