KABANATA 7

2111 Words
"INGAT po sa pag-uwi, Ma'am Emily." Tanging tango lang ang isinagot ko kay Amy. Nang makalabas ng boutique, binati naman ako ni Kuya Nestor. Katulad kanina, tinanguan ko lang din ito at nagpatiuna patungo sa kotse kong nakaparada sa parking lot na katabi lang ng Ever After Boutique. Nang makasakay, kaagad kong minaneho iyon patungo sa bahay. Thank God at maayos na kami ni Ryan. Bumalik na ulit iyong dati. It's been months since nangyari iyon. And thankfully, it was already done. Pero hindi ko lang maiwasang maghinala magpahanggang ngayon. Erich was acting very strange. Minsan, kapag umuwi ako sa bahay, nakikita ko na lang siyang palabas. There was something wrong na kailangan kong malaman pero hindi ko alam kung paano. I don't wanna question Erich for acting like that, but I'm afraid. Maybe I'm just hallucinating. Binibigyan ko ng malisya iyong ginagawa niya na bago lang para sa akin. I took a deep sigh. Bakit ko ba iniisip ang bagay na iyon? Me and Erich were both okay. She would not cheat on me. I mean, hindi niya aahasin ang asawa ko sa akin dahil kapatid na ang turing namin sa isa't-isa. Dahil sa malalim na pag-iisip, hindi ko namalayan na nakarating na ako sa bahay namin. Ipinarada ko ang sasakyan sa harap at saktong bumukas ang maliit na gate at lumabas doon ang dalawang tao. Sina Ryan at Erich. Napalunok ako. But I didn't waste my time. Kaagad akong bumaba ng kotse at humarap sa kanilang dalawa na may pekeng ngiti sa mukha. "Oh, hi, Emily. Nandiyan ka na pala," Erich said with a smile on her face. "Yup, nandito na nga ako. A-Anong nangyayari rito, Ryan?" I asked my husband. "Honey..." Ryan approached me and hugged me sideways. "Erich came here to invite us to her mother's party," anito. "Your husband is right, Emily. Tatawagan sana kita pero hindi ko na ginawa kasi akala ko nandito ka. But I was mistaken. Pumunta kayo, ha? Invited kayo!" "Kailan?" "This Saturday." "Oh, Saturday? Hindi ako makakapunta, Erich. Magiging busy kasi ako sa Sabado. I'm really sorry. Pabati na lang kay tita," sabi ko na hindi inaalis ang ngiti sa mukha para hindi mahalata ng dalawa na inis na inis ako. I don't know. But right know, my blood seems boiling. Kung ano man ang sinabi ko, kasinungalingan lang iyon. I'm free on Saturday, but I don't think I deserve to come there. "No, ayos lang iyon, Emily. Ikaw ba, Ryan, pupunta ka?" Erich looked straightly into my husbands' eyes. "Sure, why not?" sagot ni Ryan dito. "Thank you. Sige na, aalis na ako. Hihintayin kita sa bahay, ha? At ikaw, Emily. If your mind change, don't hesitate to come. You're invited." I just nodded as my answer. Nilapitan ako ni Erich at niyakap ako kapagkuwan ay si Ryan naman ang niyakap. Nangunot bigla ang noo ko nang mapansing matagal ang yakapan ng dalawa. I spoke to interrupt them. Humiwalay naman si Erich sa asawa ko at nagpatiuna na. "Ang tagal niyong magyakapan," saad ko saka naglakad na papasok sa gate. "May problema ba roon, honey?" I felt Ryan's presence behind me. I sighed and faced him. "Wala naman. Ang akin lang, bakit ang tagal?" "I don't kno—" "Stop, Ryan. I don't wanna hear any voice coming from you." Matapos sabihin ang mga katagang iyon, nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makapasok ako sa loob ng bahay. Dinako ko ang direksyon ng kusina at pumasok doon. Kumuha ako ng isang basong tubig at nilagok iyon ng ilang segundo. "Was that an issue for you, honey?" "Ryan, I said stop. Hindi issue iyon sa akin." "Are you sure? You're not sure." Marahan kong ibinaba ang baso at hinarap siya. "I'm sure, Ryan. Huwag mo nang isipin iyon, okay?" "Fine. Are you hungry? Do you want to eat?" "Hindi na. Kakatapos ko lang kumain. Busog na ako." "Fine! Let's go in our room. I'm sleepy." I looked at him for a few seconds before nodding my head. Hawak niya ang kamay ko habang patungo kami sa kuwarto naming dalawa. Nang makarating, pabagsak itong humiga sa kama samantalang ako ay nagtungo sa banyo upang mag-shower. Hindi naman ako nagtagal dahil nakaligo na naman ako kaninang umaga. Nakaroba akong lumapit sa salamin at tinitigan ang sarili. I can't believe myself na binibigyan ko ng malisya ang matagal na pagyayakapan ng dalawa. It's normal, but... I don't know. Hindi ko na alam kung anong ekplanasyon ang kailangan kong sabihin. Gulong-gulo ang utak ko ngayon. Pero napansin ko lang, parang tumataba ako. Medyo maumbok na ang magkabila kong pisngi kumpara noon. Iyong mga braso ko at binti, bahagyang lumaki at isama pa ang balakang. God, kailangan ko na yatang mag-exercise. Ayaw kong iwan ako ni Ryan nang dahil lang ganito ako. Lalabas na sana ako ng banyo nang may nasagi ako mula sa countertop dahilan para mahulog iyon. Nang tingnan ko iyong nahulog sa sahig, napakunot-noo ako. Singsing iyon. Dali-dali ko iyong kinuha at pinagmasdan. It's my husband's ring. Bakit naman nandito iyon? Mariin akong napapikit at lumabas na ng banyo. I saw Ryan sleeping deeply. Imbes na gisingin, mas minabuti kong ako na lang ang magsuot ng singsing sa kaniya. Nang matapos, nagbihis na ako. Imbes na tumabi kay Ryan, mas minabuti kong bumaba para magkape. Pero habang bumababa, tumunog ang cellphone ko at napangiti ako nang makita kung sino ang tumatawag. Si Ate Eloisa. "Ate Eloisa, kumusta ka na?" "Ayos lang naman ako, Emily. E, ikaw, kumusta ka na? Naikuwento sa akin ni mama iyon." "A-Anong iyon?" nagtataka kong tanong. Nang makababa, dumiretso ako sa sala. "Baog ka nga ba?" diretsahang tanong ni Ate Eloisa sa akin. Napalumod ako ng laway. Nag-usap kami ni mama na kami lang dalawa ang dapat makaalam noon. Pero sinabi pala nito kay Ate Eloisa. Hindi ko naman puwedeng i-deny dahil matanda si Ate Eloisa sa akin. "Hello, Emily, nandiyan ka pa ba?" "Ah, oo, ate." "Huwag kang magalit kay mama. Nangako ako na ako ang huling makakaalam nito. Baog ka ba talaga, Emily?" Without any hesitation, I replied. "Oo, ate, baog ako." Parang naputulan si Ate Eloisa ng mga sandaling iyon dahil hindi nito nagawang makapagsalita. Ni paghinga nito ay hindi ko marinig. "At—" "Huwag kang panghinaan ng loob, Emily. Malay mo, magkaroon ng himala. Baka bukas, buntis ka na." "Sana nga, ate. Hinihiling ko talaga iyan." "Sige na. Alam kong namamahinga ka na. Mag-ingat ka na lang, okay? If you need help, just call me." "Thank you, ate." Pinatay na ni Ate Eloisa ang tawag kaya naman dumako na ako sa kusina at nagtimpla ng kape. 'Pagkatapos noon ay bumalik ako sa kuwarto, lumabas sa balkonahe para magpahangin kahit isang oras dahil pakiramdam ko'y sasabog ang ulo ko. "Honey, why are you alone there? May problema ka ba?" I heard my husband's voice from behind. Sumimsim ako ng kape bago marahang ibinaba iyon sa lamesang nasa gilid ko lamang. I sighed. "Gusto ko lang magpahangin," I answered emotionless. "Are you sure? Pinag-aalala mo ako. I want to convince myself, but I can't. Kanina, you're acting very strange. Parang hindi maganda ang pakilasa mo. At isa pa, iyong relasyon niyong dalawa ni Erich. Before, you were happy with her, but now, it seems like you're not happy that she came here. What is your problem, honey? Please, tell me. Asawa mo ak—" "Walang akong problema, Ryan," putol ko rito. Pumuwesto si Ryan sa gilid ko at ramdam kong nakababa ang tingin nito sa akin. "Sigurado ka ba? Asawa mo ako, Emily. You can tell me what is your problem. Malay mo, masolusyunan k—" "Hindi ka naman nambababae, no, Ryan?" diretso at walang pag-aalinlangang tanong ko rito. Pagkatapos noon, tumayo at at hinarap siya. "May parte sa puso ko na hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung ano ito basta't kapag nakikita ko si Erich o kayo na magkasama, kung ano-ano ang tumatakbo sa utak ko. Pagpasensyahan mo na ako, Ryan. Maski ako, hindi ko alam ang nangyayari sa akin. I ain't crazy or stupid, but maybe, I'm just hallucinating." Marahas na nagpakawala ng hangin sa bibig si Ryan bago nito kinuha ang mga kamay ko at marahang pinisil ang mga iyon. He looked at my eyes. Parang sinasabi ng mga mata nito na hindi nito kayang magloko. Malaki naman ang tiwala ko rito na hindi talaga ito magloloko. Ako lang talaga ang may problema ngayon. "Honey, bakit naman ako mambababae? I promised you before that I will never cheat on you. Mahal kita kaya bakit ko gagawin iyon? At tungkol sa amin ni Erich, walang namamagitan sa aming dalawa. She's your friend and... and... and she's not my type. Hindi ba't sinabi mo sa akin noon na hindi niya ako type para sa iyo? So, why are you thinking that I will love a woman who hated me since then?" "Alam ko naman iyon," saad ko saka tinalikuran ito at tumingin sa madilim na kapaligiran. "Alam kong mahal mo ako at alam ko ring hindi mo ako lolokohin. I'm sorry if I asked you such question. I shouldn't ask you that." Nilapitan ako ni Ryan kapagkuwan ay niyakap ako nang patalikod. "It's fine. I won't make an issue about that. Don't ever think that, okay? I love you and I don't wanna lose you." Sinandal ko ang ulo ko sa kaniyang balikat at hinawakan ang mga kamay niyang nasa baywang ko. "Mahal din kita at hindi ko kayang mawala ka." Matapos ang pag-uusap naming dalawa, bumalik na rin kami sa loob upang matulog. Kinaumagahan, maaga akong nagising kahit hindi naman ako papasok ng trabaho dahil araw ng laba ko ngayon. Yeah, you heard it right. Ako ang naglalaba ng damit namin ni Ryan. Mas gusto kong ako na lang ang gumawa kaysa mag-hire pa ng katulong. Sa totoo lang, lumaki akong tumutulong kay mama sa lahat ng gawaing bahay. Hindi naman ako ganoong mahihirapan dahil automatic machine naman ang gamit ko. Pumasok ako sa banyo upang kunin ang mga damit na kailangang labhan. Pero laking gulat ko na lang nang makitang may pulang mantsa sa t-shirt ni Ryan. Kinuha ko iyon at tinitigan. I thought it's blood pero hindi. Lipstick ito pero hindi ako ganoon kasigurado. If it's lipstick, then it's not mine. Hinding-hindi ako nagsusuot ng kulay pulang lipstick dahil para sa akin, hindi iyon bagay. Pero bigla kong naalala si Erich. I saw her yesterday, kulay pula ang suot niyang lipstick. God, why did I even think that? Kay Erich ba talaga ito? If so, then bakit magkakaroon ng lipstick ni Erich dito sa t-shirt niya? God, give me a sign. Akmang lalabas na ako ng banyo nang may mapansin ako sa hawak kong t-shirt. May ilang hibla ng buhok doon. Kinuha ko iyon at pinakatitigan. The hair is brown and I don't know where did it come from. I don't have brown hair. Purong itim ang buhok ko at maski si Ryan, kulang itim din. May mali ba talaga o sadyang nag-o-overthink lang ako? Imbes na kausapin pa si Ryan tugkol dito, mas minabuti kong ibalik na lang ang t-shirt sa kinalalagyan nito at dinala ang mga iyon sa washing roon na nasa unang palapag ng bahay. Nang makarating ay umalis ako kaagad dahil napag-isipan ko munang magluto ng umagahan namin ni Ryan bago maglaba para may lakas ako kahit papaano. Habang abala sa pagluluto, biglang tumunog ang doorbell. Marahas akong nagpakawala ng hangin sa bibig saka tinungo ang pinto at binuksan iyon. Mula sa gate, nakita ko roon si Erich, bihis na bihis. Ang aga-aga. Pasado ala-sais pa lang ngayon. Ano kaya ang sadya nito? "What are you doing here, Erich?" tanong ko nang malapitan siya. "I just want to ask if you're okay." "Y-Yeah, I am okay. Bakit mo natanong?" "Si Ryan, is he okay?" "Yeah, actually, natutulog siya. Bakit, Erich?" "Nothing. I thought Ryan is already awa—' "If he is, then what would you do?" "Grabe ka naman, Emily. Ano ba iyang iniisip mo? Syempre, asawa mo si Ryan kaya wala naman sigurong masama kung kumustahin ko siya, 'di ba?" Tsk! That's not my question. She didn't answer me! "Saan ka pupunta? Ang aga pa." "Oh, pupunta lang ako sa Baguio dahil may tatapusin lang ako." "Anong tatapusin?" naguguluhan kong tanong. "Secret." Tumalikod na ito at pumasok sa sasakyan saka umalis. Ang weird talaga ni Erich ngayon. Hindi ko alam kung ito pa ba iyong dati kong kaibigan o hindi na. Kung ano man ang tatapusin nito, wala akong pakialam. It's her life after all at kahit kapatid na ang turing ko rito, ayaw ko rin namang makialam sa personal nitong buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD