Chapter 02

1127 Words
HINDI agad magawang makapag-react ni Tanya sa sinabing iyon ng kaniyang ama isang hapon. “‘Yon na lang ang tanging paraan, anak. Kailangan kitang ipakasal para mas mabilis na makabawi ang kompanya natin.” Baka nakakalimutan mo, Natanya, ikaw na rin ang nagsabi sa daddy mo na gagawin mo ang lahat para makatulong sa paglutas ng problema na kinahaharap ng pamilya mo ngayon. Lalo na ng daddy mo. Magmamatigas ka ba sa desisyon na ‘yan ng daddy mo? Think ten million times before you say no! paalala sa kaniya ng kaniyang isipan. “At isang tao lang ang alam kong mas makatutulong sa problema ng ama mo,” wika naman ng kaibigan ng kaniyang ama na si Philip Montejero. “S-sino po?” “Ang kapatid ko.” Kapatid nito? Parang gusto niyang takasan ng kaluluwa. Eh, matanda na ang lalaking kasama nila sa study room ng daddy niya. What more ang kapatid nito? “Tingin niyo po ba ay papayag ang kapatid ninyo?” “May utang na loob ang kapatid ko sa ama mo. Tingin ko naman ay hindi niya pahihindian si kumpadre.” Napalunok siya. “Kung… kung may utang na loob po ang kapatid ninyo sa daddy ko, bakit hindi na lang niya pautangin ng malaking halaga si daddy? Makakabayad naman si daddy once back to normal na po ulit ang business namin.” Umiling ito. “Knowing my brother, tutulong siya, pero may kapalit.” Papayag naman kaya iyong makasal sa kaniya? Iyon ang tanong na dala-dala niya sa kaniyang isipan hanggang sa ibalita ng kaniyang ama sa kaniya na pumayag na raw si Karzon Montejero sa proposal ng ama niya. Kung ganoon, hindi man lang nag-isang milyong isip ang Karzon na iyon na makasal sa kaniya? Dahil ba batang-bata pa siya kumpara sa edad niyon? Siguradong malapit na ring mangulubot ang balat niyon. Puro puti na rin ang buhok. Baka nga kapag ngumiti ay may ginto na rin sa ngipin. Parang ang kaibigan ng kaniyang ama na si Philip Montejero. Tatlong ngipin ang gawa sa ginto. Nangilabot siya sa kaniyang isipan. “Dad, make sure na makakabangon muli ang kompanya natin once naikasal ako sa kapatid ng kumpadre mo. Dad, ayaw kong mauwi ito sa wala.” Niyakap siya nito nang mahigpit. “I’m sorry, anak. Kung pati ikaw ay kailangan kong gamitin para maiahong muli ang kompanya natin.” Ano pa ba ang magagawa niya? Gusto rin niyang magkaroon ng silbi sa pamilya nila. Ayaw niya na ang daddy lang niya ang sumasalo ng problema. Kung sa ganoong paraan ay makakatulong siya, kahit pikit mata ay gagawin niya. “Sigurado ako na makakaahon tayong muli. Malaking investment ang ipapasok ni Karzon sa kompanya natin once maikasal kayo.” Nang kumalas siya sa kaniyang ama ay mataman niya itong pinakatitigan. “Dad, bakit parang hindi po nagtatlong-isip man lang ang kapatid ng kumpadre ninyo na tulungan kayo?” “May tiwala siya sa kompanya na makakabawi tayo. May pagkatuso rin si Karzon dahil hindi niya tinanggihan ang arrange marriage na inalok ko sa kaniya. Akala ko ay tatanggihan niya, pero hindi.” Bumuntong-hininga ito. “Nakakasigurado naman ako na hindi ka mapapahamak sa poder niya. Malinis ang track record niya. Walang kaso o kinasangkutang anumalya. Siya rin ang tumatayong CEO sa Montejero’s Group.” “Nasaan ho siya ngayon?” “Out of the country pa, anak.” “Paano ninyo siya nakausap kung wala siya rito sa bansa?” “Via phone call,” tipid nitong sagot. “Uuwi rin siya sa lalong madaling panahon to settle everything…”     HUMINGA nang malalim si Tanya. Pakiramdam niya ay bibitayin siya ng mga sandaling iyon. Pero wala siyang karapatang umatras. Lord, kayo na po ang bahala sa akin at sa pamilya ko. Sana lang talaga, hindi sumira sa usapan ang Karzon Montejero na ‘yon… Simpleng bestidang puti lang ang suot niya. Stiletto shoes naman ang suot niya sa paa na kakulay din ng kaniyang puting bestida. Ang buhok niya ay nakapuyod paitaas na may kulay ivory na ribbon sa mismong pagkakapuyod. Pinagalitan pa nga siya kanina ng kaniyang ina dahil may suot pa siyang ribbon sa buhok niya. Mukha raw siyang kukumpilan. Pero siya pa rin ang nanalo dahil suot pa rin niya iyon hanggang sa pagpunta nila sa huwes. “Matagal pa ba, hon?” naulanigan ni Tanya na usisa ng kaniyang Mommy Gweneth sa kaniyang Daddy Concio. “On the way na raw sila.” Pinagsalikop ni Tanya ang kaniyang mga kamay. Pakiramdam niya ay pinagpapawisan ang mga palad niya kaya pinaghiwalay niya iyon. Anytime soon ay tuluyan ng magbabago ang buhay niya. For the sake of their family business. Kung iyon lang din ang tanging paraan para manatiling buo ang pamilya nila at hindi mangyari ang isa sa kinatatakutan ng kaniyang ama na iwan na lang ito isang araw ng kaniyang ina, be it. “Ate, baka gusto mong uminom muna,” ani Sofia nang lapitan siya at abutan ng bote ng mineral water. “Thank you,” aniya sa bunsong kapatid bago uminom roon. Pakiramdam nga niya ay natutuyuan siya ng lalamunan. “Sa wakas, narito na sila.” Tinakpan muna ni Tanya ang bote ng mineral water bago bumaling ng tingin sa kinaroroonan ng pinto. Natigilan siya at parang gustong maiyak nang makita ang pagpasok ng isang matanda ng lalaki na may malaking tiyan sa bumukas na pintuan. Iyon na ba ang lalaking nakatakda niyang pakasalan? Mahal ba talaga siya ng kaniyang ama para ipagkasundo sa matandang iyon? Parang gusto niya ngayong magsisi. Magbabawi sana siya ng tingin nang maagaw ng sumunod na lalaki ang kaniyang buong atensiyon. Muli ay ibinalik niya ang tingin sa may pintuan. Matangkad iyon. Mukha ngang pinakamatangkad sa lahat ng nasa silid na iyon. Well built ang pangangatawan. Itim na itim ang buhok, makalaglag panga ang kaguwapuhan. Medyo intimidating din ang datingan. Para bang bawal magsalita ng walang sense sa harapan nito dahil nasa hitsura nito ang pagiging matalino. Sino ito? Isa ba sa witness sa kasal niya? Sa isip ay mangiyak-ngiyak siya nang magbawi ng tingin. “Mr. Karzon Montejero, this is my daughter, Natanya,” pakilala pa ng kaniyang ama sa lalaking kasama nito sa paglapit sa kaniya. Wala sana siyang balak na mag-angat ng tingin kung hindi pa siya bubungguin ng kaniyang ama sa kaniyang siko. Saka lang siya napilitang magbaling ng tingin. And to her surprise, hindi ang butete ang tiyan ang nasa harapan niya ngayon kung hindi ang guwapong binata na huling pumasok kanina sa silid na iyon. Lalo pa niyang napigilan ang paghinga nang ipakilala ito ng kaniyang ama sa kaniya. Wait! Ganito kabata ang kapatid ni Philip Montejero? Buong akala niya ay kasing tanda rin ng kaniyang ama o ng kumpadre nito.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD