Nagsimula na akong gumawa ng plot nang lumitaw ang pangalan ni Jake. Nag-sorry ito dahil biglang na-lowbat ang kanyang cellphone. Sabi niya noon sa akin ay sira na talaga ang battery ng kanyang cellphone ngunit hindi pa siya p'wedeng bumili dahil kabibili lang bg laptop "Call?" Tanong ko sa kanya. "Later, Nat. Narito pa kasi ang kapatid ko, eh." "Okay po," sagot ko. "Makulit kasi siya." "Why? 5 years old ba ang kapatid mo?" "18 na siya ngunit sumbungero kasi," paliwanag ng lalaki. "Sabungero?" "SUMBUNGERO," at capslock pa talaga ang pagkaka-type na para bang ipinamukha niya sa akin na sira na ang aking mga mata o sadyang matanda na talaga ako. "Pagpasensyahan mo na lang muna ang iyong ka-chatmate at medyo may edad na," sabi ko naman na parang wala lang ngunit na-offend talaga ako