PARA BANG walang gustong tumapos sa halik na mainit at maalab nilang pinagsasaluhan ng mga sandaling iyon ni Karzon. He kissed her passionately, making her knees even weaker than usual. Animo nabigyan ng hustisya ang mga sandaling sa isip ni Tanya ay nililigalig siya ng alaala ng halik na pinagsaluhan nila noon ni Karzon. Ngayon, muli ay mainit at maalab nila iyong pinagsasaluhan. Walang gustong tumapos. Kahit si Karzon na para bang sobrang nag-e-enjoy sa halik na pinagsasaluhan nila. Ngunit ng sa tingin ni Tanya ay masyado na siyang lunod at baka hindi na makaahon pa ay siya na ang kusang pumutol na sa halik na iyon. Napalunok pa siya habang habol ang paghinga. “T-that’s it. Tapos… tapos nakatulog ka na,” aniya na bumitaw na rin sa pagkakayakap sa may batok ni Karzon. “Okay na siguro