KABANATA 2

1064 Words
HINDI pa rin mawala ang ngiti sa aking mga labi dahil successful ang naging operasyon ni Kuya Fernan nitong nakaraang araw at sa isang linggo ay maaari na itong makalabas. Masaya man pero hindi ko pa rin mapigilang mag-alangan sa inilabas kong pera. Malaki-laki rin iyon pero para sa pamilya ko, ayos lang. Nakaupo ako sa swivel chair habang nakaharap sa laptop dahil may ginagawa akong trabaho. Kailangan kong magtrabaho hindi lang para sa pamilya ko kundi para na rin sa mga pangarap ko. Una, gusto kong makapagpatayo ng mas malaki pang bahay. Ikalawa, makabili ng lupa. At panghuli, gusto ko ring magkaroon ng isa pa o higit pang branch ang boutique ko rito sa Manila. Hindi man ako nakatapos ng pag-aaral pero desidido ako na mabigyan nang maayos na buhay ang pamilya ko. Hanggang second year college lang ang natapos ko. Hindi ko na naituloy iyon dahil sa kahirapan. Isa pa, magastos din ang kursong kinuha ko. Siguro kung nakapagtapos ako, isa na akong chef ngayon. Gustong-gusto ko na magluto pero ayos lang sa akin kung ito lang ang narating ko. At least kumikita pa rin ako kahit papaano. At the age of 24, nakapagpatayo na ako ng boutique. Natigilan na lamang ako sa malalim na pag-iisip nang biglang may kumatok sa pintuan ng aking opisina. "Pasok..." aniya. Bumukas ang pinto at bumungad si Amy sa kaniya. "Ma'am Emily, m-may naghahanap po sa inyo," anito sa mababang boses. "Sino raw?" nagtataka kong tanong dito. "Si ano po... s-si.... i-iyong lalaki p-po noong nakaraang araw..." "H-Ha? A-Anong ginagawa niya rito?" Kumabog na naman ang dibdib ko. "May kasama ba siyang pulis?" "Wala, Ma'am Emily," sagot nito. Kung ganoon, anong ginagawa nito rito? Marahas akong nagpakawala ng hangin sa bibig saka lumabas ng opisina. Hinanap ko ang lalaki at nakita ko ito sa seksyon ng mga panlalaking kasuotan. Naninigarilyo pa ito. Hindi ba nito nabasa ang nakapaskil sa entrance? No smoking, mahirap bang intindihin iyon? Ayaw ko sanang lapitan ang lalaki dahil naiinis ako rito. Nasa isip ko pa ang ginawa ng lalaki nitong nakaraang araw. Pinagsalitaan ako ng masama. Muli akong nagpakawala ng hangin sa bibig saka nilapitan ang lalaking nakatingin na sa akin. "What can I do for you, sir.?" magalang kong tanong sa lalaki habang ang aking magkabilang palad ay nasa likuran. "Can you assist me?" tanong nito sabay buga ng usok mula sa bibig. Bahagyang akong lumayo sa lalaki. Hindi ko talaga gusto ang amoy ng sigarilyo. "Sir., pasensya na po pero may nakalagay po sa entrance na bawal pong manigarilyo sa loo—" "Oh, bawal ba?" Ibinagsak nito ang sigarilyo sa lapag saka inapakan. "Wala na. Puwede mo na ba akong i-assist?" tanong nito at sinundan ng ngiti. "Sure, s—" "Don't call me 'sir'. May pangalan ko. I'm Ryan." Hindi ko gusto ito. Hindi ako sanay sa ganitong bagay. Pakiramdam ko'y makikipagkaibigan ang lalaki. Pero hindi magandang ugali ang ipinakita nito sa akin. Sinigawan ako at pinagsalitaan pa ng masama. "Huwag mo nang isipin iyong nangyari noong nakaraan. I didn't mean to hurt your feelings. Nabigla lang ako," sambit nito. "S-Sige po, Rya—" Tumawa ang lalaki. "Miss, mukha ba akong matanda para i-po mo? I'm just 26." "S-Sorry. Y-Yeah sure, I can assist you." Hindi ko trabaho ito pero wala na akong magagawa kundi tulungan ang lalaki sa kailangan nito. "I need a new jacket. Could you advise me which jacket would be best for me?" "Sure. Follow me." Sa hindi malamang dahilan, nawala bigla ang aking kaba. Aaminin ko, naiilang talaga ako sa lalaki at mas pipiliin kong lamunin ako ng lupa kaysa magtagal sa harap nito. Baka mamaya kasi kung anong isipin ng ibang tao lalo na ang mga tauhan ko. Sunod-sunod na lamang akong napailing at ipinagpatuloy ang pagtatrabaho. Tinulungan kong makahanap ng jacket ang lalaki na babagay rito. Inabot pa kami ng halos tatlumpung minuto dahil sadyang mapili ang lalaki. Bumalik na ako sa opisina na may ngiti sa mga labi. Mali itong iniisip ko. Pakiramdam ko'y crush ko ang lalaki dahil kanina, halos matulala ako. Mas guwapo ang lalaki kapag nakangiti. Marahil ay nag-a-assume lang ako. Hindi ako aasa na magugustuhan ako nito dahil mahiyain ako at baka hindi ako ang tipo nito. Muling akong napailing saka umupo na sa swivel chair. Hindi ko pa man nailalapat ang mga daliri sa laptop nang may kumatok na naman sa pinto. "Ma'am Emily, pinapabigay ni Mr. Mayabang." Napaangat ako ng tingin sa pinto at nakita roon si Amy na may hawak na kape. Naglakad ito palapit sa akin saka ipinatong ang kape sa tabi ng laptop ko "Mr. Mayabang?" nakakunot-noo kong wika kay Amy. "Iyong lalaki, Ma'am Emily. Mayabang iyon, 'di ba?" "Hindi naman, Amy. Actually, mabait nga siya, e" "Weh? Bakit noong nakaraan, wagas kung sigawan k—" "Hayaan mo na, Amy. Nagbabago ang lahat ng tao at isa pa, nabigla lang daw siya kaya niya nagawa iyon." Napakibit-balikat na lamang si Amy saka nagpaalam na sa akin. Kinuha ko ang kape at sa mismong cup, may nakasulat doon. 'Thank you for helping me! When we meet again, may I know your name? :^)' Hindi ko mapigilang mapangiti. Sweet naman pala ang lalaking iyon. Sa una lang pala masama ang ugali nito pero ngayon, ibang-iba ito. Nawala sa isip ko na magpakilala kaya kung gusto nitong malaman ang pangalan ko sa susunod, sasabihin ko na lalo pa't naging magaan na ang pakiramdam ko rito. Akala ko ay paminsan-minsan lang pupunta ang lalaki rito sa boutique pero naging araw-araw na iyon. Kapag pumupunta ito, ako palagi ang nag-a-assist rito kaya naman lalo pa akong nahulog kay Ryan. Minsan, kung hindi kape, bulaklak ang binibigay nito sa akin. Mali ang pagkakakilala ko kay Ryan. Mabait itong lalaki at ito ang kauna-unahang lalaking itinibok ng puso ko. Nasanay na akong kasama ito at ito pa mismo ang tumulong sa aking alisin ang takot sa mga tao. Magkabaliktad kami, kung ako'y introvert, ito naman ay extrovert. Kahit maikling panahon lang kami nagkakilala ay mahal ko na ang lalaki at natatakot akong aminin iyon dahil baka kaibigan lang ang turing nito sa akin at baka kapag umamin ako, hindi na ito bumalik pa kahit kailan. Hindi ko maintindihan ang sarili. Basta't alam ng puso't utak ko kung gaano ko kamahal si Ryan. Pero... ganoon din kaya ang tingin nito? Mahal din kaya ako ni Ryan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD