KABANATA 5

2078 Words
MATAPOS kong maikuwento ang lahat kay mama, maski ito ay hindi rin makapaniwala. Parehas na parehas kami ng reaksyon. Nang malaman kong baog ako, parang bumagsak ang mundo ko. Gusto kong mamatay ng mga sandaling narinig iyon sa doktor na nag-check up sa akin. I'm barren at hindi ko mabibigyan ng anak ang mahal ko. Noon, ilang beses nang may nangyari sa amin. Akala ko mabubuntis na ako pero hindi. Ni isang sintomas nang pagbubuntis ay hindi ko naramdaman kaya nagpa-check up na ako at doon sinabi sa akin ng doctor na hindi ako makakabuo ng anak. Nasa akin ang problema at wala kay Ryan. Iyak lang ako nang iyak ng mga panahong nalaman ko iyon. I kept it as a secret. Natatakot akong sabihin ang katotohanan lalo na kay Ryan. Iniisip ko, kapag sinabi ko, baka hiwalayan niya ako. I won't let that happen. There are a lot of ways para magkaanak kaming dalawa. Puwede kaming mag-ampon o kaya surrogacy. Bahala na. Kailangan ko munang paghandaan ito dahil hindi biro ang sasabihin ko kay Ryan. Hindi ako mapapanatag hanggat hindi ko nasasabi ang katotohanan sa asawa ko. "Ano na ang plano mo, Emily? Sasabihin mo ba sa asawa mo? Ipapaalam mo ba sa kaniya na baog ka?" sunod-sunod na tanong ni mama sa akin. Marahas akong nagpakawala ng hangin sa bibig saka sumimsim sa hawak kong kape. "Pinaghahandaan ko na po iyan, mama. Pero natatakot ako kapag sinabi ko ang katotohanan... b-baka iwan niya ako. Ayaw ko pong umabot kami sa ganoong punto, mama. Mahal na mahal ko si Ryan." "Anak..." Tumayo si mama sa kinauupuan at nagtungo sa aking tabihan. Hinawakan nito ang isa kong kamay at masuyo iyong hinimas. "Posibleng mangyari iyan, Emily. Pero huwag kang mag-alala. Hayaan mong kausapin ko muna ang asa—" "Huwag po, mama. Huwag na huwag niyo pong kakausapin si Ryan kapag ito ang sasabihin niyo. Hayaan niyo po akong magsabi sa kaniya. Maghahanda lang po ako, mama. At may tamang panahon para riyan." Umalis si mama sa tabi ko at bumalik sa puwesto kanina— sa harap ko. "Kung iyan ang gusto mo, wala na akong magagawa. Basta't ang akin lang, hanggat maaga pa, sabihin mo na agad kay Ryan." Hindi na ako nakaimik pa. Nanahimik na lang ako habang abala sa pag-inom ng kapeng tinimpla ni mama sa akin. Mayamaya pa ay naiangat ko ang tingin kay mama nang magsalita ito. "Nga pala, iyong boutique mo, kumusta? Maayos na ba?" Napakunot-noo ako. "Kanino niyo po nalaman ang tungkol diyan?" Ngumisi ito. "Kanino pa ba? E 'di kay Amy. Tinawagan ako noon kahapon, no. May nagwala raw sa boutique mo." "Si Amy talaga," naiiling kong saad. "Actually, hindi ko pa po alam kung maayos na. Pero for sure, maayos na iyon. Nga pala, akyat na po ako sa taas at mag-aayos lang po ako." "Sige. Ako naman, aalis na ako. Okay lang ba sa iyo na mag-isa ka rito? Bukas ang bahay natin, kung gusto mo roon, welcome na welcome ka, anak." "I am fine, mama." "Ganoon? Sige, mag-ingat ka, ha?" Nilapitan ako ni mama at mahigpit akong niyakap. Niyakap ko rin ito pabalik. Makalipas ang ilang sandali ag humiwalay na ako rito. "Kayo rin po, mag-ingat." Sa ikalawang pagkakataon, muli akong niyakap ni mama at lumisan na kapagkuwan. Bumuntong-hininga ako at inayos ang lamesa. Lahat ng nasa lababo, hinugasan ko muna. Malapit lang naman ang bahay nina mama. Siguro wala pang kalahating oras ang byahe, nandoon ka na. Pero mas gugustuhin kong mag-isa. Hindi ko alam, pero lumaki akong masayang nag-iisa. Hindi naman magtatagal ito, alam kong babalik din si Ryan anytime. Matapos maghugas, nagpatiuna na ako sa kuwarto naming dalawa. Pumasok ako sa banyo at hinubad ang lahat ng aking suot. Kapagkuwa'y pumailalim ako sa shower na naglalabas ng maligamgam na tubig. I took the soap and rub it on my body. Ngunit bigla na lang akong napapitlag nang may yumakap sa aking malalaking braso. Nabitiwan ko ang sabon at dali-daling hinarap kong sino iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ryan. "What are you doing here, Ryan?" I asked after I closed the shower. "Tingnan mo, basang-basa ka na. Ano bang nangyayari sa iyo, Ryan?" may galit kong tanong dito. Kita kong nangungusap ang mga mata nito. "I'm so sorry, honey. Hindi ko sinasadyang mag-isip ng ganoong bagay. I know you loved me and I know you can't cheat on me. Forgive me, Emily. Pinagsisisihan ko kung ano man ang nagawa at nasabi ko kahapon..." At dahil malapit lang ang mukha niya sa mukha ko, I couldn't help, but smell his breath. Amoy chico ang hininga ng asawa ko. At ngayon ko lang din napansin ang ilang pasa sa mukha nito. Diyos ko, ano ba ang pinaggagagawa ni Ryan? "Pinapatawad na kita, Ryan. Pero saan galing iyang mga pasa mukha mo? Nakipag-away ka ba, ha?" Simula nang maging kami, ngayon ko lang nakita si Ryan na may pasa sa mukha. "Ganoon na nga, honey. But don't worry, ayos na ak—" "No, you're not!" halos pasigaw kong putol dito. "Hayaan mong gamutin kita." Umalis ako sa harap nito at kumuha ng dalawang towel. Ginamit ko ang isa bilang pantaklob sa aking kahubaran bago bumalik kay Ryan at ibinigay ang isa rito. "Why did you do that, honey? I'm enjoying the view, you know? Mas bagay sa iyo kung nakahuba—" Mahina kong hinampas ang dibdib nito. "Dry yourself," utos ko saka lumabas ng banyo. Narinig ko ang pag-angal ni Ryan. Natawa na lang ako at tinuyo ang katawan bago nagbihis ng pambahay. Nang matapos ay kinuha ko ang medicine kit sa drawer. Lumapit ako sa kama at saktong pag-upo ko ay bumukas ang banyo, iniluwa si Ryan. Halos lumawa ang mga mata ko nang makitang ni isang suot ay wala ito. Kita ko ang maskuladong katawan nito. Nangingibabaw naman ang mga pandesal nito sa tiyan. Ngunit sa isang parte ng katawan nito ako napalunok. Kitang-kita ng mga hubad kong mata ang ari nitong tayong-tayo. I don't know what to do right know. Animo'y nawala ako sa sarili habang pinagmamasdan itong lumapit sa akin. Oh God! It shouldn't be happened. Alam ko na agad ang mangyayari ngayon. Oh Lord, please, help me! "Tulala ka, honey? Nagulat ka ba? Is there something wrong with my body?" sunod-sunod nitong tanong habang may ngisi sa mga labi. I gulped. "B-B-Bak-kit k-ka h-hu-hubad?" nauutal kong tanong dito. "May masama ba, honey? We're already married, right? It's normal, honey." Humiga ito sa kama, inunan ang mga palad, at bumukaka pa. Hindi ko alam ang gagawin ng mga oras na iyon basta't namataan ko na lang ang aking sarili na bahagyang lumayo kay Ryan. "What is this, Ryan? I-I don't understand you. Gagamutin kita, h-hindi iyang gusto mo ang mangyayar—" "Wait, what?" Mahinang tumawa ito— tila ba'y may katawa-tawa sa sinabi ko. "Ikaw lang ang nag-iisip niyan, honey. Go, gamutin mo na ako." "Na ganiyan ang ayos mo? Hubad at nakabukaka?" "Why not?" pamimilosopo nito. I rolled my eyes in annyonance. Imbes na tumalikod at iwanan ito, nilapitan ko ito at umupo pa sa tabi nito. Walang imik kong nilinisan ang mga pasa ni Ryan sa mukha. Samantalang ito ay nakatingin sa akin habang may ngisi sa mga labi. Paano kaya kapag pinatakan ko ng alcohol ang mga mata nito? I shouldn't do that. He's still my husband no matter what happens. Iyong ngisi nito, parang may laman... I mean, it's different. Kilala ko na si Ryan at kapag nakangisi ito, may balak ito. Ngunit iyon ay isa lamang pa lang kathang-isip. Walang nangyari sa aming dalawa ng asawa ko. Sa totoo nga niya ay nakatulog pa ito. I can't help, but smile while looking at his body. I can't believe God gave me a man like Ryan. I'm so thankful I met him even though were first encounter was not good. Mukhang pagod na pagod yata ito. He's sleeping while snoring. It's imposible na galing ito sa trabaho dahil naikuwento kanina ni Ryan sa akin kung ano ang pinaggagawa nito kahapon. Anito magdamag lang siyang nasa bar ng kaibigan nito. But it's fine. Hindi ko na maaalis ang pagiging alcoholic ni Ryan. Ryan owned a vehicle company. At oo, mayaman siya. Pero hindi ako nakikisawsaw sa mga perang nakukuha niya dahil maski ako'y kumikita na rin. Iyon nga lang, hindi kalakihan sa akin. Bumaligtad man ang mundo, hinding-hindi ako mapapantayan ng asawa ko. Marahas akong nagpakawala ng hangin sa bibig saka ibinalik ang medicine kit sa kinalalagyan nito. Kapagkuwa'y lumapit ako sa closet ni Ryan at kinuha ito ng maisusuot. Isang brief, short, at t-shirt. Mayamaya pa ay bumalik ako kay Ryan at marahang isinuot dito ang brief. At first it's difficult. Pero nang tumagal, kinaya ko na. Nang maisuot dito ang brief, sinunod ko naman ang short nito. I move slowly. Ayaw kong magising siya dahil baka magalit ito sa akin. After wearing him his short, I followed it with his t-shirt. Ngunit napapitlag na lang ako nang umangat ang kanan nitong braso, ipinulupot sa aking baywang, at walang ano-ano'y hinapit ako. "Just stay here, honey," he whispered without even opening his eyes. I took a deep sigh. I know he's still sleeping that's why I removed his arms on my waist. Afterwards, I slowly dropped his arms. Nang maayos na, ipinagpatuloy ko ang pagsuot dito ng damit at nang matapos, lumabas ako ng kuwarto dala ang aking cellphone. Bumaba ako sa living room. I sat down and called Amy's number. After a few seconds, she immediately answer. "Magandang umaga po, Ma'am Emily. Napatawag po kayo?" "Okay na ba iyong boutique?" "Opo, okay na okay na po." "Mabuti naman. Hindi yata ako makakapasok, Amy. M-My husband's here, I think he needs me," I said although I'm not sure if Ryan really needs me. Maybe I'm just assuming. "Naku, okay lang po. Kami na po muna ang mamamahala ng boutique. Enjoy ka lang diyan, Ma'am Emily. Naku, ha, baka mamaya, sabihin mo sa amin na matagal kang mawawala," natatawang saad ni Amy sa kabilang linya. Napakunot-noo ako. "What do you mean?" "Hala, si Ma'am Emily, o! Ang ibig ko pong sabihin, baka mamaya, buntis ka na po." Natigilan ako. Nawalan ako ng gana lalo pa't naalala ko na hindi na ako mabubuntis. Gosh, bakit kailangan ipaalala ni Amy iyon sa akin? Sa tuwing maaalala ko iyon, parang mas gusto ko na lang maglaho sa mundong ito. "Sige na, gising na si Ryan at tinatawagan na niya ako. I'll call you later." "Ingat, Ma'am Em—" I ended the line. I lied. Hindi pa gising si Ryan. I ended our conversation dahil baka kung saan pa iyon mapunta. Wala akong ideya kung ano ang gagawin ko. I already cleaned the house. Ano pa ang kailangan kong gawin matanggal lang ang pagkaburyo ko? Akmang babalik na ako sa ikalawang palapag nang bigla kong maalala si Erich. Ano na kaya ang nangyayari sa babaeng iyon? Because of the confusion, I called her. Halos isang minuto ang lumipas bago nito sagutin ang tawag ko. Ang weird. "Erich, can we talk? Ano bang nangyari sa iyo kahap—" "Nothing, bes. Huwag mong pansinin iyon. I am okay. You don't need to worry about me. Where are you now?" "N-Nasa bahay..." "Good. Hintayin mo ako, I have pasalubong for you." "Okay. Ingat." Pinatay na ni Erich ang tawag. Ang weird. Kahapon, parang hindi ito okay tapos ngayon, okay na? Mas mabuting pumunta ito rito sa bahay para malaman ko kung ano ba talaga ang nangyayari rito. After almost 30 minutes, may nag-doorbell sa labas. Ngumiti ako at nilapitan ang pinto. From outside, I saw Erich. I frowned. She has new hair style. Noong nakaraang linggo, mahaba ang buhok nito. Ngayon, maikli ito— halos hanggang tainga na lang at may kulay na ito. She has blonde short hair. "Mukhang nakakita ka ng multo, Emily." Hindi ko na namalayan na nasa harap ko na ito. "N-Nandiyan ka na pala, Erich. Ahm, come inside." "Thanks, bes. Here, your pasalubong." Inangat nito ang kamay at nakita kong may hawak itong paper bag. I smiled at her at kinuha ang paper bag na ibinibigay nito. Kapagkuwa'y inaya ko na ito papasok sa loob. Bakit parang nag-iba si Erich ngayon? Hindi ganito si Erich— hindi ganito ang kaibigan ko. Kung noon ay mahinhin na halos wala kaming pinagkaiba, ngayon ay parang hyper naman. Parang taong nakalabas ng kulungan na hindi ko mawari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD