KABANATA 8

2171 Words
IT'S Saturday. Nakatulala ako dahil malalim ang aking iniisip. Until now, hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Erich sa akin noong nakaraan. At simula ng araw na iyon, hindi na siya nagpakita sa akin na ipinagtataka ko. Ano kaya ang tatapusin nito? Pero sabi nito secret lang. Bakit ko nga ba iniisip iyon? I should mind my own business, not hers. Gusto kong magtanong pero may parte sa pagkatao ko na pinipigilan ako. Malalim akong nagpakawala ng hangin sa bibig kapagkuwa'y tumayo sa kama at lumapit sa nakabukas na bintana. Ang ganda ng panahon. Asul na asul ang kalangitan at sinamahan pa ng malamig na hangin. Nagpakawala ako ng hangin sa bibig sa ikalawang pagkakataon bago naglakad na pabalik sa kama. Pagkaharap na pagkaharap ko ay bumungad si Ryan sa akin. "Aren't you coming with me? Erich invited you." "Hindi na, Ryan. Hindi ba't sinabi ko na kay Erich na hindi ako pupunta?" "Are you sure? Baka mamaya kung ano na naman ang isipin mo. Honey..." Nilapitan ako nito at hinawakan ang mga kamay ko. "Stop thinking na magloloko ako. Hindi kita papakasalan kung lolokohin lang kita, okay? Gusto kitang sumama sa party mamaya, but it seems like you still have a problem." Mahina akong natawa at bumalik sa kama. "Ryan, bakit naman ako mag-iisip niyan? Pinagkakatiwalaan kita kasi asawa kita. Wala lang ako sa mood pumunta ng party," sagot ko na may halong kasinungalingan. Iyong totoo, ngayon pa lang, nagseselos na ako dahil hindi naman puwedeng hindi magkita sina Erich at Ryan sa party. Sinusubukan kong kumbinsihin ang aking sarili na hindi ako magagawang lokohin ng dalawang malapit sa akin. Hindi ko iyan iniisip dati sapagkat wala akong nakikita kakaiba sa dalawa. Pero ngayon, meron na. The way Erich looked at my husband, parang may laman ang titig nito. Tapos halos magdikit na ang katawan ng dalawa. At minsan, nakikita kong magkausap ang dalawa na noon ay bihira lang mangyari dahil noong una pa lang, hindi na talaga boto si Erich kay Ryan. But I convinced her before that Ryan was a good man. Baliw na ba ako? I'm thinking these craziness of mine. I ain't crazy, but I think I need a psychologist. Ang weird lang kasi ng mga nangyayari ngayon. Ang layo-layo sa nakaraan. "Fine!" Hindi ko namalayan na nakaupo na sa tabi ko si Ryan. "Basta't huwag ka nang mag-iisip ng kung ano-ano. Baka makasama pa iyan sa iyo." Tumango lamang ako bilang sagot. Pero may bigla akong naalala. Iyong t-shirt ni Ryan na may kulay pulang lipstick at ilang hibla ng buhok, hindi ko pa nasasabi kay Ryan simula nang makita ko iyon noong nakaraan. The truth was, I didn't wash his t-shirt, but I hid it kasama ng buhok. "Ryan, alam mo naman siguro na hindi ako nagsusuot ng kulang pulang lipstick, no?" I asked. Ryan nodded. "Y-Yeah, I know that. Why?" "Wait me here." Tumayo ako sa kama at nagtungo sa banyo. Binuksan ko iyong cabinet at kinuha ang t-shirt ni Ryan sa loob kasama ng buhok na inilagay ko pa sa plastik. Lumabas ako ng banyo at bumalik sa puwesto ko kanina. "Ano ito?" tanong ko sabay abot ng sarili niyang t-shirt dito. Kinuha iyon ni Ryan. "This is mine. Matagal ko na itong hinahanap, hone—" "What's the red stain there?" seryoso kong tanong dito. "Where?" Hinanap nito ang tinutukoy ko at nang makita, may ngiti sa mga labi itong nag-angat ng mukha sa akin. "Ito ba, honey? Oh, it's blood." "No, it's not." "It was, honey. I accidentally cut my finger. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Marami ng dugong lumalabas sa akin kaya kumuha na lang ako ng maruming t-shirt." "You should wash your finger. At bakit sa damit pa? May bulak naman dito, 'di ba? May tissue pa." That's so weird. Ang babaw ng dahilan ni Ryan. Hindi iyon dugo. Halatang-halatang lipstick iyon. "I... I-I... I don't have time, honey. But, why did you ask me? Pinanghihinalaan mo ba akong may babae ako?" If I would answer that question, then I would definitely say yes. "Ito, kaninong buhok ito?" Inabot ko naman sa kaniya ang plastik na kinuha naman nito kaagad. "It's yours." "But I don't have brown hair, Ryan. I have black hair, you know that." "I don't understand, Emily. What are you trying to say?" "Wala lang. Hindi naman siguro masamang magtanong, 'di ba?" Inilapag ni Ryan ang mga inabot ko sa kaniya kapagkuwan ay tumayo ito at pumuwesto sa harapan ko. Kinuha nito ang aking mga kamay at masuyong pinisil. "If magloloko ako, dapat matagal ko na iyong nagawa." Parehas nitong hinalikan ang likod ng mga kamay ko bago lumabas ng kuwarto na hindi man lang nagawang magpaalam sa akin. Sunod-sunod akong napailing. Galit ba si Ryan sa akin dahil sa mga sinabi ko? I just asked him and that's it. I didn't do anything wrong para magalit siya. Kung totoo mang galit siya, then he's guilty. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Namataan ko na lang ang aking sarili na nasa loob ng sasakyan habang pinapaandar iyon patungo sa aking boutique. Nang makarating ay lumabas ako ng kotse at pumasok sa loob. "Good morning po, Ma'am Emily," bati sa akin ni Amy. Wala nang bago. Siya palagi ang kauna-unahang bumabati sa akin dito sa boutique. "Good morning din, Amy. Ahm, puwede mo ba akong ikuha ng kape?" "Sure po, ma'am." I just smiled at her. Naglakad ako patungo sa aking opisina at nang makarating, umupo ako sa swivel chair at tumingin sa kawalan. Hindi ko alam kung hanggang saan aabot itong pag-o-overthink ko. I'm really afraid. Iniisip ko, bukas o sa makawala, may malalaman akong sikreto na sana'y huwag namang mangyari. Parang ikamamatay ko pa kung iyong iniisip ko ang mangyari. "Ma'am, ito na po iyong kape niyo." Pumasok si Amy na may dalang kape. I smiled at her. "Thank you, Amy," saad ko nang ipatong niya sa harap ko ang kape. "Walang anuman po, Ma'am Emily. Pero hindi po ba sabi niyo hindi po kayo papasok ngayon?" "I changed my mind. Nakakaburyo sa bahay. Nga pala, iyong mag-ina kahapon, kumusta na sila? Nagawa mo ba iyong sinasabi ko sa iyo?" "Opo, Ma'am Emily. Tuwang-tuwa nga po iyong bata, e. Salamat daw po pala." "That's good to know." Kahapon, may mag-inang pumasok sa boutique at naghahanap sila ng murang dress para sa anak nito na birthday pa naman. Pero hindi pasok sa budget ng ina iyong dress na gusto ng anak nito kaya minabuti ko na lang na ibigay iyon dahil naaawa ako sa bata. Hindi naman malaking kawalan sa akin iyong isang dress. "Sige po, lalabas na po ako, Ma'am Emily. Tumango lang ako. Gusto kong pumunta sa isa ko pang boutque rito sa Maynila pero wala akong gana. Halos isang buwan ko nang hindi nabibista iyon. Pero may hi-ni-re naman akong manager doon na alam kong maaalagaan nito nang maayos. Itong boutique na kinalalagyan ko, ako lang ang manager since malapit lang naman ito sa bahay. At isa pa, hindi ko kayang hindi magtrabaho. Sunod-sunod na lamang akong napailing at sumimsim ng kape saka nagtrabaho na sa aking laptop. At dahil tutok na tutok ang aking atensyon sa screen, hindi ko na namalayan ang oras. Nakita ko na lang na malapit ng dumilim ang kapaligiran. Lumabas na ako ng akong opisina at nagpaalam na kay Amy na uuwi na ako. Sumakay ako sa kotse at sakto namang tumunog ang cellphone ko. I've received a text message from my husband. I took a deep sigh before I opened it. 'I'm going. If you wanna come to the party, just tell me, so I could fetch you. I love you!' Napangiti ako nang malapad dahil sa sinabi nito. Nag-reply ako ng 'i love you too' bago ko pinaandar ang kotse pauwi. I had no time to go to the party. I would rather stay at home than interacting with people I don't even know. Kahit nagbago na ako, hindi pa rin nawawala ang pagka-introvert ko. Nang makarating ako, kaagad akong pumasok sa bahay. Binuksan ko ang ilaw nang makita kong nakapatay iyon. I can't hear any noise right now. Nakakabingi ang katahimikan ngayon sa loob ng bahay. Ryan's not here. He probably went to the party at this moment. Pero kailan pa kaya nagka-interest si Ryan sa ganoong bagay? He hates party. Pero baka nakumbinsi ni Erich ito. Naglakad ako patungo sa salas at umupo sa sofa kapagkuwa'y kinuha ko ang cellphone ko sa bag. Pumunta ako sa contact list at hinanap ang numero ni Ryan. Dapat ba ako pumunta sa party na iyon? But, I think I made a good decision dahil baka kung ano na naman ang isipin ko. Ni hindi ko nga alam kung maayos ba kaming dalawa ni Ryan dahil sa pag-uusap namin kaninang umaga. I had no choice, but to do what I've said. I'm not going to the party. I turned off my phone and leaned myself on the sofa then took a deep sigh as if I'm exhausted due to the work I've done today. Pero bigla na lang akong natigilan nang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at nang mapagsino ito, kaagad kong sinagot iyon. "Hello? Napatawag ka?" "Are you going?" "I'm sorry, but..." "Emily, the birthday celebrant wants to see you. My mom wants to see you since she saw you months ago." I was speechless. I parted my lips. Should I go? But I don't want to. Nagpakawala ako ng hangin sa bibig saka nagsalita. "Fine! Pupunta na ako." "Really? Oh my, God! My mom would be happy. Thank you, Emily. I'll wait you. By—" "Erich, can I ask before we end our conversation?" I cut. "Sure, ano ba iyon?" tanong nito na may halong pagtataka. "Ahm... a-ano iyong ano... ahm... i-iyong s-s-sinabi m—" "What?" Binasa ko ang aking mga labi gamit ang dila. "Wala pala. Just don't mind it. I-It's nothing. Bye." Then I ended the line. Gusto ko sana siyang tanungin doon sa sinabi nito na may tatapusin ito. Hinding-hindi mawala sa utak ko iyon at parang bangungot sa akin dahil umabot ako sa punto na halos hindi na ako makatulog kakaisip. Did she do something wrong? I don't understand myself. Sunod-sunod na lang akong napailing at nagpatiuna sa kuwarto upang magbihis. Wala na akong choice, nakapangako na ako kay Erich kahit ang totoo'y ayaw ko naman. Bahala na. Sana'y hindi ako mag-isip ng kung ano-ano. ONE hour later... "Manong, matagal pa ba iyan?" medyo naiinis kong tanong sa driver nang makababa ako sa taxi. "Pasensya na, ma'am. Hindi ko malaman kung anong sira nitong sasakyan. Hayaan niyo po, gagawin ko po ang lahat makarating ka lang po sa pupuntahan mo," sagot nito at may kung anong ginawa sa unahan ng sasakyan. Naiinis akong nagpakawala ng hangin sa bibig ng mga sandaling iyon. Nagsisi ako na nag-taxi pa ako. Wala kasi akong mood mag-drive. Hindi ko naman inaasahan na mangyayari ito. Halos kalahating oras na rin simula nang masiraan si manong. I shouldn't blame him. Wala akong dapat sisihin dito. Ala-sais ang simula ng party pero alas-syete na ngayon. Bakit pa ngayon ito nangyari? Kanina, sinubukan kong tawagan si Ryan pero wala namang signal dito sa kinalalagyan namin. Napapadyak ako kahit naka-heels. I'm wearing a simple black dress and I paired it with heels. Dahil sa iritasyon at paulit-ulit na pagtawag ng numero ni Ryan at maski kay Erich, hindi ko na namalayan ang oras. Mag-a-alas-otso na. Mabuti na lang at may dumating na taxi kaya sumakay na ako roon. Pero nagbayad pa rin ako roon sa una kong sinakyan kahit matagal akong naghintay. At dahil may kalayuan ang bahay nina Erich, halos tatlumpung minuto pa ako bago nakarating ngunit dismayado ako dahil tapos na ang party. Naglalabasan na sila. It's now new. Ganito ang mommy ni Erich, ayaw talaga nitong patagalin ang party sa bahay. Ang tangi ko na lang ginawa ay umikot ako sa likod ng bahay dahil may gate roon. Nang makarating, pumasok ako at tinungo ang pinto na nagsisilbing pasukan at labasan sa loob. Nang buksan ko iyon, bumungad ang tahimik na kusina sa akin. Alam ko ito dahil minsan ko nang nagawa ito noon. Dahan-dahan akong naglakad sa isa pang pinto para makarating na sa mismong bahay. I wanna surprise them. I smiled and opened the door quickly. Pero ganoon na lang ang gulat ko nang bumungad sa akin sina Ryan at Erich. They're facing at each other—having eye to eye contact while Erich is holding my husband's wrist. Dahil sa gulat, nabitiwan ko ang hawak kong regalo at bag dahilan para makuha ko ang atensyon nilang dalawa. Dapat na ba akong mabahala gayong nakita ko silang dalawa na ganoon ang ayos? Na para bang kilalang-kilala na nila ang isa't-isa? Parang nawala sa utak ko na noon ay ayaw na ayaw ni Erich si Ryan para sa akin. But, what is the meaning of this? They're cheating? I hope not!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD