Hindi ko namalayan na ilang oras na pala akong tulala habang nakatingin sa screen ng aking cellphone. Wala na, eh. Naipadala ko na ang resignation letter sa Boss ko. Kahit na hindi immediate ang effectivity ng resignation, alam kong hindi kaagad papayag si Madam na aalis ako.
Anyway, may three months pa naman ako sa kumpanya at irrevocable na kasi ang desisyon kong makipagsapalaran sa ibang industriya. Isa pa, gusto ko talagang makatapos ng kahit isang story lang sana.
Naubos ang oras ko sa pagmuni-muni at ang kape ay lumamig na rin kasi saglit ko siyang hindi napagtuunan ng pansin. Nagtimpla na lang ako ng bago dahil ayoko ng bumalik sa pagtulog. Seseryosohin ko na ang paghahanap ng guest sa extra room sa bahay.
Nilagyan ko ng details sa website upang mas mabilis itong mapansin at nag-upload na rin ako ng pictures. Sabi ng friend ko na nagpaparenta rin ng extra room, maghihintay lang daw ako ng booking.
Malapit ng mag-alas kwatro ngunit wala pa rin akong balita mula kay Karl. Sinubukan kong tawagan siyang muli ngunit out of coverage pa rin ang number niya. Sumuko na lang ako at pinilit ang sarili na huwag na masyadong isipin ang lalaki.
Paakyat na ako sa second floor nang may nag-doorbell. Bigla akong kinabahan kasi wala naman akong inaasahang bisita. Ganunpaman, dahan-dahan akong lumapit sa may pintuan at nakiramdam kung sino ang nasa labas.
Nang muling tumunog ang doorbell, minabuti ko ng buksan ang bintan upang silipin kung sino ang nasa labas at nanlaki ang aking mga mata nang makilala ko ang taong nasa labas.
Nagmadali akong buksan ang pintuan at tumakbo papuntang gate. “Hon, ano’ng nangyari?” Kaagad ko siyang tinanong nang makapasok siya.
“Magulo sa bahay ngayon, p’wede bang dito na muna ako matulog ngayon? Weekend naman, eh.”
“Sigurado ka ba na matutulog ka lang?” tinanong ko siya.