KITANG-KITA ng mga mata ko ang gulat sa mukha nina Ryan at Erich. Mabilis na binitiwan ni Erich ang pulso ng asawa ko at walang ano-ano'y tumakbo sa kinatatayuan ko samantalang si Ryan naman ay sumunod dito.
"Kanina ka pa ba riyan, Emily?" Erich asked.
"Honey, why you didn't call me? I told yo—"
"What is the meaning of this? What is happening here?" sunod-sunod kong tanong.
"Mali ka nang iniisip, Emily. Ryan, can you explain it to your wife?" Then Erich looked at Ryan. "Explain it to her now!" aligagang saad nito na para bang takot na takot na hindi ko mawari.
"She's right, honey." Nilapitan ako ni Ryan at hinawakan ang aking kamay pero kinalas ko rin iyon kapagkuwan. "Listen to me, okay? Me and Erich were talking about you. That's it, honey. Hindi mo kailangang mag-isip ng masama. We're just talking," anito.
From his eyes, I could see that he's lying. Kitang-kita ko kung paano magsinungaling ang mga mata ng dalawa. They looked shocked. Para bang may tinatago silang sikreto na ayaw nilang ipaalam sa iba lalo na sa akin. But I need to calm myself. I shouldn't make a scene here since I'm not in my own house. But in that position, it shocked me and scared me at the same time. No one will be happy if they see their loved ones having eye-to-eye contact with someone else. I'm just paranoid. Maybe they're right. I should have believed what my husband told me. They were talking about me. That's it. No malice.
"Ganoon ba? Pasensya na kung naistorbo ko kayong dalawa. Sige na, aalis na ako."
Pinulot ko ang aking bag sa sahig at tumalikod na sa kanila. Hindi pa man ako nakakahakbang nang hawakan na naman ni Ryan ang kamay ko.
"Are you mad? Please, don't think that we're cheating. Mahal kita kaya hindi ko magag—"
Marahas kong kinalas ang pagkakahawak ni Ryan sa kamay ko at may pekeng ngiting hinarap siya.
"What are you talking about, Ryan? Bakit ako magagalit? I'm just asking what's going on here, 'di ba? At ngayong alam ko na, I just want to leave and rest."
"We're telling you the truth, Emily. Pinag-uusapan ka namin ni Ryan kung pupunta ka ba rito o hindi kasi tapos na ang party. Akala ko hindi na, but I was mistaken," wika ni Erich at sinabayan ng sunod-sunod na paglunok.
"Kanina pa dapat ako rito pero nasiraan iyong driver nang sinasakyan kong taxi. Halos isang oras pa akong naghintay ng taxi kaya ngayon lang ako nakapunta. I tried to call my husband's number pero wala namang signal," I explained calmly.
"Sana noong nasa bahay ka pa, tina—"
"No need, Ryan. You're already here kaya ayaw kitang abalahin. Hindi ko naman alam na mangyayari iyon, e."
"Umuwi na tayo, honey. You look stress."
Tumango lamang ako bilang tugon kay Ryan. Nagpaalam pa si Erich sa akin pero hindi ko ito nagawang pansinin dahil sa nararamdaman ko ngayon. At hindi ko na rin nagawang batiin ang mommy nito.
Nang makalabas kaming dalawa ni Ryan, kaagad akong sumakay sa passenger seat samantalang siya'y umikot sa driver seat. Pareho kaming nag-seatbelt bago nito pinaandar ang sasakyan pauwi.
Tahimik lang ang naging byahe namin. Nang ihinto ni Ryan ang sasakyan niya sa harap ng bahay namin, kaagad akong bumaba at dumiretso sa loob ng bahay. Sunod-sunod ang pagpapakawala ko ng hangin sa bibig dahil pakiramdam ko ay naso-soffocate ako. Nagtungo ako sa salas at umupo sa sofa.
"Honey, are you okay?"
I wanna answer him that I'm not okay. Iyong nakita ko kanina, hindi mawa-wala sa utak ko. I tried to removed that in my head lately, but I could not. Kakaiba talaga iyong nakita ko kanina. Iyong closeness ng dalawa, ang layo sa naisip ko noon. Sigurado ako na hindi gusto ni Erich ang asawa ko pero ngayon, parang nagustuhan na nito si Ryan. Dapat ko na ba siyang tawaging kabit? Concubine? Ano pa?
Hindi ko na alam ang gagawin ko. I wanna die right now. Hindi ako makahinga nang maayos. Nawawalan ako ng lakas ngayon at parang anumang oras ay mawawalan ako ng balanse hanggang sa mahimatay ako.
"Ayos lang ako, Ryan. Ahm, aakyat na ako. Pagod na pagod kasi ako."
Tumayo ako at naglakad na patungo sa ikalawang palapag ng bahay. Tinawag pa ako nito sa pangalan ko pero hindi ko ito nagawang balingan dahil sa nararamdaman ko ngayon. Aaminin ko, my heart broke a little bit.
KINABUKASAN, kahit hindi maganda ang pakilasa ko ay pumasok pa rin ako sa trabaho. As usual, I woke up without my so-called husband. Hindi na bago iyon para sa akin dahil may trabaho rin naman itong ginagawa.
"Good morning po, Ma'am Emily."
"Good morning din, Amy. Pupunta rito iyong supplier natin, talk to her dahil aalis ako mayamaya." I'm planning to visit my family.
"Sure po, Ma'am Emily. Ahm... m-ma'am... m-may kailangan po kayong malaman..."
Napakunot-noo ako. "Ano iyon, Amy? Tell me."
"Si Sir. Ryan p—"
"Honey, I bought your favorite coffee."
Kaagad akong napatingin sa aking likuran at nakita ko roon si Ryan na may hawak na kape. Naglakad ito palapit sa akin at inabot ang hawak nito na akin namang kinuha. Himala, nagawa ako nitong bisitahin ngayon. At may dala pang kape.
"Thank you, Ryan."
Nginitian ako nito kapagkuwan ay hinalikan ako sa pisngi. "Can I talk to Amy for a minute?"
"Sure."
"Follow me, Amy."
Tumingin ako kay Amy. Kitang-kita ko sa mga mata nito na may gusto itong sabihin pero hindi lang nito masabi. Napailing na lamang ako. Parang takot na takot ito na hindi ko mawari. Nang lumabas si Ryan sa boutique, sumunod naman kaagad si Amy.
Tiningnan ko silang dalawa sa labas. Ryan is smiling at me. Nginitian ko siya pabalik bago pumasok sa aking opisina. Kung ano man ang pag-uusapan ng dalawa, hindi ko na aalamin pa. Ayaw kong manghimasok sa pribado nilang usapan.
Ininom ko ang kapeng ibinigay ni Ryan at napangiti muli ako nang malasahan ko sa dila ko iyon. I really love cappuccino. Habang iniinom ang kape, nagtrabaho na ako. Kailangan ko pang kausapin iyong manager sa isa kong boutique.
Habang abala sa pagtatrabaho, pumasok si Amy sa opisina ko.
"Ma'am, iyong sinabi ko po kanina, huwag niyo na lang pong isipin."
"Alin? Iyong may kailangan akong malaman? Ano ba iyon, Amy? Tell me."
I don't care kung sumagot siya o hindi. Pero alam ko na tungkol ito kay Ryan dahil sinabi nito ang pangalan ni Ryan kanina. Si Ryan ay ano?
"Ahm... ma'am, a-ano po kasi..." Nanginginig siya.
"May problema ka ba, Amy?" Tumayo ako at nilapitan siya. Napansin kong medyo maputla si Amy. "You look like you're sick. Much better kung ipagpaliban mo muna ang araw na ito, Amy. Umuwi ka muna," may pag-aalalang sabi ko.
"Wala po akong problema pero si Sir. Rya—"
"Amy, may naghahanap sa iyo!" sigaw ng isang tauhan ko sa labas.
"Excuse lang po."
Tumango lang ako kaya lumabas na ito. Bumalik ako sa puwesto ko kanina at inisip ang sinabi ni Amy. Kung iisipin, sinasabi nito na si Ryan ang may problema? Was it true? Hindi ako mapalagay kaya tinawagan ko ang numero ng asawa ko.
"Honey, napatawag ka?"
"May problema ka ba?" tanong ko.
"What? Wala naman."
"S-Sige. Ingat sa trabaho."
I didn't wait his answer, I ended the line immediately. Ibinaba ko ang cellphone ko sa desk na nasa harapan ko kapagkuwa'y nagpatuloy na sa pagtatrabaho. Mamaya ko na lang kakausapin si Amy tungkol dito.
NANG sumapit ang kinahapunan, sa bahay nina mama ako dumiretso. Nagkumustahan lang kami at nag-usap ng kung ano-anong mga bagay. Halos isang oras ang itinagal ko roon bago ko napagdesisyunang umuwi.
Saka ko lang naisip iyong sinabi ni Amy kaninang umaga sa akin. Bukas ko na lang siya siguro kakausapin. Hindi ako mapakali. In my heart, parang napakaimportante ng sasabihin nito pero hindi lang nito masabi. Si Ryan ang subject dito. Then Ryan talked to Amy. Did Ryan threaten Amy to be quiet? Sana naman ay hindi dahil natatakot ako para kay Amy. Mas mabuting si Ryan ang kausapin ko.
I took a quick bath and after that, nagbihis lang ako ng simpleng kasuotan at bumaba na. Saktong pagbaba ko ay pumasok si Ryan sa bahay.
"I'm exhausted," mahinang sambit nito at sinabayan nang malalim na paghinga.
"May problema ka ba, Ryan?" mahiya-hiya kong tanong dito nang makaupo ito sa sofa.
Nag-angat ito ng mukha sa akin. "Problema? What do you mean?" naguguluhang tanong nito.
Naglakad ako palapit sa kaniya kapagkuwa'y umupo sa harap nito. "Problema. You know what I mean, Ryan. I'm just wondering about you since Amy talked to me this morning."
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya at bumakas sa mukha niya ang gulat. "She did talk to you? W-What did she say? M-May sinabi ba siyang kakaiba?"
I shook my head. "Wala naman."
Nahalata ko na parang may tinatago si Ryan sa akin. The way he asked me, parang natatakot ito na hindi ko mawari. Para bang may sikreto ito na ayaw nitong malaman. Iyong reaksyon nito nang sinabi kong nakausap ko si Amy kanina, gulat na gulat.
"Good. Wala naman akong problema, honey."
Tumayo ito at nilapitan ako. Hinalikan nito ang tuktok ng ulo ko bago nagpaalam ito sa akin. Nakatingin lang ako sa asawa ko hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. I heaved a deep sigh and calm myself since I also felt exhausted. Mayamaya pa ay nagtungo na ako sa kusina para magluto na ng aming dinner.
KINABUKASAN, tanghali na akong pumasok sa boutique dahil nag-yoga muna ako para mabawasan ang aking timbang. Nitong mga nagdaang buwan, pakiramdam ko'y lumalaki na ako na nangyari na nga ngayon. Medyo tumaba ako kumpara noon na tama lang ang katawan ko. Hindi naman sa ayokong ganito ang katawan ko, ayaw ko lang na dahil sa anyo ko, iwanan ako ng asawa ko.
"Amy, nakausap mo ba iyong supplier natin kahapon?"
"Opo, ma'am. Maayos po usapan namin."
"That's good. Amy, can you come here? I just wanna ask you a question."
Amy nodded. Pumasok ako sa loob ng opisina samantalang siya'y sumunod sa akin. Nang marinig kong lumapat ang pinto, humarap na ako kay Amy. Kung ano ang mukha nito kahapon, ganoon na ganoon pa rin hanggang ngayon.
"It's about yesterday..." I started. "I asked Ryan if he had a problem, but he told me he did not. I called you here to ask you. Hindi dapat ako nangingialam pero hindi kasi ako mapakali." Nagpakawala ako ng hangin sa bibig bago nagpatuloy. "Ano ba iyong sasabihin mo sa akin kahap—"
"Ma'am Emily," putol nito sa akin at nilapitan ako. Kinuha nito ang mga kamay ko at hinawakan. "Alam kong hindi po ako dapat manghimasok sa inyo pero... pero hindi ko na po talaga matiis ito. Bata pa po ako pero alam ko na po ang nangyayari. Pati po mga katrabaho ko, alam na rin."
I frowned. "Alam ang alin?"
"Ma'am, m-may babae po si Sir. Ryan."
Parang tumigil ang pag-inog ng mundo ko nang marinig iyon mula sa bibig ni Amy. Ano kaniya, may babae akong asawa ko? Imposible.
Binawi ko ang mga kamay ko. "Nagsasabi ka ba ng totoo, Amy? Kung oo, then sino ang babae?" tanong ko na may halong galit dahil unti-unti nang kumukulo ang dugo ko kahit hindi ko alam kung totoo ba o hindi ang sinabi nito.
"Nagsasabi po ako ng totoo, Ma'am Emily. Dalawang beses po silang pumunta rito sa boutique para bumili ng damit. Natse-tyempuhan nilang wala kayo kaya hindi niyo po sila nakikita. Balak ko na naman pong sabihin sa inyo iyon pero binantaan po ako ni Sir. Ryan. Kung sasabihin ko raw po sa inyo ang katotohanan, tatanggalin niya ako sa trabaho at idadamay niya po ang pamilya ko. Pasensya na po, Ma'am Emily. Naging tahimik ako kahit alam ko sinasaktan na ni Sir. Ryan ang puso mo nang hindi mo alam." Dama ko ang takot sa boses ni Amy.
"Just finish this, Amy. Tell me kung sino ang babae ng asawa ko. Tell me who is his mistress?"
Sandaling nanahimik si Amy bago nagsalita. "Si Ma'am Erich po. May relasyon po silang dalawa..."
My eyes widened. Hindi ko nagawang makaimik ng mga sandaling iyon. Naramdaman ko na lang na unti-unti nang tumulo ang luha sa magkabila kong mga mata. Si Erich ang kabit ni Ryan? Ang taong itinuring kong kapatid, kabit ng asawa ko? Should I believe Amy? Malaki ang tiwala ko sa babae at alam kong hindi ito gagawa ng ikakasakit ng puso ko.
My heart broke into pieces. I'm suffocated. I couldn't breath. I felt like I will fall down because of that. Iyong simpleng iyak, napalitan nang hagulgol. At namataan ko na lang ang sarili ko na nasa kotse, pinapaandar pauwi sa bahay. Akala nila magiging masaya sila? Then they are wrong. Mahina ako, pero kaya ko rin maging malakas. They cheated on me. They broke my heart. Kung sino pa iyong malapit sa puso ko, sila pa iyong nanloko.
It hurts me. I'm in pain. I'm broken-hearted!