CHAPTER 14

1351 Words
Ilang minuto na ang nakalipas ngunit hindi pa rin ako nakahuma mula sa aking kinatatayuan. Paanong nangyari na ang lalaking nasa harapan ko ay ang taong papatay sa akin sa pamamagitan ng kunsimisyon. Naisip kong ibalik na lang ang pera ngunit baka kasuhan niya ako. "Hindi ko po maintindihan kung bakit kailangan n'yo pang mag-rent gayung mayroon naman po kayong bahay," pahayag ko sa kanya. "Gusto ko kasing maging independent," sagot nito. Naningkit ang aking mga mata habang pinag-aralan ang kanyang sinabi dahil sa tingin ko ay may iba pa itong dahilan. "Gumamit ka ng ibang pangalan," panimula ko dahil balak kong kanselahin na lang ang aming arrangement. "Hindi, ah. Hindi mo ba nabasa iyong note doon na he's booking for a friend?" "Hindi," pag-amin ko. "Nagdalawang-isip ka na yata nang malamang ako ang nag-avail ng extra room mo," sabi niya. "Bakit hindi eh kilala kita?" Tumawa ang lalaki at nang tumingin ako sa kanya, saka ko lang napansin na may hikaw ang kanyang dila. Bago kaya 'iyon o hindi ko lang napansin dati? Habang nakatitig ako sa kanyang dila ay kaagad na lumipad ang aking isipan at napahiya ako sa mga bagay na naglalaro sa loob. "Ano ang iniisip mo at ganyan ka makatingin? Nakakatakot naman, pakiramdam ko ay hinuhubaran mo na ako niyan,eh." "Iyong hikaw, dati pa ba 'yan?" "Hmmmm kahapon lang," sagot nito. "At pumayag si Mr Chavez na papasok kang may ganyan?" "Hindi. Sesante na nga ako, eh. Nag-away kami kaya ako naparito," paliwanag ng lalaki. "Mayaman ka naman eh, wala ka bang ibang bahay o condo na matutuluyan?" "Mayroon naman pero walang katulong," direktang sagot nito, na siyang dahilan upang umusok ang aking ilong. "At sa tingin mo ay may katulong ka dito sa bahay? Mag-isa lang ako, Jacob at wala akong katulong." "Pansin ko nga ngunit nangako ka na ipagluluto ako palagi at sapat na iyon," ipinaalala niya sa akin ang add on services na binanggit ko noon sa kaibigan niya. "Ah so katulong ang turing mo sa akin ngayon," sabi ko. "Landlady at tagaluto," sagot niya at hindi ko na napigilan ang sarili kong hampasin ang kanyang braso. "Touching," natawang sabi nito na para bang balewala lang sa kanya ang lahat ng sinabi ko. "Tapos na akong kumain." "O?" "Huhugasan ko lang 'to at saka ayusin ko na ang mga gamit ko sa itaas. Magkatabi ba ang silid natin?" "Oo," maikli kong sagot at tumango naman ang lalaki bago tumayo. Dinala nito ang pinagkainan sa lababo at kaagad ko ng narinig ang pagbubukas ng gripo. Wala pang isang minuto, bigla akong napatayo mula sa aking kinauupuan nang marinig ko ang pagkabasag ng mga gamit. Kaagad akong nagtungo sa kusina at naabutan ko ang lalaki na abala sa paglilinis ng mga nabasag na pinggan. "Sinadya mo 'yon ano?" Inakusahan ko siya kaagad ngunit nang mapansin ko ang maliit na sugat sa kanyang daliri ay kaagad ko na siyang tinulungan. "Mag-ingat ka kasi, baka mamaya ay wala na tayong pinggan,"reklamo ko sa kanya. Pagkatapos kong itapon ang mga nabasag ay kaagad ko na siyang inutusan na pumunta nalang sa sala at hintayin ako. Ang ending, ako na ang nagpatuloy sa paghugas. Kaunti lang naman so keri lang pero si Jacob kasi,eh! Unang araw pa lang siya sa bahay ngunit parang nakikita ko na ang future ng aking mga pinggan. Nang magtungo ako sa sala ay dala ko na ang first aid kit at naupo ako sa tabi niya. "Akin na," utos ko sa kanya ngunit hindi yata ako naintindihan ng lalaki dahil kumunot lang ang noo nito. "Akin na 'yang daliri mo at lilinisin ko lang ang sugat." "Huwag na, maliit lang naman ito at malayo sa bituka," pagtanggi ng lalaki ngunit hindi ako nagpatinag at kinuha ang kanyang kamay. Sabi niya ay malayo naman daw ito sa bituka kaya binuhusan ko kaagad ito ng alcohol. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko o hindi pero ganoon din naman ang lagi kong ginagawa kapag may sugat ako. Tanging ang puso ko lang naman ang hindi kayang buhusan ng alcohol. "Aray!" Pasigaw na reklamo ng lalaki habang binuhusan ko ng alcohol ang kanyang sugat. "Oa naman nito, para nilinis ko lang, eh! Sabi mo ay malayo sa bituka iyan," paalala ko sa kanya. "Ang hapdi kasi," patuloy itong nagreklamo. "Ka lalaking tao pero napakareklamador mo naman. Ngayon, parang alam ko na kung bakit na-stress sayo ang kapatid mo," sabi ko ngunit kaagad na nag-iba ang expreksyon ng lalaki. Kunwari ay tumingin ako sa labas ngunit nang muli akong tumingin sa lalaki ay nakakunot pa rin ang noo nito. "Huwag mo ng banggitin ang lalaking iyon," utos niya, ngunit umangat lang ang isang kilay ko bilang tugon sa kanyang sinabi. "Tapos na," wika ko pagkatapos kong lagyan ng bandage ang sugat sa kanyang daliri. "Salamat. Maaari ko bang tingnan ang magiging silid ko? Samahan mo ako," sabi niya. Naunahan ako ng lalaki, ah! Balak ko lang sanang ibigay sa kanya ang susi ngunit hiniling nitong samahan ko siya. Nauna akong umakyat sa second floor at nakasunod naman siya sa akin. Kaya lang ay bigla kong naalala na maikli pala ang suot kong shors at pakiramdam ko ay nakatingin siya sa akin kaya tumigil ako sa gitna ng hagdanan. "Mauna ka na," utos ko ngunit kaagad na tumanggi ang lalaki. Nangatwiran pa ang kumag na since bahay ko naman daw ito, dapat lang na mauna raw ako. "Mauna ka na sabi," giit ko habang umatras at bumaba ngunit pinigilan niya ako. Sa aking pagpupumiglas ng hawakan niya ang aking braso ay bigla akong na-out balance. Napasigaw ako sa takot nang maramdaman ko na babagsak nga ako. Tinawag niya ang aking pangalan habang inabot ang isa niyang kamay pero sa totoo lang ay gusto ko siyang sapakin. Ang bagal kasing kumilos kaya sa sahig ang bagsak ko. Mabuti na lang at ilang steps lang ang binagsak ko. "Ang sakit ng balakang ko," reklamo ko sa mahinang boses habang pinilit ang sarili na makatayo. Nang lumapit ang lalaki upang tulungan ako, hindi ko tinanggap ang kanyang kamay at inirapan ito. "Ang bagal mo kasing kumilos!" Sinisi ko siya. "Eh kasi nagulat din ako ako sa nangyari. Masakit ba?" "Eh kung tadyakan kaya kita? Kasalanan mo talaga 'to!" "Sorry na baby," pabirong sabi ng lalaki habang sumunod sa akin. "Hindi mo ako baby, at please lang, huwag ka ng gumawa ng bagay na nakaka-stress!" "Ang clumsy mo kasi," giit naman ng lalaki, at ako pa talaga ang sinisi sa pagbagsak ko sa hagdanan. "Ako na nga itong bumagsak at nasaktan, tapos kasalanan ko pa!" "Nat…," pabulong na tawag niya sa akin pero bakit Nat? Close ba kami? "Bakit na naman?" Pasinghal kong tanong sa kanya. "May dugo!" "Dugo?" Kaagad akong nanlamig nang marinig ang salitang dugo. Una sa lahat, hindi pa ako handang mamatay. Dios mio! "Sa shorts mo, na-injured ka yata," sabi niya at bago pa man ako makareklamo ay kaagad na niya akong binuhat. "Saan ang silid mo?" "Pink door," sagot ko naman. Dapat ay hindi na ako sumagot at bumaba na lang ngunit hindi ko iyon ginawa. Pumasok ang lalaki at itinapat niya ako sa kama. "Ano 'yan?" Tanong nito habang nakatingin sa ilang pakete ng condom sa ibabaw ng side table. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon na sumagot at kaagad na ibinagsak sa kama ang katawan ko, at kaagad na nitong pinagtuunan ng pansin ang mga pakete. "Ano ba? Ngayon ka lang ba nakakakita ng condom?" Galot akong nagtanong sa kanya upang maibsan ang aking pagkapahiya. "Hindi. I mean, hindi ko inasahan na may ganito ka sa room mo. May kasama kang lalaki?" "Wala," sagot ko habang nakatingin sa ibang direksyon. Teka nga muna, bakit ba ako mahihiya kung pag-uusapan namin iyon? Practical akong tao, eh! "So ibig sabihin ay may mga lalaki ka ng dinala rito?" "S'yempre," sagot ko naman at kaagad niyang isinoli ang isang condom sa mesa. "Bakit?" "Ano'ng bakit?" "Bakit ka punayag? Dapat ay sa asawa mo lang ibibigay ang bagay na 'yan," reklamo ng lalaki bago ito umalis, at natawa na lang ako sa inasal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD