chapter 6

1604 Words
Antok na antok talaga siya kahit pa nakatolog naman siya ng isang oras ata yun di niya sure pero pakiwari niya ay wala. Para siyang walking zombie na lumulutang sa hangin na gustong gusto niyang matolog ngayong araw. Yung tipong rest day ang peg lang at kung pwede lang boung maghapon sana ngunit maaga ang shift niya. At ngayon palang na naglalakad siya ay tila pipikit siya sa antok na nadarama. Pagdating niya kagabi sa kanilang dorm e di naman siya agad dalawin ng antok dahil sa litseng nakaw na first kiss niya. Paulit ulit na nag pa flashback sa isip niya ang paglapat nga labi nito sa mga labi niya. Ang pakiramdam ng lambot ng labi nito na nakapatong sa labi niyang taksil kasi ipokreta siya kung itatanggi niyang nagustohan niya ang halik nito. Papasok palang siya sa corridor ng gusali ay tila gusto niya nang kumaripas ng takbo pauwe at matulog. Lalo at soft music pa lagi ang pinapatogtog bat kasi di nalang disco diba para naman buhay na buhay ang mundo nya. "Anong oras ka nakauwi kagabi babaeta? para kang nasa walking dead." tanong ni Yuhan na nakaupo sa isang vanity mirror sa locker room nila nag reretouch ito ng foundation at konting lip balm. Kasama nila ito kagabi kaya lang ay nag date ito kasama ang nobyo nitong bi s****l na sa kabilang IT company nagtatrabaho. "Madaling araw na at feeling ko wala talaga akong naging tolog. Konting konti nalang talaga magsasara na ang aking mga mata!" himutok ko sumandal ako sa upoan at medyo pumikit. "Hey mga binibini may pep talk daw!" si Menchie ang isa sa kakilala nila at kaibigan sa human resources department. Kung boring ang work ko ano pa kaya ang sa kanya? tanging papel ang kaharap niya lalo at di naman ito ang nag interview ng applicants. "Tungkol saan daw ba ang Pep?" usisa ni bakla na nag pout pout pa. Naglagay pala ng lip tint at nilagyan pati ang checks. "It's for us to find out walang sinabi at lalong di updated maging ang mga tsismosa na kapitbahay." nakangisi kung sabat. "Sino ba ang magpapa pep?" tanong nito kay Kuya Russel na kadarating lang. Malamang ay kasali din ito lalo at kapareho sila ng shift. "I still don't know nakita ko lang sa memo ni Head." sagot ni Kuya Russel na tayong tayo ang buhok sa gel. Lahat sila ay pinatawag ni big boss from executive pababa dahil sa di niya malamang dahilan. May iilang nakaduty pa din naman ang morning shift malamang pinag over time ang ilang night shift para may tatao sa mga areas. Nagkakaroon lang naman sila ng Pep talk if may mga vip na darating o di kaya naman ay may mga bagong patakaran na paiiralin. Never pa naman na naiba ng management kasi family own corporation naman ang hotel at bilyonaryo kaya imposible na ipag katiwala sa ibang tao. Dahil pep talk naman ay nagtago siya sa likod ng mga kaibigan niya na explain an niya sa mga ito ang sinapit niya kagabi, except sa paghatud kay Sir Dustin syempre kasi alam kung mga salot ang mga kasama ko tiyak na ilang araw na topic pag nagkataon. Pumuwesto ako sa may di kita ng nasa harap kaya kampante ako at kaya hinayaan nila ako na maidlip. "Hinatid niya pa kasi kagabi yung asawa niya sabi na kasing tabihan nalang niya ayaw naman choosy pa. Kaya naman ayan puyat ayaw kasi makinig e." si Kuya Salem na nakapwesto sa likod nila sinamaan niya ito ng tingin. "Kuya ah marinig ka ng iba baka kung ano ang isipin." sita ko dito na pinanlakihan ko pa ng tingin. "Sinong asawa?" halos magkapanabay na tanong ng mga ito nag warning look siya kay Kuya Salem pero ang damuho ay ngumiti lang at kumindat. "Si Sir Dustin magkasama silang dumating dito kagabi este kaninang madaling araw pala." sabi nito na nakangisi ng nakakaasar. "Ay may utang kang tsika sa amin Inday ah. Sige burlog ka muna diyan." si Gela. Pumikit ako para makaiwas na din sa mga panunukso ng mga ito kahit na alam niyang di siya titigilan ng mga ito. Hanggang sa nagsimula na ang Pep talk wala talaga akong maintindihan sa mga sinasabi ng nasa harap at wala siyang paki basta matotolog siya medyo nakasandal pa siya sa upoan. Naramdaman niya ang pagkurot ni Yuhan sa braso niya ngunit iwinaksi niya lang kasi antok na antok talaga siya. At nang muli na naman siyang kalabitin ay ganun padin ang ginawa niya. "Miss Pelipe!" narinig niyang sigaw kaya napaayos siya ng tayo. Ganun nalang ang gilalas niya ng mabungaran ang mukha ng boss nila na salubong na salubong ang kilay at di maipinta ang mukha. Naka polo na long sleeve at desinte na unlike kagabi na tila sinaniban ng masasamang elemento sa gulo ng suot at porma nito. "Ay Pelipe!" gulat kung sagot. "No sleeping while on duty do you understand?" tanong nito napatingin ako sa kaliwa sa kanan sa taas at baba ano bang naintindihan ko? waley kaya napangiwi ako. "Yes, Sir?" patanong kung sagot. "All of you. I want an efficient employee not an sleepy employee. Are we clear Miss Pelipe?" baling uli nito sa kanya. "Yes Sir!" mahina kung sagot gusto niyang lumubog sa kahihiyan shocks naman talaga. Imagine ba namang mahuli ka sa akto ng boss mong natutulog while nasa importanteng meeting. Nahihiya akong napayuko ang mga hinayupak kung kapwa pinoy ay pigil na pigil ang ngisi lalo na ang bakla na may papapaypay paypay effect pa. At ang iba naman ay nanunukso pa lalo at nalaman ng mga ito na magkasama kami ni Sir kagabi. "Ayos ayusin mo yang ngisi mo Yuhan ah sinasabi ko sayo ikaw pa at ikaw." banta ko sa mga ito. Nakatalikod na si Sir Dustin at tapos na ang Pep talk pero ang Pep talk niya mag uumpisa palang. "Hala wala naman kaming ginagawa ah, baka ikaw Yuhan? may ginawa kaba dito kay Misis H?" nakangising depensa ni Ate bitchay. "Ay ako din wala kanina pa kaya kita ginigising bakla, pero parang nasa sixth dimension kanina, lagpas na lagpas sa dream land o baka nakarating kana sa langit ni Sir." si Yuhan na may action pa. "Teka ano ba kasi ang ginawa niyo ni Sir Dustin at puyat na puyat ka? at mukhang nabitin si Sir? nag quickie kayo hano?" pakiki osyuso ng isa pang baklitang salot si Gelo na Gela sa gabi. "Quickie? ano yun?" takang tanong ko it's familliar naririnig ko yun sa kwento ng iba nilang mga kasamahan. At parang brand ng noodles o pagkain di niya sure. "Seriously Lira? di mo alam ang quikie? o my lord may gulay kay swerteng nilalang naman talaga quick s*x yun ang long term at ano daks ba?" bulong pa ni Gelo bago mabilis nakalayo pulang pula pati ata ang kanyang mga dulo ng buhok ay tumayo. "Virgin pa ako no. Malay ko ba sa mga daks daks na yan." nandidilat ang mata kung sabi sa mga ito. "Alam namin paka inosinte mo nga te e. Sa sobrang inosinte mo ibibigay kana namin kay Sir Dustin. Iba ka talaga Inday Lira haba haba na ng hair mo naapakan mo na o." biro pa ni Menchie. "Tolog pa more okay lang yan nag enjoy ka naman ata kagabi kasama siya diba? diba?" pang aasar ng mga ito siya nag martsa na papunta ng locker kasi asar talo talaga siya pagdating sa mga kaibigan na kapwa pinoy. Nagpapasalamat parin siya na sa kabila ng ilang kwento ng mga nag aabroad na pinoy at kapwa pinoy ang nag sisiraan awa ng diyos walang ganun. Mga impakta lang at mapang asar na pinoy ang meron. Yamot na yamot ako di naman kasi ako aantokin kung di ito naglasing at kung di niya yun ginawa na ilayo sa kapahamakan ay baka ang pep talk malamang ay tungkol sa scandal nito. Malamang ay nasa kandungan na ito ngayon ng babaeng mukhang espasol. Kulang nalang ay mag evolve na siya sa sobrang gigil niya sa amo nila. Kasalanan naman nito kung bakit siya inantok at sino ang kasama nito. "Bakit kasalanan ko ba na antokin ako? pasalamat pa nga siya na iniuwe ko siya kung hindi malamang may scandal na siya. Tapos ano porki't amo ko siya ganyan na siya ninakaw pa niya yung first kiss ko hayop siya mamatay na sana siya." nagdadabog kung rant habang kumukuha ng gamit ko padabog na binuksan niya ang bag niya. "Should I say sorry for that stolen first kiss?" dinig niyang biglang sabi mula sa likod niya. "Ay sabaw!" gulat na gulat ako huling huli sa akto mga kaibigan in flesh si Sir Dustin. Nasa loob ng locker namin at naka pameywang nakataas ang sulok ng labi and gone the serious Boss. Nakangiti ito na tila ba ay aliw na aliw sa kanya. He is so handsome anhm "So are you done checking on me? should I say sorry? I don't even remember kissing you." sabi ng bruho. Na lalong ikinataas ng kanyang alta presyon. "Good for you Sir! sana po mabagok ang ulo mo dyan nang tuloyan ka na sa paglimot at di kana magising pa kahit kailan." mahina ko pang dugtong. "Didn't I told you that I know how to speak tagalog?" napamulagat ako ng maalala kagabi bago siya nito halikan nabanggit nga nito na marunong itong magtagalog.Lagot nangangamoy last day ako. "Ahm I..." nauutal kung sabat. "Go to the penthouse now and take a nap." sabi nito sabay talikod ngunit bago ito makarating ng pinto ay muli itong bumalik. Nagtataka naman niya itong tiningnan at lumapit ito sa kanya. "Tsup! tsup! tsup!" tatlong magaan at mabilis na halik ang iginawad nito sa nakanganga niyang labi. Bukas sara ang bibig niya matapos ang halik na ginawa nito sa kanya. "And I love kissing you, I remember the kiss we shared no need to pout." sabi nito bago tumalikod nang makabawinsiya ay nakalabas na ito ng locker room. Buti at mag isa lang siya doon kung hindi ay malamang katakot takot na pang aasar pa ang dadanasin nya. Nagmamaktol kung ibinalik ang bag ko at agad naman akong umakyat sa penthouse nito. 'Akala ba niya di ko i ga grab ang offer niya kailangan ko ang tolog at bahala siya sa buhay niya.' ngitngit kong bulong. May nakita akong post it note sa may mini table nang makapasok akong muli sa loob ng Penthouse. Napakaganda ng loob nito at halatang mayayaman lang ang pwedeng umapak sa ganitong facilities. Kung tutuosin ay napakaswerte niya na isa siya sa nabigyan ng previledge na makatuntong dito. 'Sleep at my room Ms. Pelipe I'll be out for a while take a rest. Just order the food I already talk to Mr. Russel I'll be back maybe late I already talk to your superior.' "Mabuti naman at may konsensya naman pala kahit papaano ang kumag na yun!" usal niya. Dahil antok na antok ako ay matotolog talaga ako agad akong nagtungo sa second floor at pumasok sa unang silid. Pagpasok mo palang ay amoy lalaki kaamoy ni Sir Dustin syempre pa siya ang may ari e. Pero wa pakils ang lola nyo importante ay maitolog niya ang antok niya. Although nabawas bawasan ng konti ang antok niya sa halik na iginawad nito kanina ay inaantok parin siya. Umupo siya sa couch na nasa loob ng kwarto bago niya hinubad ang pang malakasan at pang kamatayan niyang super heels. Nasa tatlong pulgada ang required sa kanila hanggang apat pa nga depende sa empleyado kung alin ang mas komportable siya. Nung una masakit talaga sa paa lalo kung di ka sanay lalo at nakatayo ng mahaba habang oras. Masarap sa pakiramdam ang napakalaking kama nito bukod sa mabango ay sobrang lambot nito. Tumayo siya at nag halfbath muna at tinanggal ang hairdo niya, ang make up then nag dive na siya sa malambot na higaan niya. Maya maya pa ay nasa dreamland na siya at halos di na niya namalayan ang oras. Basta nag tanging mahalaga sa kanya ng mga sandaling iyon ay ang kanyang antok. Ang tolog na kunakailangan ng katawang lupa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD