Dahil nangako ako kay Jacob na ipagluluto ko na siya simula mamaya ay ipinagpaliban ko muna ang aking pagsasanay sa pagsusulat at gumawa na muna ako ng listahan ng mga bibilhin sa supermarket. Paalis na ako ng bahay nang dumating siya at nakangiti pa ang lalaki habang bumaba ng sasakyan at lumapit sa gate. "May lakad ka ba?" "May bibilhin lang sa supermarket," sagot ko. "Perfect! Ihatid na kita, halika na!" Sinubukan kong hilahin ang aking kamay ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya at hindi niya ako pinakawalan. Ang mokong, naisipan pang maging gentleman at binuksan pa nito ang pintuan, at inalalayan ako sa pagsakay. "Ang bango mo ngayon, ah!" "Manyak!" "Manyak kaagad eh nagustuhan ko lang naman ang pabango mo. Amoy tita," nakangising wika nito. "Bababa na lang ako," sabi ko sa