ISANG taon ang nakalipas...
"Ano ba, Ryan? Nakikiliti ako sabi, e. Isa..."
Tumigil si Ryan sa paghalik ng aking leeg at nakanguso akong tiningnan. "Ngayon lang naman ulit ito kaya pagbigyan mo na ako, honey. Please?"
Nangusap ang mga mata nito. Sunod-sunod akong lumunok sabay sapo ng kaliwa nitong pisngi. "We already talked about this, 'di ba? Gusto ko rin namang magkaanak tayo, but I think this is not the right time," saad ko sa mahinahong boses.
Malalim na nagpakawala ng hangin sa bibig si Ryan, umalis sa ibabaw ko, at pumuwesto sa tabi ko. Sa ikalawang pagkakataon, narinig ko muli ang malalim niyang paghinga na animo'y may pasan siyang napakalaking problema. Binasa ko ang aking tuyong mga labi saka binalingan ang asawa ko. Nakatingin siya sa kisame, tulala, at mukhang malalim ang iniisip.
"Sometimes, I asked myself," halos pabulong na wika ni Ryan. "Mahal ba ako ng asawa ko?" dugtong nito sabay baling sa akin. "Mag-asawa na tayo, Emily. You promised me that you'll give everything. Pero ni minsan hindi mo ako pinagbigyan sa isang bagay na dapat ginagawa ng mag-asawa."
From his face, I could see the frustration there. It seems like he's regretting it all. Na mas maiging hindi na lang kami. I shouldn't think that. Mahal ko si Ryan at alam kong mahal niya rin ako. May mga bagay lang talaga na kailangan pigilan.
"Mahal kita, Ryan," I started. "Tama ka, nangako ako, pero minsan, iyong bagay na gusto nating mangyari, hindi puwedeng mang—"
"Hindi puwedeng mangyari? Mag-asawa na tayo, Emily. Dapat nga may anak na tayo ngayon, e. I just want to have s*x with you. I have needs too, Emily. Sana naintindihan mo ako ngayon dahil lalaki ako. Baka kaya ayaw mong galawin kita kasi may iba ng lalaking gumagalaw sa iyo!"
My eyes widened. Hindi ko namalayan na naiangat ko ang aking kamay at walang ano-ano'y sinampal si Ryan. Nanlaki rin ang mga mata nito dahil sa aking ginagawa. Hindi ko sinasadya na masampal siya. Nabigla lang ako.
"Sorry, Ry—"
"Sorry?" Bumaba ito ng kama at hinarap ako na may galit sa mukha. "Did you slap me, Emily?" gulat na tanong nito.
"I'm so sorry, Ryan. I-I didn't mean to hurt you. Nabigla lang talaga ako." Bumaba ako ng kama at nilapitan siya. I held his hand and look at his eyes. "A-Ano ba naman kasing mindset iyan, Ryan? Mahal kita at hindi ko magagawang manlo—"
"Liar!" singhal nito sabay bawi ng mga kamay. "Sinungaling ka, Emily! Huwag mo nang ipagkaila. May lalaki ka! Magkaniya-kaniya na muna tayong dalawa. I hate this life, Emily. Iyong gusto ko, hindi mo maibigay. Sige, magpaanak ka sa iba!" galit na galit nitong saad saka pagalit akong tinalikuran.
Sinubukan ko pang habulin si Ryan pero huminto na rin ako dahil pakiramdam ko'y kahit anong habol at pagmamakaawa ko, hindi ako papansinin nito. Lumuluha akong umupo sa kama at pinakatitigan ang aming wedding picture na nakasabit sa may pader.
I love Ryan, I love my husband. Hinding-hindi ako manloloko dahil nangako kami sa isa't-isa na hanggang kami pa rin sa dulo. Gustuhin ko mang hayaan siya ngunit wala na namang mangyayari. Papaasahin ko lang siya sa wala.
Habang naiyak, biglang tumunog ang cellphone ko. Dali-dali ko iyong kinuha at tiningnan ang tumatawag. Si Erich. Bago sagutin, tumigil muna ako sa pag-iyak at inayos ang sarili para hindi nito mahalata na umiyak ako dahil alam kong mag-aalala na naman ito sa akin.
"Hello, Erich."
"Busy ka ba, Emily?" tanong nito.
"Hindi naman. N-Nasa bahay ako."
"Puwede mo ba akong samahan sa Baguio?"
"H-Ha? I mean, why?"
"M-May misunderstanding lang kami ni Eri— oh, nevermind. Sige na, ako na lang ang pupunta. Salamat sa time. I love you!"
Matapos sabihin ang mga katagang iyon, bigla nitong pinatay ang tawag. Napakunot-noo ako dahil sa inakto ni Erich. Ano bang nangyayari sa babaeng iyon? Parang may problema ito na hindi ko mawari.
I tried to contact her again, but she's already unreachable. I shrugged. I wanna help my friend, but I couldn't do that for some reason. Marahil ay gawa ng problema naming dalawa ni Ryan.
At dahil hawak ko na rin ang cellphone ko, tinawagan ko ang asawa ko. He didn't answer. Marahas akong nagpakawala ng hangin sa bibig at nang akmang ibaba na ang cellphone, biglang may nag-text. I look at it and read the message.
From: Hubby
Don't call me. As what I said, magkaniya-kaniya muna tayong dalawa. Don't worry, babalik din ako. Just enjoy your life with your new man.
I wanted to reply him pero may nag-uudyok sa aking huwag na. Kung ang pananahimik ko ang ikakabuti ng kalooban ni Ryan, sige, gagawin ko.
Wala akong lalaki. Si Ryan lang ang tangi kong mahal at wala nang iba. Malaki ang ipinagbago ko dahil sa kaniya kaya parang utang na loob ko na rito kung sino at nasaan na ako ngayon.
Simula nang maging kaming dalawa, nawala na iyong pagiging introvert ko. He taught me that being an introvert could be bad for me, so he taught me to socialize with people. Nagkaroon na ako ng confidence sa aking sarili na noo'y wala.
I'm so thankful that I met Ryan. Without him, baka walang nagbago sa buhay ko. Ilang buwan nga lang matapos mag-propose ito sa akin, nagpakasal agad kami. Tanggap naman ako ng pamilya ni Ryan at tanggap din ng pamilya ko ito.
I wouldn't ask for more. Ang tanging hiling ko lang ay sana'y maintindihan ako ng aking asawa.
Nang dahil din kay Ryan, lumago ang aking negosyo. Iyong pangarap ko noon na magkaroon pa ng isang boutique rito sa Maynila, nangyari na. Sa totoo nga niyan ay dalawa na ang aking boutique. Napakasaya ko dahil hindi man ako nakatapos nang pag-aaral, at least may naipatayo akong negosyo na siyang malago na ngayon. Lahat ng pangangailangan ko at ng aking pamilya, nasusuportahan ko na. Sa tulong ko, natapos na ang pinapagawang bahay ni Ate Eloisa sa America. May asawa itong Filipino. Mas minabuti ng mga ito na manirahan sa abroad kaysa rito sa bansa.
Hindi naman kami mayaman. Tama lang. At kahit magbago man ang estado ng aking pamumuhay, hindi ko pa rin makakalimutan kung saan ako nanggaling. Tiyaga at tiwala lang ang aking naging puhunan kaya lumaki pa ang aking negosyo. At hinding-hindi ko makakalimutan na kasama si Ryan sa nagpalago nito.
Sunod-sunod akong napailing at umalis ng kama saka nagtungo sa banyo na nasa loob din ng kuwarto namin ni Ryan. Pinakatitigan ko ang aking sarili sa salamin. Tears welled up in my eyes for the second time. I can't believe Ryan would do something like that. We aren't completely abandoning each other. As what he said, magkaniya-kaniya muna kami at babalik din ito. Marahil ay papahupain muna nito ang isip. Mahal na mahal ko si Ryan at hindi ko hahayaan na magkahiwalay kaming dalawa.
I stopped crying and I washed my face. Nang mapatuyo, lumabas na ako ng banyo at bahagyang inayos ang sarili dahil naalala ko na may trabaho nga pala ako ngayon. No matter what happens, ako pa rin ang mamamahala ng Ever After Boutique.
Nang makalabas ng bahay, kaagad akong sumakay ng kotse at pinaandar iyon patungo sa aking boutique. Nga pala, may sarili na kaming bahay ni Ryan dahil kasal na kaming dalawa. Ang totoo nga niya ay ayaw pa nina mama at papa na humiwalay ako sa kanila pero kailangan, e. Bilang mag-asawa, kailangan naming magsama sa iisang bubong.
At tungkol sa nangyari sa amin ni Ryan, hinding-hindi ko na ipapaalam iyon sa pamilya ko lalo na kay papa dahil alam kong magagalit lang ito. Magiging tahimik ako hanggat kaya ko.
After almost 20 minutes, nakarating na rin ako sa Ever After Boutiqe. Sumalubong sa akin si Kuya Nestor, ang guwardiya rito sa boutique. Napakunot-noo ako nang makitang may bangas ang mukha nito. Nagtataka man ay hindi ko na nagawa pang alamin iyon. Nginitian ko lang ito bago nagpatiuna sa loob.
"Ma'am Emily, mabuti po at nandito na kayo!"
Pagkapasok na pagkapasok ko ay si Amy agad ang bumungad sa akin. Lalo pa akong napakunot-noo nang makitang magulo ang kapaligiran. May mga nagkalat na damit at nakatumbang mga rack.
"What is happening here, Amy?" nagtataka at naguguluhang tanong ko rito.
"Ma'am Emily, may lalaki po kasing nagwala rito kanina. Tinatawagan ko po kayo pero hindi naman po kayo sumasagot. Mabuti nga po't naawat ni Kuya Nestor ang lalaki."
Bumaling ako kay Kuya Nestor, nakatayo lang ito na animo'y walang natamong sugat. Kaya pala may bangas ito nang makita ko.
"Nasaan ang lalaki? Bakit siya nagwala rito?"
"Umalis na po, e, Ma'am Emily."
"Ganoon ba? How about Kuya Nestor, i-is he okay?"
"Okay naman daw po siya. Ayaw niya pong magpadala sa ospital, e."
"Maayos lang ba kayong lahat dito? Nasaktan ba kayo?" nag-aalala kong tanong kay Amy.
"Huwag niyo po kaming alalahanin, Ma'am Emily. Maayos lang po kami. Pero mukhang malulugi po tayo. Maraming bagay ang nasira."
Ngumiti ako at tinapik ang balikat ni Amy. "It's fine. Atleast maayos kayo. Tumawag ka na lang ng maglilinis at isasara muna natin itong boutique."
"Sige po."
Nang umalis si Amy sa harapan ko, kinamusta ko naman ang mga tauhan ko. Maayos naman daw sila kaya nagpatiuna na ako palabas. Kinausap ko pa si Kuya Nestor. Pinilit ko itong magpadala sa ospital pero ayaw talaga nito. Kumibit-balikat ako at bumalik sa sasakyan.
Saan ako pupunta ngayon? I really wanted to work pero napurnada naman. Gusto kong pumunta sa dalawang branch ko pero tinatamad naman ako. In the end, I went back to our home and cleaned the house. When I get bored, I always do household chores. Nakaugalian ko na ito noon pa kaya hindi ko masisisi ang aking sarili na magpahanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin.
Hindi ko namalayan ang oras. Nakita kong madilim na lang ang kapaligiran. Pagod akong umupo sa kama at tumingin sa orasan. It's already 7 PM, but I still don't feel hungry. Bumuntong-hininga ako at pabagsak na humiga sa kama. In just a few second, nakatulog kaagad akong hawak ang larawan namin ni Ryan noong kami'y ikinasal.
"ANAK, gumising ka na riyan at tanghali na. Nakahanda na ang umagahan mo."
Nagising na lang ako bigla sa aking narinig. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at mula sa harapan, bumungad ang isang tao. Hindi ko pa ito makilala dahil hindi ganoon kalinaw ang aking paningin. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at sa wakas, nakilala ko na rin ito.
Si mama.
"Ano pong ginagawa mo rito, mama?" tanong ko sabay bangon. Humikab ako at walang emosyong bumaling sa kawalan.
"Tumawag ang asawa mo sa akin kagabi. Sabi niya, mag-isa ka lang daw rito. Naaawa naman ako kaya pinuntahan kita. Emily, anak, kung may hindi kayo pagkakaunawaang dalawa, pakiusap, ayusin niyo na agad."
Napatingin ako kay mama. Diretso itong nakatingin sa akin kapagkuwa'y umupo sa tabi ko. Napailing ako at umayos ng upo sa tabi niya.
"Mama, hindi ko nga alam kung matatawag ba iyong misunderstanding. M-May karapatan din naman po akong umayaw sa gusto niya. Hindi sa lahat ng pagkakataon, mangyayari ang gusto ni Ryan, mama. Mahal ko po si Ryan at gagawin ko ang lahat maging masaya lang siya pero itong bagay na gusto niya... tingin ko ay—"
"May punto ka naman, anak. Nangyari na rin iyan sa amin ng papa mo. Pero inaayos din namin agad na gusto kong gawin niyong dalawa ni Ryan. Masaya kapag buo ang pamilya, Emily. Ano ba ang gustong gawin ni Ryan sa iyo?"
Sandali kong tiningnan si mama saaka bumaba sa kama at naglakad palapit sa nakabukas na bintana. Pinagkrus ko ang aking mga braso at bumaling sa labas.
"Gusto niya pong magtalik kami," pag-amin ko na hindi ko na maitatanggi pa dahil si mama ang kausap ko.
"Siguro gusto lang ni Ryan na magka-anak kayong dalawa. Anak, pagbigyan mo na si Ryan. Isang taon na rin naman kayong kasal, e. Marahil ay ito na ang panahon para bumuo kayo ng isang masayang pamilya."
Hindi ko namalayan na tumulo ang ilang butil ng luha mula sa aking mga mata. Inalis ko iyon at humarap kay mama na nasa likuran ko. I look at her eyes.
"Mama, paano kami makakabuo kung baog ako?"
Pagkatapos kong sabi iyon, rumagasa ang mga butil ng luha sa aking mga mata. Tama, baog ako at hindi ko mabibigyan ng anak si Ryan. Iyan ang aking dahilan kaya ko siya tinanggihan kahapon. Pinapaasa ko lang ang asawa ko.