Chapter 05

1002 Words
DAHIL SA kalamigan na nababalot sa asawa ni Tanya ay siya na ang nagsikap na mag-adjust sa kanilang sitwasyon. Naisip niya na bagong salta lang siya sa buhay ni Karzon. Ano ba ang dapat niyang e-expect? Na maging feeling close agad sila sa isa’t isa? Nagkita nga lang silang dalawa ay sa mismong araw na ng kanilang kasal sa huwes. Hindi siya nito lubos na kilala, ganoon din siya rito. At para mas makilala si Karzon? Iginugol niya ang oras sa pakikipagkuwentuhan kay Nana Ester. Inamin din niya rito kung ano ba ang estado talaga nila ni Karzon sa isa’t isa. “Hindi po kami kasal in romantic way, Nana Ester,” ani Tanya sa matanda. “Kung hindi naman dahil sa pagpayag niya sa arrange marriage para lang tulungan ang kompanya ng pamilya namin, wala ako rito ngayon. Kaya kung makikita po ninyo na malamig pa sa yelo ang pakikitungo sa akin ni Karzon, ‘yon ay dahil hindi naman kami close sa isa’t isa. Pero dahil asawa ko na po siya, kahit sa papel lang, gusto ko pa rin siyang mas makilala dahil sa araw-araw ay dito naman sa poder niya ako nakatira. Kaya pasensiya po kung ang dami-dami ko pong tanong sa inyo ngayon, Nana Ester.” “Naiintindihan ko, hija. Si Karzon. Simula’t sapul naman ay hindi ‘yan nagpapakita ng malambot na emosyon. Lalo na nang mamatay parehas ang mga magulang nila sa isang plane crash. Batang bata pa si Karzon noon. Malambing kasi ang batang ‘yon sa mama’t papa niya. Lalo na sa kaniyang ina na palagi niyang nakakasama. Palibhasa, menopause baby na ‘yang si Karzon. Kaya kung makikita mo, ang laki ng agwat ng kaniyang edad sa nakatatanda niyang mga kapatid. Si Philip, sixty years old na. Si Aries, fifty-five naman. Bata pa lang din si Karzon, sinanay na ng kaniyang mga kapatid sa pamamalakad ng kompanya ng pamilya. Hindi lang kasi dito sa Pilipinas umiikot ang negosyo ng pamilya nila. Mayroon din sa ibang bansa. Mas onhand naman doon si Aries. Si Philip, nag-retire na dahil senior na raw siya. Kaya si Karzon na ang namamahala sa buong kompanya nila rito sa Pilipinas. Maraming pamilya ang umaasa kay Karzon. May napakalawak din silang farm sa Davao. Mga imported na baka ang inaalagaan at pinararami nila roon. At marami pang iba. Malulula ka na lang sa lawak ng family business ng pamilya nila. Kaya kung ganiyan man kasungit si Karzon, inuunawa na lang din namin dahil napaka-busy niyang tao.” At the age of twenty-nine, pasan na ni Karzon ang business ng pamilya nito sa bansa. Sa parteng iyon ay nauunawaan niya ang asawa. At katulad nina Nana Ester, inuunawa na lang din niya ang asawa. Totoong hindi madali ang mag-manage ng negosyo. Lalo na at hindi lang naman iisa ang mina-manage nito. “Once a month, nabiyahe siya papunta sa Davao at Cebu.” “Ano naman po ang mayroon sa Cebu?” “Luxury Hotels. Dito naman sa Luzon, mayroon din silang industrial park na pagmamay-ari at marami pang iba. Hindi ko na mabilang sa kamay kung ano-ano ‘yon, hija.” Maging si Tanya ay nalulula sa mga nalalaman. Kaya naman pala sisiw lang kay Karzon ang tulungan ang kaniyang ama. At dahil puro negosyo ang umiikot sa paligid ni Karzon, kaya pati siya ay nenegosyo na rin nito. “May nabalita po ba kayo na girlfriend niya?” hindi niya napigilan na itanong. “Wala po akong kaalam-alam sa background ni Karzon. Lalo na sa personal niyang buhay.” “Pasensiya na, Tanya, hija, pagdating sa pribadong buhay ni Karzon, wala akong alam. Hindi rin naman kasi siya nagdadala ng babae rito sa bahay. Kahit noong hindi pa siya lumilipat dito at sa Montejero’s Mansion pa siya nakatira, wala rin naman akong nakikita o nabalitaan na may dinala siyang babae roon. Baka sa sobrang busy niya sa trabaho, wala ng time sa babae.” Wala nga kayang time sa babae si Karzon? Paano kung bago siya dumating sa buhay nito ay may babae itong nakakasama? Iyon ang isang bagay na hindi agad nawala sa isipan ni Tanya. Kinatanghalian ay dumating si Karzon. Doon daw kasi ito kumakain kapag lunch dahil aakyat lang naman ito. Sa mismong building din kasi na iyon ang kompanya ng mga ito sa Pagbilao City. Nangangati ngang bumaba si Tanya para silipin ang opisina nito. Hindi naman siya siguro itataboy ni Karzon. “Okay lang ba kung mamasyal ako paminsan-minsan?” tanong pa niya kay Karzon habang magkasabay silang kumakain. “Do whatever you want,” ani Karzon na hindi nag-abala na sulyapan si Tanya. Napapangitan ba ito sa kaniya dahil kahit ang tingnan siya nang matagal ay hindi nito magawa? Sinisigurado naman niya na presentable siyang tingnan sa tuwina. “How about on weekend? Baka gusto mong lumabas tayo?” nakangiti pa niyang wika. Saka lang nag-angat ng tingin sa kaniya si Karzon. Hindi naman niya binura ang matamis na ngiti sa kaniyang labi kahit gusto na niyong tumabingi. “Nasa Davao ako sa weekend.” “Sa farm ninyo?” Kumunot ang noo nito. “How did you know?” “A-alam ko lang,” kunway sabi niya. Hindi na lang niya idinamay pa si Nana Ester na siyang nagsabi sa kaniya. Baka magalit na lang itong bigla. “Puwedeng sumama?” mas pinagbuti pa niya ang ngiti niya. “No,” ani Karzon na muling ibinalik sa pagkain ang atensiyon. Nabura tuloy ang ngiti sa labi ni Tanya. “Why? Hindi naman kita aabalahin doon.” “Kakain ba tayo o magkukuwentuhan?” anito nang malamig siyang tingnan. Napabuntong-hininga tuloy si Tanya. “Kakain,” sagot niya na nagbaba na rin ng tingin sa kaniyang pagkain. Paano ba niya mapi-please ang kaniyang asawa na kay lamig pa sa yelo? Palihim niyang sinulyapan si Karzon na nasa pagkain na ulit ang buong atensiyon. Para itong aparisyon sa sobrang kaguwapuhan. Tipong walang ka-effort-effort na maging guwapo sa paningin mo. Palibhasa, mukhang inborn na talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD