CHAPTER 15

1470 Words
Nang umalis ang lalaki ay saka ko lang naalala ang tungkol sa dugo. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nagtungo sa banyo. Gaya ng inasahan ko, may dalaw nga ako, kaya naisipan ko na lang na mag-shower na. Mabilis lang akong naligo at pagkatapos kong magbihis ay muli na akong bumaba. Naabutan ko ang lalaki na naka- dekwatro sa may sofa. "May lakad ka?" "Oo, bakit?" "Tulungan mo muna akong ayusin ang mga gamit ko at ipag-drive na kita sa pupuntahan mo," alok ng lalaki at kaagad kong pinag-isipan 'yon. "Kahit saan?" "Kahit saan," pangako nito kaya pumayag na ako kaagad sa gusto niyang mangyari. "Nasaan ang mga gamit mo?" "Nasa kwarto," sagot nito, at tumango lang ako. Pagkatapos ay nauna na akong umakyat at sumunod naman siya kaagad. Ngunit, bago ko pa man maitulak ang pintuan ay nauna na ang lalaki. Kumunot ang aking noo nang tumingin ako sa kanya. "Nasaan ang mga gamit mo?" "Nasa loob ng maleta," sagot nito. "Pinagloloko mo ba ako? Isang maleta lang tapos kailangan mo pa ang tulong ko?" "Oo," kalma nitong sagot na para bang normal lang sa kanya ang lahat. Napailing na lang ako habang binuksan ang kanyang maleta. "Dahan-dahan at baka masira 'yan," paalala niya sa akin at inirapan ko lang siya. Nakakaumay na kasi ang kakulitan niya, eh. Gaya ng sabi niya ay dahan-dahan kong binuksan ang kanyang maleta at muntik na akong atakihin sa puso nang makita ang laman ng kanyang bahagi. Napaatras ako at nanlaki ang aking mata sa sobrang pagkagulat. Pasimple akong umatras ngunit hindi pa rin nakaligtas mula sa aking pandinig ang malutong niyang halakhak. "Natakot ka ba?" Tanong ng lalaki habang pinigilan ang sarili na mas lalong tumawa. Hindi ako nakapagsalita kaagad at mas lalo lang lumakas ang kaba sa aking dibdib nang makita kong gumalaw ang malaking ahas mula sa maleta. Dahan-dahan itong gumapang papunta sa akin kaya mabilis akong tumayo at lumapit sa lalaki. Bago pa ito makapag-react ay nakapulupot na ang aking kamay sa kanyang leeg habang nagpakarga ako sa lalaki. Wala na akong pakialam kung anuman ang sasabihin niya kasi mas nanaig ang takot sa aking dibdib. "Iyong ahas," sabi ko sa kanya sa mahinang boses. Inakala ko na pipilitin ako ng lalaki na umalis mula sa pagkakayakap sa kanya, bagkus, hinawakan pa niya ang aking likod habang dumistansiya kami mula sa gumagapang na ahas. "Ay isang laruan," dugtong ng lalaki,ngunit hindi ko ito kaagad na narinig. Patuloy pa rin ang pagkapit ko sa kanya na tila ba siya lang ang aking pag-asa upang mabuhay. "Patayin mo ang ahas," utos ko sa kanya. "Patay na," bumulong ang lalaki at saka siya kumalas mula sa pagkapulupot ko sa kanya at pinaupo niya ako sa kama. "Ano'ng patay na?" Naguguluhan akong nagtanong sa kanya dahil hindi ko masyadong naintindihan ang kanyang sinabi. Magulo pa rin ang utak ko habang pinoproseso ang kabuuhang pangyayari. "Anong patay na?" Inulit ko ang aking tanong. "Ang remote control," sagot ng lalaki at saka ko lang napagtanto na kanina pa pala niya ako pinaglaruan. Nilingon ko ang lalaki at pinandilatan ngunit tumawa lang ito. Pinagtawanan lang ako ng gago kaya tuluyan ng humulagpos ang aking galit at mabilis akong tumayo upang sugurin siya. Ang kumag ay may lahi yata ni Jackie Chan at sobrang mabilis na nakailag mula sa aking pag-aatake. "Laruan lang iyon?" "Kanina ko pa nga sinabi na laruan lang iyon. Hindi ka kasi nakinig," sabi pa nito. "At ako pa ngayon ang may kasalanan?" Tumaaas ang aking boses habang tinatanong siya. "Paano kung inatake ako sa puso at namatay? Pananagutan mo ba ang nangyayari?" "Hmmm kapag nabuntis ka dahil sa pangyayari ay pananagutan kita," sagot nito. Umikot ang mata ko habang hindi na umasa ng matinong pag-uusap na kasama ang lalaki. Napailing na lang ako habang naglakad patungo sa may pintuan ngunit muling gumalaw ang ahas. "Stop it!" Utos ko sa kanya ngunit umiling lang ang lalaki at tawang-tawa ito habang palundag-lundag akong nagtungo sa may pintuan. Paglabas ko mismo mula sa kanyang silid ay nanliit ang aking mga mata habang nakatitig sa may pintuan. Gusto kong gumanti ngunit nag-alala ako na baka lumala lang ang lalaki. Ilang minuto na ang nakalipas ngunit kinilabutan pa rin ako habang ini-imagine ang gumagalaw na ahas kanina. Masisira lang yata ang bait ko kay Jacob kung magtatagal pa siya sa bahay. Kung alam ko lang na may guest palang problemado kagaya ng lalaki, hinayaan ko na lang sanang mabakante ang kabilang silid. Imbes na aalis sana ako, bumalik na lang ako sa aking silid at nag-browse online ng kahit ano. Nang magsawa ako ay binuksan ko ang aking f*******: account at nagulat naman ako sa daming notifications. Nang tiningnan ko ito ay mga reply lang pala doon sa iniwan kong comment sa isang page. Natawa ako sa ibang comments kasi sabi pa nila ay gusto raw nilang sumubok sa akin kung pasado ba ang kanilang performance. Mga loko-loko talaga at nagtago pa nga sa kanilang mga dummy accounts. Nang lumipat ako sa aking messenger, marami akong naka-filter na messages. Isa-isa ko itong binuksan at isa lang sa kanila ang aking pinansin. Nagsawa na rin kasi akong patulan ang bawat chat kasi alam ko naman kung ano ang kanilang mga pakay sa akin. Ang ganda kasi ng pangalan ng isa eh kaya pinatulan ko na. At doon nga nagsimula ang nonstop chikaan. Masarap siyang kausap kasi ang talino niyang kausap. Halatang well-read na tao, kaya lang ay humantong kami sa isang topic na pinakaayaw ko. Inimbita ba naman ako sa isang mlm business. Okey sana kung may produkto eh kaso ay wala kaya ekis sa akin iyon. At doon na rin natapos ang aming usapan. Ang saklap lang kasi parang isang linggong pag-ibig lang ang dating pero wala naman kasi akong magagawa. So, ang nangyari, isa-isa kong nireplyan ang mga nag-message sa akin. Grabe naman talaga ang ibang mga lalaki, diretsahan talaga ang mga tanong nila tungkol sa pakikipagtalik. Pare-pareho na gusto raw nila akong maikama, shuta talaga, napakawalang-modo! Naumay ako sa mga style ng mga hinayupak kaya blocked na silang lahat sa akin. Kinagabihan, habang nanonood ako ng evening news ay may nag-pop up na mensahe. Binuksan ko ito, ngunit isa na namang hi ang aking natanggap. Naisip ko na katulad din ito ng ibang mga lalaking dati ng nag-message sa akin. At isa pa, halos kapangalan pa nito ang aking tenant na walang ibang ginawa maliban sa bwisitin ako. Kanina lang ay may nabasag ulit na pinggan, at hinihintay ko lang na muli pang makabasag ang lalaki, at bibili na talaga ako ng plastic wares. Kinabukasan ay muling nag-message si Jake sa akin. Isa na namang hi ang pinadala niya sa akin. Kagaya ng nauna niyang mensahe ay hinayaan ko lang ito. Sa kasamaang palad, napindot ko ang mensahe niya at na-seen ito. Ayokong mang-seen ng mga messages kahit na galing pa ito sa isang estranghero. At dahil na-seen ko na ito ay kaagad kong nireplyan ang mensahe niya ng isang 'hi' rin. Online pala ang lalaki kaya mabilis din itong nakapag-reply sa akin. Naisipan kong huwag na lang itong pansinin kasi parang may hinala na ako kung ano ang magiging topic namin. Nagawa kong ignorahin si Jake ngunit nang dumating si Jacob at kinulit na naman ako, ginawa kong escape goat si Jake. "Sumabay ka na sa amin ni Royen," muling nangulit ang lalaki na sumama ako sa kanila ni Royen at kakain daw sa labas. "Ayoko nga sabi," paulit-ulit kong sagot sa kanya. "Bakit nga? Wala ka namang ginagawa at isa pa, masarap ang barbecue doon," paliwanag ng lalaki "Alam kong masarap ngunit wala nga akong balak lumabas. Magluluto na lang ako mamaya if ever na magugutom ako," sabi ko sa kanya. Nang tumunog ang aking messenger, kahit video call pa ito ay saglit ko itong pinindot at tinanggap ang tawag. Napakurap na lang ako sa aking nakita dahil sobrang gwapo pala ni Jake! "Hi," naka-smile ako habang nagwi-wave sa kanya na para bang nasa kabilang eskina lang ang lalaki. "Ang ganda n'yo naman po," nauutal na sabi ng lalaki, at tumikhim naman si Jacob nang marinig nito ang lalaki. "Ikaw din kaya, ang gwapo n'yo po at baby face pa," sabi ko, kahit na patuloy na nakikinig si Jacob. "Ilang taon ka na ba?" Tinanong ko ang lalaki ngunit matagal itong sumagot or sadyang mahina lang ang koneksyon niya. "Sorry ang bagal kasi ng net, ano nga po ulit ang tanong mo kanina?" "Ilang taon ka na?" "Twenty-four," sagot ng lalaki at kaagad ba nanlaki ang aking mga mata sa kanyang sinabi. "Twenty-four? Bakit mukhang nineteen ka pa yata," reklamo ko. "May sekreto po kasi ang mga pogi," pabirong sagot ng lalaki kaya natawa rin ako. Paglingon ko sa kinatatayuan ni Jacob, nakasimangot ang lalaki. Malaking issue ba talaga kung ayaw kong sumama?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD