Nagising siyang magaan ang pakiramdam nag stretching siya ng bongga nakapikit padin ang mga mata. She felt recharge at pakiramdam niya napakaganda ng tolog niya, dahan dahan siyang nagmulat at ganun nalang ang gulat niya ng malingonan niya ang orasan sa side table nito.
"Paktay tayo jan! alas dyes na ng gabi." usal ko dali dali akong lumabas ng kwarto. Ngunit agad akong napabalik ng mapunang iba na ang damit na suot niya. Naka puting malaking tshirt siya at maiksing boxer short.
"Miss Pelipe!" si Sir Dustin pala.
"Ay kabayo!po?" agad siyang naglakad palapit dito.
"How long since you have your last vacation?" tanong nito
"Po?" taka kung tanong dito. Bigla kasi akong nag loading kabobohan atack ba.
"Kailan pa yung huling uwe mo sa pilipinas?" tanong nito na titig na titig sa kanya.
"You, you, you speak tagalog?" mulagat kung tanong.
"Im a filipino so I can speak why? do you have a problem with that?" tanong nito na seryuso ang tinig kaya naman natakot ako bigla.
"Sabi ko nga po walang problema. Ahm last year po nakauwe ako." sagot ko.
"Okay, I'll give you four weeks paid vacation." sabi nito. Na muling ibinalik ang pansin sa tv.
Ako naman shock uli ano ba namang tao to? wala nang ginawa kundi gulatin ako lagi at naalala na niya ang damit niya.
"Ahm Sir? sino? ahm sino po ang nagbihis sa akin?" mahina kung tanong.
"I did."balewalang sagot nito.
"Nakita nyo po-" di ko maituloy ang tanong ko. Malamang nakita nito alangan pumikit ito habang binibihisan siya.
"May mga mata ako kaya makikita ko. Don't worry I like what I see now let's eat. Ihahatid ba kita o dito kana matotolog?" tanong nito.
"Wag na ho sir kaya ko na pong umuwe nang mag isa." sabi ko ang problema ko ay di ako pwedeng gumala na naka damit ni Sir.
"Choose ihahatid kita o dito ka matotolog?" seryuso ang mukha nito o my gulay, napakagwapo talaga nito. kahit suplado at di halatang magnanakaw ng halik ng litsugas na ito.
"Ahm papahatid nalang po sir." sagot ko dito. Mahirap nang dito matulog uli baka more than kiss ang gawin nito at kung sa halik palang nanghihina na siya. Malamang e baka makapag surrender siya ng bataan kung magkakasama sila sa iisang silid.
"Better", tapos tila wala lang na naglakad papasok sa kusina na boxer shorts lang ito at puting sando.
'Ano bang trip nito sa buhay? napaka imposible nito' bulong niya sa sarili. Marahan niyang kinurot ang kanyang braso baka sakaling panaginip lang ang lahat ng ito at nag iilusyon lang siya na kasama ito at binihisan pa siya diba.
"Sit down and eat dapat kasi dito ka na matolog it's late already." sabi nito na nag umpisa nang kumain. Naramdaman niya ang pagkakarambola ng mga small at at large intestine niya kaya naman bakit paba siya magpapatumpik tumpik pa? umupo siya at kumain na din.
Nang matapos ay akma pa siyang magliligpit ng kinainan ngunit-.
"Just leave it there." sabi nito na muling tumalikod umakyat sa ikalawang palapag nakita niya ang uniform niyang nakatupi sa isang tabi. Kaya naman kinuha niya at nagbihis sa cr na nasa gilid lang. Inayos niya ang buhok niya at hinanap ang kanyang gamit.
"Let's go!" sabi nito na naka walking shorts lang. Pag baba nila ay pawang nag sesenyasan ang mga kapwa niya pinoy sa kanya, malamang nagtaka kung bakit kasama niya ang amo nila, na napakaseryuso ng mukha.
"Get your things." utos nito sa kanya. at tunay ngang swerti sya kasi straight duty ang baklita at ang mga tsismosa na mga kapwa pinoy.
"Ano ang ganap? ginabi ka ata binibini." pabulong na pag uusyuso ni Yuhan at alam niyang nakikinig ang iba pang mga katabi, lalo na ang mga kaibigan naming tsismosa.
"Nagkakahiyaan pa ang iba dyan humarap na kayo alam ko namang sabik kayo sa mga nagbabagang tsismis." irap ko kay ate Susy at Mark natawa naman ang dalawa na nasa isang tabi at abala sa pagpupunas daw pero makikiusyoso lang naman.
"Alam na alam mo ah so anong update? magkakaroon naba ng tagapagmana ang hottest and most illegible bachelor na si Dustin Humpkins? nabuo naba?" mahinang usal ni Mark. Kalalaking tao e tsismoso sarap pag uuntogin at malamang nabuo na ang mga haka haka sa mga malikhain nilang emahinasyon.
"Tsee mga hinayupak ang mga utak nyo masyadong makateleserye ayan napapala nyo sa kakanood nyo ng teledrama nung araw. Nakatolog nga ako diba sa pep talk kanina kaya pinatolog ako ni sir sa taas nakonsensya ng konti. Kasalanan niya naman kasi kung bakit ako inantok." sagot ko.
Pero mukhang balak pa akong interviewhin ng mga hinayupak at di tumatabi si Yuhan sa daan pa locker room. Pasimple pa akong inipit para matagalan ako sa pag daan.
"Miss Pelipe faster!" napaigtad naman ang tatlo at nagkanya kanyang exit. Natatawa siya sa mukha ng tatlo lalo na si Bakla. Buti nga sa mga ito pagdaan niya ay binilatan niya si Yuhan.
"Ang taray may hatid pa ata ang lola natin." si Yuhan na nang aasar sinamaan ko naman ng tingin. Pag balik ko galing ng locker ay pinandilatan ko ang tatlo, ay mali lima na sila mga tsismosa talaga.
"What's with the long face?" tanong nito ng nasa sasakyan na sila may pa driver pa e sa kabilang kanto lang naman siya ihahatid.
"Nothing sir ba't pa kasi may pahatid hatid pang nalalaman." mahina kung usal.
"Just be thankful." sabi nito na nakapikit ang mga mata.
"E di thank you!" nakairap kung sabi at pilit na ngumiti.
"Don't fake your smile it's annoying." sabi nito di naman ito nakatingin.
'Pano niya nalaman na fake ang ngiti niya?'
"Prepare your things next week you'll have your four weeks paid vacation leave if you want to say thank you, then your welcome." sabi agad nito.
'Hmmp e di wow pakataba ng utak ni Sir ang advance mag isip.'
"Okay thank you sir." ano bang trip nito sa buhay aayaw paba siya maigi nga ng ma surprise visit niya ang nobyo niya sasamantalahin na niya lalo at libre naman. Ngayon palang ay naiisip na niyang mag shopping sa sahod sa sunod na araw bibilhan niya ng bagong cellphone si nanay niya. Baka sakali lang naman na mas mapadalas ang tawag nito sa kanya pag bago na ang cellphone.
Maya maya pa nang makarating sa harap ng apartment niya ay bumaba na siya. Malapit lang naman kasi aksayado lang masyado sa gas ang Lolo nyo.
"Salama-" di na niya naituloy ang sasabihin niya nang pag lingon niya ay sinalubong siya ng labi nito.
"Tsup!" sapul na sapul ang labi niya gone the third kiss.
Bago pa man siya nakapagmura ay nakasara na ang pinto ng kotse nito at umandar na palayo. Isa talagang scammer ang Boss nila magnanakaw ng halik.
"Naknang magnanakaw kang litse ka! huhu!" tatlong halik na niya ang ninakaw nito. At kung naligalig siya sa unang halik kagabi at ikalawang halik kaninang umaga lalo ngayon. Malamang sa malamang e puyat na naman siya sa kakareplay sa utak niya ng mga halik nito. Kasi diyos ko day she felt it the spark, the kilig factor, at natatakot siyang aminin sa sarili niya ngunit alam niyang kataksilan ang tawag doon. Kung sabihin na nakaw na halik naman kumbaga di siya ang nag initiate yun di yun considered as pagtataksil pero kung nagustohan niya ang halik ibang usapan yun.
'Then isa kang taksil lira, taksil ka! isa kang marupok na nilalang!'
sumbat ng konsensya niya. Kaya need niya talaga na makita ang nobyo baka sakaling makalimotan niya ang kanyang unang halik, ang pangalawang halik at ang ikatlong halik.
Napatitig nalang siya sa kalsada na nilikoan ng sasakyan nito. Bago napagpasyahang pumasok na sa loob laglag ang balikat na naglakad siya papasok ng apartment. Ngunit ganun nalang ang gulat niya ng biglang lumiwanag. Nasa harap niya lang naman ang kumpol ng ikalawang set ng mga tsismosang pinoy sa earth.
"So, may pa goodbye kiss pa si Sir Dustin?" si Russel na nakaupo at lumalamon ng pansit canton.
"Beso yun masyadong malabo ang mata." kunwari ay abala sa paghuhubad ng sapatos niya baka mahalata ng mga ito na nagsisinungaling siya.
Gawain ng mga katrabaho nilang mga kababayan nila ang magsasama samang tumambay sa apartment. Halos 90% kasi ng mga nagtatrabaho sa hotel ay pinoy at minsan pala hindi rin nakakabuti ang ganun. Lalo kung mga tsismoso at tsismosa ang mga kasama mo.
"Wow may pa beso? iba na yan a okay lang yan pero alam ba ni Sir na may fiancee kang pangit sa pinas?" tanong ni Ate Bikay.
"Oo alam niya tsaka walang malisya kasi mga ma isyo kayo. Nananahimik yung tao ginagawan nyo ng kwento." reklamo ko.
"Wala naman kaming sinasabi a nagtataka lang kasi kami aba e sa tagal na trabaho ko sa hotel never pa ako hinatid ni sir." si Ate Susan na nanonood ng kdrama hindi niya lang alam kung yung kaparehas kahapon na pinapanood nila ang pinapanood nito.
"Ako never pa nakaakyat sa penthouse."si Ate Bikay na nag kakalikot ng mga ingron nito sa paa.
"At ako never pa nakasabay na kumain si Sir." pang aasar ni Russell na naghuhugas ng kanyang pinagkainan. kanya kanyang ligpit kasi sila lalo at pare pareho lang naman silang mga pagod mula sa maghapon na pagta trabaho sa hotel.
"Ako naman ay never pa na beso ni Sir." si Yuhan na nakauwi na pala fresh na fresh malamang kung di pala siya hinatid ni Sir Dustin e kasabay niya itong umuwe.
"Mga litse kayo di ko kasi alam ang trip ng amo nating yun nakakabwesit. Alam nyo yun ninakaw niya yung first kiss ko, second kiss at ang pangatlong kiss." bwesit na bwesit na ako e, yung pikon na pikon na siya na di niya alam kung ano ano ang lumalabas na words mula sa bunganga niya at naibulalas niya sa inis ang dapat na itinago niya lang sana at ang mga tao sa harap ko ngayon ay parang naestatwa nanlalaki ang mga mata. And its too late na para bawiin ko pa ang mga nasabi ko na.
"First kiss?" si Yuhan na unang nakabawi as in sa haba ng litanya ko yun lang ang nag sink in sa utak nito.
"Oo first kiss di mo ba alam ang ibig sabihin ng first kiss?." tuyang tanong ko kay bakla na ngayon ay nakapaskil sa mukha ang pagtataka.
"May fiancee ka diba? panong first kiss mo palang?" usisa ni Ate Susan na huminto sa ginagawa at tumingin na ng tuloyan sa kanya.
"Kasi nga di pa kami nag kikiss ni Kael." sagot ko.
"Bakit di pa kayo nag ki kiss?" sabay na tanong ng mga ito.
"Anong bakit? syempre gentleman siya di gaya ng amo natin atsaka di pa po ako ready magpahalik." sagot ko.
"I mean is that really possible? e fiancee mo na siya." si Paul na nakiusyuso na din.
"Oo posible sa amin tsaka di naman ako manyak no. Kailangan ba pag fiancee na nagla laplapan na? di ba pwedeng wholesome lang yung makita nyo lang ang isat isa e okay na?.
"Lira you are supposed to be experienced right in this moment kasi fiancee mo na. Dapat nga di kana virgin e." si Ate Susan na ikinalaki ng mga mata niya.
"Ay Ate Susan ayoko po ng ganun!" sawata ko dito.
"E bakit si Sir nakatatlong halik na sayo?" si Ate Joan na nakasalampak sa sahig habang gumagawa ng diamond painting.
"Kasi magnanakaw siya ng halik. Dinadaan niya ako sa bilis niya kaya nahahalikan niya ako." ingos ko na inayos ko na ang pinaglalagyan namin ng mga sapatos.
"Sus kung ayaw mo di naman yan makakahalik si Sir." si Yuhan.
"Hoy Yuhan a kanina kapa. Binigla nga kasi ako binigla yan tandaan ang word na yan." katwiran ko kahit na alam kung kahit sa sarili ko ay di ko mapanindigan yan kasi nagustohan niya naman ang panglalandi ni Sir. Yung mag pahalik at pasimpleng landian nito na nakakapalimot sa kanya.
"Lira minsan matuto kang magbasa ng kilos ng isang tao. Lalo sa ganitong pagakakataon.
Hinayaan ko nalang mukhang walang pag asang makalusot ako sa mga ito.