chapter 5

1905 Words
Masama ang tingin niya na binalingan ang lalaking lapastangan at basta basta nalang na nagnakaw sa kanya ng halik ang kanyang first kiss. First kiss na nakalaan sana sa kanyang mapapangasawa pero ngayon ay wala na. "Isa kang magnanakaw hmmp alam mo bang first kiss ko yon ha! nakakainis ka ikaw na nga ang niligtas nagnakaw kapang hinayupak ka. Sana iniwan nalang kita sa mga bruhang iyon di sana ay humihilik na ako ngayon di yung maghahatid pa ako sayo!" duro duro ko sa natotolog na amo na kahit naka yuko eh katakam takam naman talaga ang bruho. "Shhh quiet Sweetie I want to sleep now." sabi nito na itinapat pa sa labi nya ang mga daliri, gising pa pala ang hinayopak. "Litse bangungutin ka sana. Isa kang malaking magnanakaw!" bulong bulong ko nagpupuyos ang kalooban niya talaga buti kung smack lang may palaway pa ang piste. Sa hotel na pinagtatrabahoan niya dinala ang amo na animo ay tinakasan na ng katinoan sa kalasingan. Kahit yata ipa rape niya sa mga bakla e wala nang malay tao. Pinara niya ang unang dumaan na taxi kung tutuosin pwede namang lakarin kasi malapit naman. Kaya lang sa laking tao ni Dustin Humpkins baka magkahiwa hiwalay ang mga kasu kasoan niya. Agad na sumakay siya ng taxi at medyo barok pa mag english ang driver kaya pahirapan ang pag communicate nila, mukhang chinese pa ang driver kaya ayun dugo dugo ang explaination niya sinabi niya nalang ang address ng hotel. "Thank you!" nakangiwi kung sabi sa driver na kumaway pa sa kanya. Masakit na ang mga braso niya panu ba naman ang bigat na nga matangkad pa. 'Susme pag ganito kalaki ang lalaki malamang e malaki din ang alaga nito.' namula siya sa naisip, litse kasing buhay to ang hilig magpakabayani. Inalalayan ko ito at halos magkayakap na kaming dalawa malamang eh bukas di na siya nito maalala at ang halik maalala niya kaya? yun ang tanong. 'Ambisyosa tingin mo maalala niya pang hinalikan ka niya haler ganda ka girl?' sita ng kanyang pakialamirang isip. "Kuh madaling araw na yan kasi ma pipikot ka ng wala sa oras sa pagkalasinggo mo. Magnanakaw kapa ng halik litse ka kung di ka lang gwapo talaga nasampal na kita at baka nasakal pa kita." bubulong bulong na inakay niya ito papasok sa hotel. Wala nang halos malay ang lalaki lumapit ako kay Kuya Salem ang gwardya na kabarkada na din halos namin. "Kuya Salem patulong naman o, mapuputol na ang mga braso ko." reklamo ko agad naman itong suminyas sa kasama nito na agad kinuha sa kanya ang amo na halos sumadsad na sa semento kung walang aalalay. "Anong ginawa mo dito kay sir Lira?" mapanudyong tanong nito na ngingisi ngisi. "Tingin nyo po? naku iinom inom di naman kaya buti nga nakita ko yan doon. Kung hindi baka kung saan na yan sumabit." inis na sambulat ko para matanggal ang panunudyo nito. Ngunit lalo lang itong nang asar na tila ay di pa naniwala sa sinabi niya. Pwes bahala ito ang mahalaga ay naihatid na niya ang amo nila at bahala na ang mga ito sa lalaki. Nang makalapit sa receptionist area ay agad niyang tinawag si Apple ang kapalitan niya ng shift. Gusto man niyang umalis na ay kinakailangan parin ng mga ito ng magbubukas ng pinto mamaya pag nakaakyat na. "Apple can you please hand me the key of the Penthouse?" sabi ko sa babae na nakamata lang sa akin, isa itong Singaporean mukhang nagduda pa ito ngunit nang makita nito ang boss nila ay agad naman na tumalima. "Okay just wait!" sabi nito bago tumalikod para kunin ang susi sa kanilang office hiwalay kasi ang pinaglalagyan ng sa executive areas na susi. Nang makabalik ay tangan tangan na nito ang susi at agad na iniabot nito ang susi sa kanya. "Tara Lira ikaw na ang pumindot ng number sa elevator." si Kuya Salem na nakaalalay sa likod ni Sir at ang kasama nito na sa gilid ni Sir naman nakapwesto. Maya maya pa ay sakay na sila ng lift pataas medyo nahihilo na siya kaya sumandal siya sa dingding ng elevator. "Kuya salem, ikaw na ang bahala kay Sir a uuwe na din ako agad antok na antok na din kasi ako. Maaga pa ang duty ko bukas." humihikab na sabi ko dito bitbit ko ang coat ni Sir na nakasunod sa mga ito papasok sa silid ni Sir. "Kuhh dito kana matolog okay lang yan kay Sir, tsaka walang mag aasekaso kay Sir kawawa naman kailangan niya ng magtitempla ng kape mamaya at magpapainom ng gamot." sabi nito na nanunukso ang tinig. "Kung piktusan kaya kita dyan Kuya dalaga kaya ako at may Fiancee na pangit tingnan." sabi ko. "Pangit na fiancee siguro. Peace! Kung wala kabang fiancee e papayag kang matulog dito?" tanong nito habang inaalalayan ang amo nila. Sa lawak ng penthouse ay mahaba pa ang lalakarin papasok sa silid nito. "Hindi rin no! tsaka di ko naman nobyo si Sir para sumamang matolog sa kanya no." katuwiran ko pa tila lulutang na ako sa antok. Kung pwede nga lang mahiga nalang sa couch na nasa harap niya e kanina pa niya ginawa. Ipinilig pilig niya ang ulo niya para kahit papaano e magising niya. "Naku alam mo sayang ka kung yun ang makatuloyan mo. Ang ganda ganda mo tapos dun ka lang pumatol," inismiran ko ito lahat halos ng katrabaho niya ay ganun ang pintas. Ang magulang niya at mga kapatid ay ganun din pero walang nagawa ang mga ito ng siya ang nagpasya siya naman kasi ang makakasama nito hindi ang pamilya niya, hindi ang katrabaho o mga kaibigan niya kaya wala na sa kanya ang mga panunukso ng mga ito. Dalawang bayan ang pagitan nila kalugar ito ng bestfriend niyang si Mona na kaklase niya noong college. At ito pa nga ang naging tulay para makilala niya ang nobyo. Saktong uwe niya mula sa Singapore ng makilala niya ang nobyo hanggang sa makuha nito ang number niya. Noong una ay nahiya pa daw itong ligawan siya gawa ng maganda daw siya masyado samantalang likas na walang kadating dating ang mukha nito. Noong nakaraang Marso lang e nagbakasyon siya kasabay noon ang pagpropose nito at ang pagbili niya ng bahay. Mula sa mga naipon niyang overtime at mga tips e nakapag ipon siya. Ang binili niyang lupa at bahay ay di pa alam ng nobyo, malapit iyon sa bahay ng magulang niya bayad na at pinaayos niya pinarepair niya nang naayon sa gusto niya kaya nga lang ay di pa tapos talaga. Balak niyang palipatin ito ng school na pinagtuturoan yung malapit sa kanila kasi sa bulubundokin ito naka assign ganun naman kasi pag guro ka at mahina ang backer mo sa bulubundokin ang lagpak mo aabotin ng ilang taon bago makababa sa bayan. Balak niyang mag negosyo nalang at mag alaga ng mga magiging anak nila. Gusto niya ng maraming anak naiisip niya kasing masaya ang ganun lalo at ganun sila sa kanyang pamilya. "Naku Kuya a nahahawa kana nila Kuya Russell mahal ko kasi yung tao." sabi ko na itinulak ang pinto ng silid nito. "Tao ba yun? haha joke di mo yun mahal masyado ka lang natakot na tumandang dalaga kaya pinatos mo yun kahit ganoon ka luging lugi na ang mukha, naku sa ganda mong yan kung tutuosin kahit si Sir papatol sayo yan kahit pusta ko pa ang sahod ko sa buwan na ito, gising gising din pag may time." sabi nito sabay baba kay sir sa kama. Totoo naman ang sinabi nito, na natakot siyang tumandang dalaga sa taas naman kasi ng standard niya ay sobrang pihikan siya. Kaya sa edad na 28 ay isa palang ang naging nobyo niya at never pa sila nagkausap o nagkasama ng maghigit sa limang oras maski halik ay di niya pa nararanasan man lang. Para kasing awkward pag hawak kamay pa nga lang kinikilabotan na siya pag akbay lalo ang dilema niya pa kung paano pag kasal na sila alangan di siya tumabi sa lalaki. At natatakot siyang baka di niya mapanindigan ang pagpapakasal sa nobyo. Ramdam niya kasi na wala siyang pagmamahal dito. "Kuya paano mo ba malalaman kung mahal mo ang isang tao?" tanong ko habang inaalis ang medyas ni boss buti at di naman mabaho ang amoy ng paa nito. Amoy alak lang ang lalaki pero kaiga igaya parin ang amoy ng pinaghalong pabango at alak nito. Napakamanly na nakakaadik masarap sa ilong tila ang sarap na amoy amoyin. Ipinilig niya ang ulo at sinaway ang sarili. 'Maganda lang dapat Lira, di dapat malandi.' sita ng mahadira niyang isip. "Depende yun sayo basta mararamdaman mo nalang yun. Yung kaya mong mag adjust sa mga gusto niya at yung malakas ang energy na napapaloob sa inyo pag magkasama kayo, yung tipong matetemp kayong hagkan ang isat isa kung may pagkakataon, tapos parang gusto mo siya na laging nakikita, nakakasama, nayayakap at higit sa lahat ay may kilig factor." sabi nito na nakamata sa ginagawa ko. "Ayie, yun siguro ang na feel mo kay Madel no?" panunudyo ko dito si Madel ay yung taga kabilang block namin na sa grocery ang trabaho, filipino din at nililigawan ni Kuya Salem. Isang balo kasi si Kuya Salem namatay ang mag ina nito sa araw nang manganak ang asawa nito. Napakamot naman ito at tila nailang. Naka one point siya don madalas kasi ay pinapaiyak siya nito sa panunukso lalo kung si Kael ang pinag uusapan. "Bakit di mo ba naramdaman ang mga bagay na iyon kay fiancee mo?" tanong nito sa kanya. Patay nabalik agad ang karma di niya kasi maramdaman ang ganun sa nobyo e. Mas lamang ang parang nangingilag ako each time na lalapit ito. "Ahm kuwan, hindi pa naman kasi kami nagkasama ng matagal, tsaka gentleman kasi siya tsaka ayoko din naman na intimate agad kami." katuwiran ko. "Sus, ang sabihin mo di mo naman talaga kasi mahal yung tao. Kaya ikaw habang maaga e naku umatras kana isipin mo mahirap na mapasubo kayo sa isat isa na walang feelings na involve. Magiging malamig ang pagsasama niyong dalawa at malamang magiging umpisa ng di nyo pagkakaunawaan bilang mag asawa, wala e sayang ka e." sabi nito na napailing iling pa. "Kuya napasubo na ako kaya paninindigan ko na po!" sabi ko na inaayos na ang shorts na suot ng lalaki. "Maiwan na kita Diyan mukhang gagapangin mo na e." sabi nito na biglang tumayo na at mukhang balak talaga siyang iwanan kasama si Sir Dustin si Sir Dustin na walang malay na di namalayan na ninakawan siya ng halik. "Ay kuya naman hintay! baliw ka talagang gurang ka!" agad kung kinumotan ang amo at dalidali na bumaba buti di pa nagsasara ang pinto ng lift tatawa tawa naman si Kuya Salem. "Akala ko kasi e, dun ka matotolog e harmless naman yan si Sir sa kalasingan niyan malamang e bukas pa yan magigising." sabi nito na nakangisi. 'May harmless bang nagnanakaw ng halik at take note hindi yun smack lang torrid pa at may papisil pisil at yakap pa.' himutok niya sa isip niya. "Tsee ikaw Kuya ah binubugaw mo ako kay Sir. Pare pareho talaga kayong lahat." sita ko dito. "Hala grabe siya mang judge o d naman masyado ah, di masyadong halata." tumatawang depensa nito na sinalag ang sipa niya. Nang makababa na kami ay nakabuntot ako dito habang pabalik na ito ng post nito. "Sige Kuya uuwi na ako ah ikaw na ang bahala kay Sir Dustin at inaantok na ako, check check mo nalang baka masuka." bilin ko. "Ayie concern ang asawa ni Sir Dustin di na ako magtataka kung babalik ka mamaya at dito na matulog." biro nito sabay kindat. "Baliw!" singhal ko dito. "Hoy babae umuwe ka agad a baka kung saan kapa magsusuot sumbong kita kay Sir Dustin. Kung dito ka nalang kasi natolog e di sana di na ako maabalang e check ng e check si boss o siya shooo na at baka ma late kapa bukas sisihin mo pa ako." pabirong sabi nito kumaway pa ito nang malayo na siya buti walking distance lang ang kanilang bagong dorm. Dati kasi way back nung bago pa siya ay sasakay kapa ng tren ngayon walking nalang, agad naman akong Nakauwe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD