"ARE you okay, Erich?" tanong ko kay Erich nang mapansin kong palinga-linga ito na para bang may hinahanap.
Humarap ito sa akin na may ngiti sa mga labi. "Ayos naman ako, bes. What did you ask?" Nangunot ang noo nito at pabagsak na umupo sa may sofa.
Napakibit-balikat ako at nilapitan ito saka umupo sa harap nito. Dumikuwatro naman si Erich at parang naghihintay akong magsalita. I simply took a deep sigh and opened my mouth.
"Wala naman. I'm just wondering on you. Oh, nga pala, ano bang bang nangyari sa iyo? Tinawagan mo ako kahapon tapos pinatayan mo naman ako ng tawag."
"Emily, don't mind it, as what I said, it's just nothing. And I'm fine, look at me." Tumayo ito at iminuwestra ang katawan sa akin. "Buong-buo pa ako, oh. I went to Baguio because I want to unwind. Ayan nga, oh, nabilhan pa kita ng pasalubong. Huwag mo nang isipin iyon, Emily, okay?"
"Okay. As your friend, nag-aalala lang ako sa iyo, no. Ano bang gusto mo? Gusto mo ng makakain?"
"Actually, yes, I want cake," nangingiti nitong sagot sa akin.
"Okay, I'll get you cake. Hintayin mo lang ako rito."
Erich just nodded that's why I immediately went to the kitchen. May cake pa sa ref na binili ko pa noong isang araw. Wala pa iyong bawas kaya ayon na lang ang ibibigay ko kay Erich. Kumuha ako ng lagayan at naglagay roon ng isang slice kapagkuwan ay lumabas na ng kusinang dala ang cake na may kasamang orange juice.
Ngunit ganoon na lang ang pagtataka ko nang biglang nawala si Erich. Wala ito sa puwesto niya kanina. Sunod-sunod akong napailing at marahang ipinatong ang mga hawak sa center table saka tinakbo ang direksyon ng pinto. But when I opened it, I saw her car outside. It means, she's still here.
Sa pool area naman ako pumunta at hindi ko rin iyon nakita roon kaya naman nagpatiuna ako sa ikalawang palapag. Pagka-apak na pagka-apak ko pa lang sa second floor ay nakita ko agad si Erich. Nakatayo ito sa pinto ng kuwarto naming mag-asawa. Nakatalikod ito na animo'y may tinitingnan sa loob.
Agad akong nabahala at mabilis siyang nilapitan. "Erich, what are you doing here?"
Halos mapatalon ito dahil sa gulat. Napansin kong may itinago ito sa likuran nang harapin ako. "W-Wala, Emily. Nag-iikot lang ako sa bahay niyo. May boyfriend ka pala?"
Napakunot-noo na naman ako. What did she say? Did she ask me if I have a boyfriend?
"Boyfriend? Anong sinasabi mo, Erich? He's not my boyfriend, he's Ryan, my husband. Hindi mo ba siya kilala?" gulong-gulo kong saad.
"Gosh, I'm so sorry, Emily. Oo nga pala, asawa mo nga pala si Ryan."
But why it seems like she didn't know about this? Abay pa nga siya sa kasal naming dalawa ni Ryan, e. It's weird. Pumunta lang ito ng Baguio, nagbago na kaagad ito.
"Nga pala, iyong cake, nasa baba na."
"Really? Sige, bababa na ako," nakangiti nitong sabi.
Pabalik ko itong nginitian. Hindi ako nagsalita o ano. Nang lumagpas ito sa akin, hinarap ko ito. Nakita kong mula sa likuran nito, may inilabas ito roong cellphone. Marahil ay ito iyong itinago nito kanina.
Napakibit-balikat na naman ako. Nang mawala sa paningin ko si Erich, tinungo ko ang kuwarto namin ni Ryan. I saw him, still sleeping. I wonder what's happening on Erich. This was the first time she acted that way.
Sinarado ko ang pinto at bumalik sa unang palapag ng bahay. Namataan kong kinakain na ni Erich ang cake na inihanda ko.
"You know, you're so lucky to have Ryan."
I sat down in front of her and looked at her. "Of course, I'm so lucky to have him. Kung wala si Ryan, baka hindi ako ganito ngayon. He changed me a lot—he changed my whole human being.*
"Sana makahanap din ako ng lalaking katulad ni Ryan," Erich said while smiling.
It's really weird. Never nagsasabi ng ganitong bagay si Erich sa akin dati. Sabi nga nito, magmahal na siya ng iba huwag lang ang katulad ni Ryan dahil noong una pa lang, ayaw na nito ng ugali ni Ryan lalo pa't naikuwento ko ang unang beses na nagkita kaming dalawa. But still, sinoportahan din niya ako. Pero ngayon, ibang-iba talaga ito.
"Sana nga. Ipagdadasal ko iyan, Erich. Don't worry, mangyayari rin iyan."
"Sana nga, bes."
Hindi ko na nagawang umimik pa. Mayamaya pa ay nakita ko na lang si Ryan na patungo sa aming kinaroroonan. Nang makarating, pumuwesto ito sa likod ko at hinalikan ako sa leeg at pisngi.
"Hi, honey," anito sa akin na may inaantok na tono.
"What are you doing here, Ryan? Hindi ba't natutulog ka?" tanong ko rito sabay baling dito.
"Bigla na lang akong nagising. I tried to sleep again, but I can't."
"Ganoon b—"
"Hi, Ryan. It's nice to see you again."
Napatingin ako kay Erich. Tumayo ito sa kinauupuan at lumapit sa asawa ko at walang pagdadalawang isip na niyakap ito. Bakas ang gulat sa mukha ni Ryan ng mga sandaling iyon samantalang ako naman ay biglang nanggigil. Erich hugged my husband. Hindi ko naman ipinagdadamot si Ryan, pero kasi... I don't know, but this was the first time that Erich hugged my husband. At isa pa, the way she looked at him, parang may laman iyon.
"Oh, hello, Erich. It's nice to see you too..." Ryan responded.
Tumayo ako at pumagitna sa kanilang dalawa. "Ryan, your mother called me earlier. Gusto ka niyang makausap pero ayaw mo raw sagutin ang cellphone mo. I think mas maiging tawagan mo na siya ngayon na," pagsisinungaling ko.
I made that para bumalik ito sa itaas dahil iyong totoo, naaasiwa ako.
"Ganoon ba? Sige, akyat muna ako. I love you." Hinalikan ako nito sa mga labi bago umalis at bumalik sa aming kuwarto.
I smirked secretly. Pero inalis ko iyon nang bumaling ako kay Erich. "May gagawin ka ba, Erich? Ako kasi, magtatrabaho na ako," nakangiti kong tanong pero sa loob-loob ko ay naiinis ako.
"Actually, yes. Sige na, mauna na ako, ha?"
She embraced me. And after that, umalis na ito. Sinigurado kong nakaalis na ito bago ako umakyat sa kuwarto namin ni Ryan.
Dapat ba akong maghinala kay Erich? Ang weird niya kasi. Ngayon lang ito umakto ng ganoon. Seryosong tao si Erich, hindi ganoong Erich ang nakilala ko. Pero marahil ay nag-o-overthink lang ako. Never sisirain nito ang pagkakaibigan namin at sigurado akong hindi nito aahasin ang asawa ko. Naninibago lang yata ako sa ikinikilos nitong kakaiba. Baka nga, baka nag-iba na talaga ito.
"Honey, I called my mom, but she said she didn't call me."
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay boses kaagad ni Ryan ang bumungad sa akin. I smiled at him and approached him.
"Gawa-gawa ko lang iyon, Ryan. May kakaiba kasi kay Erich. Naiisip mo ba na any time, puwede ka niyang ahasin sa akin?" tanong ko na walang pag-aalinlangan.
I know it's not right to ask him such question. But I want to hear his opinion. Wala naman sigurong masama sa tinanong ko.
Kumunot kaagad ang noo nito kapagkuwan ay huminga ito nang malalim at nilapitan ako. He looked at my eyes. Parang sinasabi ng mga mata niya na hinding-hindi iyon mangyayari. Kung mangyari man, hindi ko na alam ang gagawin ko. I love Ryan, I love him so much kaya baka ikamatay ko pa kapag nalaman kong niloko niya ako.
"Honey, why did you ask? Kung aahasin man ako ng kaibigan mo, then hindi ako papayag," he said with a smile on his face.
Thank God! Kahit hindi kami naging maayos kahapon, maayos pa rin ang pag-iisip ni Ryan.
"W-Wala lang. She looks weird kasi. Promise me, don't cheat on me, okay? Ahm, hindi ko alam ang gagawin ko kapag niloko mo ak—"
Pinutol ako nito sa pamamagitan ng pagtawa nang mahina. "Why would I cheat on you? I married you because I love you, okay? I would not marry you if I don't love you. But if you want me to promise, fine." He raised his right arm. "I promise my wife that I won't cheat on her because I love her so much," pangako nito.
"Thank you, Ryan."
Niyakap ko siya nang mahigpit. Niyakap din naman ako nito pabalik. Sana hindi makalimutan ni Ryan ang pangako niya. Pinakasalan ko rin ito dahil mahal ko. Kung hindi ko mahal si Ryan, malamang hindi ko siya papakasalan. Panghahawakan ko ang sinabi niya sa akin. I trusted him so much and if he breaks his promises, baka kung ano ang magawa ko.
NANG dumating ang tanghalian, nagluto na kami ni Ryan at sabay pa kaming kumain. Iba ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon dahil kahit papaano ay maayos na kaming dalawa. Wala na itong galit sa akin. At isa pa, naiintindihan daw ako nito kung hindi pa talaga ako handang magka-anak.
I wanna tell him the truth, but I'm scared. Should I need to tell him na baog ako? Una pa lang, alam ko na ang mangyayari. Hindi malabong iwanan—hiwalayan ako nito kapag sinabi ko ang katotohanan na hindi ko hahayaang mangyari. Ang hirap ng sitwasyon ko ngayon. Tanging si mama lang ang nakakaalam na baog ako. Hindi ko ito ginusto. Gusto kong bigyan ng anak ang mahal ko pero paano... paano ko siya mabibigyan ng anak kung sarili kong katauhan ay hindi kayang makabuo? Ayaw kong paasahin si Ryan. But now, I need to keep this secret. Wala pa akong lakas ng loob na ibulgar dito ang katotohanan. I'm really scared.
"What are you thinking, honey?"
Natigilan na lang ako sa malalim na pag-iisip nang marinig ang boses ni Ryan. Nang iangat ko ang mukha ko rito, nakita kong nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa akin.
I cleared my throat. "W-Wala, Ryan."
"Are you sure? May sakit ka ba? Tell me, dadalhin kita agad sa ospi—"
I stopped him. "Wala. Ayos lang ako, Ryan. Wala akong sakit o ano. I'm really fine."
"Fine! If you're not feeling well, just tell me, okay?"
I just nodded. Nagpatuloy na kami sa pagkain at nang matapos, si Ryan na ang nagpresintang maghuhugas ng mga pinagkainan namin. Wala naman akong nagawa kundi hayaan ito. Nagtungo na lang ako sa balkonahe ng kuwarto namin at tinanaw ang kapaligiran.
Maaliwalas ang panahon ngayon at sinabayan pa nang malakas na hangin. Umupo ako sa upuan at inangat ang mukha sa kalangitan. Ang hirap isipin ngunit parang lumalabas na pinapaasa ko lang si Ryan. Alam ko na gustong-gusto na niyang magka-anak. Dati pa lang, alam ko na iyon. Nakuha ako ni Ryan na birhen at hinayaan ko na siyang unang lalaking makakuha ng pagkabirhen ko. I thought that time, may mabubuo na pero wala pa. We tried for countless times, pero wala talagang nangyari. Hanggang ayon nga, nalaman ko sa doctor ko na baog ako.
I'm so hopeless. I tried to accept my fate, but I couldn't. Siguro ito na talaga ang kapalaran ko, ang tumandang walang anak.
"Honey, why are you alone there?"
It's Ryan.
Lumunok ako. "Gusto ko lang magpahangin," I replied.
"I'm sure may nararamdaman ka talaga pero hindi mo lang sinasabi sa akin."
Nilingon ko si Ryan na nakatayo na sa tabi ko. I took a deep sigh and opened my mouth.
"Wala akong nararamdaman. Wala naman sigurong masama kung magpahangin ako, 'di ba?"
He shook his head kapagkuwan ay lumuhod ito. Kinuha nito ang mga palad ko at marahang pinisil. "Nag-aalala lang ako sa iyo, honey. Gusto kong okay ka palagi. You're in my arms and I promised your family na aalagaan kita, 'di ba? Ayaw kong magkasakit ka kasi para sa akin, malaking kasalanan ko iyon dahil hindi kita naalaga—"
"Ryan, normal lang na magkasakit ang tao, 'di ba? I'm okay, I'm really okay. Wala akong nararamdaman ngayon. Stress lang ako pero normal lang ito. Please, listen to me. Maayos lang ako at hindi mo kailangang mag-alala sa akin, okay?"
Sandali ako nitong tiningnan sa mga mata bago ako hinalikan sa noo. Masuyong halik lang iyon na ikinagaan ng puso ko.
"Mahal kita, Emily."
"Mahal din kita, Ryan."
He smiled and hugged me. Wala akong nagawa kundi yakapin din siya. Kaya mahal ko si Ryan kasi hindi nawawala ang pagka-sweet nito. Pero minsan, nagbabago rin ang ugali nito. But it's fine. Hindi ako susukong mahalin ang lalaking mahal ko.