KABANATA 3

1062 Words
"ANG dami naman nito, Erich," sabi ko kay Erich nang bigyan niya ako ng iba't-ibang kutkutin mula pa sa Baguio. "Hindi naman, Emily. Actually, marami pa akong dala pero nasa kotse pa. That's for you. Gift ko na dahil paunti-unti mo nang napapalago itong boutique mo." "Nag-abala ka pa. Salamat, ha. Iyong iba, ipapamigay ko sa mga staff ko." Erich is my bestfriend. Magkaibigan kami noong mga highschool pa. Sobrang bait ni Erich. Sa totoo nga niyan ay kapag nangangailangan ako minsan, dito ako tumatakbo. Minsan, hindi na nito pinapabayad ang utang ko. Parang kapatid na rin ang turing ko kay Erich dahil kahit anong mangyari, hindi kami nag-aaway o kahit nagkakasamaan ng loob. If may misunderstanding, inaayos namin agad. "Kaibigan kita Emily. Hindi kita kakalimutan, no. At alam ko, iyong iba riyan, paborito mo. Iyong peanut brittle, hindi ba't gustong-gusto mong kainin iyon?" "Ah, oo. Ang sarap kasi. Mawala na lahat ng paborito ko, huwag lang iyan," natatawa kong sabi kay Erich. Tumawa rin si Erich. Nag-usap pa kaming dalawa ng kung ano-anong mga bagay. Pinag-usapan din namin ang naging bakasyon nito sa Baguio. Sa totoo nga ay dapat kasama ako pero tumanggi ako sapagkat mas gusto kong magtrabaho. Mayamaya pa ay natigilan na lang kami sa pag-uusap nang biglang bumukas ang pinto ng opisina. Sabay kamint napatingin ni Erich doon at bumungad si Ryan na may dalang isang bugkos ng bulaklak. Nakangiti itong naglakad patungo sa puwesto naming dalawa. Sandaling kong binalingan si Erich, nakakunot ang noo nito at kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha nito. "I'm sorry for disturbing. For you, Emily," nakangiting bigkas ni Ryan sabay abot ng bulaklak sa akin. Nakangiti kong kinuha ang bulaklak. "Thank you, Ryan. Ahm, k-kaibigan ko nga pala." Iminuwestra ko si Erich kay Ryan gamit ang aking kamay. Tumayo si Erich at tiningnan si Ryan mula ulo hanggang paa. "Boyfriend ka ni Emi—" "Hoy, Erich! Ano ba iyang pinagsasasabi mo? Hindi, a, manliligaw lang," putol ko kay Erich dahil sa sinabi nito. Oo, tama, nililigawan na ako ni Ryan. "What? Akala ko ba hindi ka magmamahal?" natatawang tanong ni Erich sa akin. "But, nothing. Lahat naman ng tao, nagbabago. By the way, I'm Erich, Emily's friend." Nang iangat ni Erich ang kamay, kaagad iyong tinanggap ni Ryan. "I'm Ryan, nice to meet you, Erich." "Kapag sinagot ka ni Emily, huwag na huwag mo siyang sasaktan. Ako ang makakalaban mo." Umalis si Erich sa puwesto at nilapitan ako saka niyakap. "Aalis na ako, Emily." "Sandali, ang bilis naman yat—" Palihim nitong nginuso si Ryan. "Baka makaa— alam mo na. Ayaw ko namang masira ang effort niya, no. Sige na. Bye." "Sige, mag-ingat ka, ha?" Muli akong niyakap ni Erich bago ito tuluyang lumabas ng aking opisina. "Your friend is weird," saad ni Ryan sabay upo sa upuang inalisan ni Erich. "She's not. Sa tingin mo, weird siya pero sobra kayang bait no'n, no. Nga pala, hindi ka ba napapagod na araw-araw kang bumibisita rito?" Ngumisi si Ryan. "Bakit naman ako mapapagod? Alam ko namang hindi masasayang ang effort ko dahil alam ko, sasabihin mo rin ang matamis mong 'oo' sa akin." Natawa ako bigla dahil sa sinabi ni Ryan. Dahil sa araw-araw nitong pagpunta rito, hinayaan ko itong ligawan ako. Mahal ko na si Ryan at umamin din ito na mahal din ako kaya tinanggap ko siyang ligawan ako. Isang buwan na niya akong nililigawan pero sa tingin ko'y hindi pa ako handang sabihin ang oo ko— na payag na akong maging girlfriend nito. Natatakot din ako. Paano kung lokohin ako nito kapag naging kami na? No, Ryan won't do that. Nangako ito na ako lang ang mamahalin nito. Hindi ako nagpauto, naniwala lang ako sa sinabi nito. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Unang tagpo namin, hindi maganda. Pero ngayon, nagpapaligaw na ako. Mabait talaga si Ryan. Ang totoo nga'y pinakilala pa ako nito sa mga magulang kahit hindi pa naman kami. At tanggap ng magulang nito kung magiging kami man. Isa pa kaya minahal ko si Ryan ay dahil binago nito ang buhay ko. Nawala na ang mga takot ko sa mga tao. Hindi na ako katulad noong dati na nahihiya kahit sa simpleng bagay. Ryan taught me to be human. Araw-araw, positibo ang nararamdaman ko. Minsan, iniisip ko, what if wala si Ryan ngayon? For sure walang magbabago sa buhay ko. Hindi ko mapigilang mapaluha ng mga sandaling iyon. Bawat pagtingin ko kay Ryan ay pagtibok naman ng puso ko. Talaga ngang mahal ko na si Ryan. Hindi ako makapaniwala na kaya ko pa lang magmahal kahit pakiramdam ko'y patay ang puso ko. Sa tingin ko, deserve ni Ryan ang 'oo' ko. Marahil ay ito na ang panahon para hayaan si Ryan na maging boyfriend ko. "Oo na!" may kalakasan kong saad sabay punas ng ilang butil ng luha na bumagsak sa aking mga mata. "What do you mean by 'oo na'?" nakakunot-noo nitong tanong. "Oo na, pumapayag na akong maging girlfriend mo!" Nanlaki ang mga mata ni Ryan. "R-Really? Pumapayag ka nang maging tayo?" animo'y wala sa sarili nitong tanong. "Oo nga. Payag na ak—" "F*ck! Finally!" Tumalon ito at nagsusuntok pa sa hangin. Kapagkuwan ay lumapit ito sa akin at masuyong hinawakan ang mga nanlalamig kong palad. "Hindi ako makapaniwala, Emily. Akala ko aabutin pa ng ilang taon bago mo ako sagu—" "Ilang taon? Bakit naman aabutin ng ilang taon kung nakikita ko naman na deserve mong mahalin?" "s**t! Akin ka na ngayon, Emily. I wanna build a family with you soon." Halos maluha si Ryan. Mahigpit ako nitong niyakap. Samantalang niyakap ko naman pabalik ang boyfriend ko. Ngayong kami na, natatakot naman ako na baka kapag nakatalikod ako, magloko naman ito. Subukan lang nito dahil baka mailabas ko ang pinakatatago kong ugali. "Promise me, hindi ka magloloko, Ryan," nakanguso niyang wika. Humiwalay si Ryan sa akin. Sinapo nito ang kaliwa kong pisngi saka tinitigan ako na halos ikaduling ko. "Promise, Emily. Hinding-hindi ako magloloko. Papakasalan pa kita. At bubuo pa tayo ng isang masayang pamilya. I love you..." Ngumiti ako. "I love you too, Ryan." Matapos sabihin ang mga katagang iyon, bigla na lang nilapat ni Ryan ang mga labi sa aking mga labi. Nabigla man ay nagawa ko pa ring hayaan ang mga labi ni Ryan sa akin. Iyong totoo, ito ang kauna-unahan naming halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD