4

2069 Words
Kinagabihan ay nagyaya ang mga katrabaho niyang morning shift na mag bar nagtago pa siya para makatakas pero ayun, huli padin siya at syempre kahit umayaw siya ay pagtutulongan siya ng mga ito na isama kaya ito sila party party. Tuwing mga birthday at kung ano ano pang selebrasyon ay dito nila sa bar iyon ginugugol. Kahit pa nga sabihin na magulo at maingay sa ganitong lugar, pero mas nais nilang sa ganitong lugar gugolin ang mga pagdiriwang lalo at malalayo sila sa kanilang mga mahal sa buhay. Nakakahome sick naman kasi yung tipong pag uwe mo sa apartment ikaw lang mag isa ang iinom o di kaya mag sesenti ka ng mag isa. At least sa ganitong lugar marami ang tao para naring nakikipagdiwang sila sa iyong mga pinagdiriwang. Nagkasya siya sa juice lang dahil di naman siya umiinom ng alak lalo at mababa ang kanyang alcohol tolerance. Noong nag aaral pa siya pinainom siya ng kanyang mga kaklase ng alak na muntik pa niyang ikapahamak. Kaya naman ay kahit pinagtatawanan siya ng iba dahil kill joy daw siya ay keri lang. Kaysa naman magkalat siya diba mas kahiya hiya po iyon. Apat na babae sila na magkakasama tatlo na kapwa niya pinay na kasamahan nila sa hotel at ang isa ay kasama nila ang koreana na girlfriend ni Russell. Sanay na sila na lagi itong kasama sa mga lakad nila lalo at mabait ang babae. Pinili nilang pumuwesto sa may bandang sulok para iwas sa mga sumasayaw sayaw. Pag sa daanan ka kasi pumuwesto malamang maraming isturbo at marami rami pa namang tao. Siya nakadress na halter top at medyo nakashow ang cleavage. Di naman daw bastosin sabi ng bakla at wala naman ding makalapit sa kanya. Sa dami ng lalaki nilang kasama na paano sa laki ba naman ng mga katawan ng mga ito e matatakot talaga na lapitan sila. Wala naman na siyang alalahanin kasi tumawag na siya kay Kael na may pupuntahan siya. Mahigpit si Kael sa kanya bukod pa sa pagiging seloso nito na kung minsan e nakakasakal din lalo at di siya sanay na may nagbabawal sa kanya. Naging mas mahigpit pa ito nitong engage na sila ng nobyo niya. Matagal tagal na rin silang magkasintahan ni Kael nakilala niya ito sa pamamagitan ng kanyang bestfriend, sa isang fiesta na pinuntahan nila sa lugar ng kaklase nila nung high school sila. matagal tagal din itong nanligaw sa kanya lalo at wala talaga siyang gusto dito nung una. Natatakot lang siyang tumandang mag isa kaya naman sinagot niya ito nung unang uwi niya sa pilipinas. So far wala namang masabi ang mga magulang niya mabait at responsable ito. Madalas siyang payuhan ng kanyang mga magulang na wag ma pressure sa mga kaedad niya na maagang nag asawa at may mga anak na. Yung mga kaklase nila kasi nagbibilang ng anak siya wala nganga padin. Pero at least magkaka asawa na siya lalo at dalawang taon nalang ang hihintayin niya bago sila ikasal ng kasintahan niya. Nitong huli ay medyo madalang nalang ang pag uusap nila which is pabor sa kanya. Lagi din kasi itong mausisa sa kung ano ano sa kanya at sa buhay niya. Kaya tuloy minsan ay naiinis sa nobyo niya ang mga kaibigan niya napaka kill joy kasi nito. Na kung minsan ay itatanong kung ilan ang lalaki na kasama nila bakit kinakausap ko si ganito si ganyan. Kung minsan napapaisip din naman siyang umatras lalo at matimbang parin sa kanya ang maikasal sa taong mahal na mahal niya, pero nagkasuboan na mamamanhikan na ang mga ito pag uwe niya. Ngayon di sila gaanong nagkakausap gawa nga ng busy diumano ang mga ito sa nalalapit na pagtatapos ng masteral nito. Umaambag din siya sa pag aaral nito ng masteral, sumasahod kasi ito ngunit may mga loans na binabayaran pa, may sakahan kasi na binili ang magulang nito at dun napunta ang loan nito. Ganun naman kasi sa Pinas pag guro karamihan sa kanila ay sa loan kumakapit lalo at mababa lang naman ang sahod ng mga ito. Tapos pahirapan pa kung mag apply lalo kung sa mga maliliit lang na bayan. Pag bagong graduate ka kailangan mo munang mag apply sa mga private schools para magkaroon ka ng dagdag points. Tapos pag apply mo naman ipapadala ka sa mga bukid bukid na part lalo kung wala kang kaalyado sa politika. Ang masaklap pa kung minsan ay di nila tinatanggap pag kalaban sa politika ang pamilya mo. Ganun ang nangyari sa nobyo niya nung una kaya naman kahit ayaw nila na suportahan ang namumuno ay pikit mata nilang sinuportahan para lang makapagturo si Kael. Sa Dalawang taon na pagiging magnobyo nila ay naikwento na din nito na nahihirapan ito na laging linggohan kung umuwe lalo at may kalayoan talaga ang pinagtuturoan nito. Pero sa susunod na buwan ay bababa na ito malapit sa lugar ng mga ito dahil may nag retire na guro. Ganun ang buhay ng isang guro mababa na ang sahod madalas ay thank you pa ang overtime. kaya karamihan sa mga ito ay pinipili na mangibang bansa para matustosan ang pangangailangan ng pamilya. Maya maya ay tumunog ang cellphone niya kinapa niya ang bag niya mabuti at naka vibrate ito, mabilis niyang binasa ang chat na natanggap. Ang apatid niyang bunso ang nagchat si Lara. 'Ate may babae si Kuya Kael' Yun ang mensahe ng kapatid niya na nagdulot ng panlalamig ng buo niyang katawan, mabait ang kapatid niya at alam niyang di ito magsisinungaling sa kanya. Pero parang ayaw niyang maniwala dito o mas tamang sabihin na di niya matatanggap sa sarili niya kung sakaling totoo ang sinasabi nito. Mabait ang katipan at maalaga ayun nga sa mga kakilala niya e napakaswerte ng katipan sa kanya. Maganda daw siya samantalang ito ay di papasa maski sa pwede na. Pandak ito na may kaitiman pa medyo malaki ang ilong at kung minsan ay nanlalaki ang mga mata pero ganun pa man ay maginoo, propisyunal at higit sa lahat e malinis ito sa katawan. Yun ang gusto niya sa lalaki ang malinis sa katawan parang si Sir Dustin. 'Baka kakilala lang o kamag anak niya lang bunso.'sagot ko sa chat nito. Medyo may kadiliman sa bahaging iyon ng bar tumayo ako upang mag cr. Napilitan siyang uminom ng dalawang shot ng tequila ng girlfriend ni Russell kaya naman ay medyo nahihilo na din siya ng konti. Lumakad siya pa puntang cr ng babae which is sa kabilang bahagi pa kaya kailangan niyang baybayin ang mataong bahagi ng bar. Medyo umaandar ang kanyang woman instinct, sabi nga nila malakas ang instinct ng mga babae and boy its not good. Nanlamig ang mga kamay niya na tila ba ay nanikip ang kanyang lalamunan at parang gusto niya agad agad umiwe ng pilipinas at kompirmahin o makasiguro na hindi siya niloloko ng nobyo. Di na kasi maganda ang kutob niya this time. "May kamag anak bang naghahalikan, Ate sana naman ay mahuli mo para ikaw mismo ang makakita wag mong hayaang gawin kang tanga ng pangit na fiancee mo. Di mo deserve yun at alam kung masakit ang maloko kaya lang kailangan mo ring makinig at pairalin ang isip mo." sabi ng kapatid at nang akmang mag rereply na siya ay agad naman na offline na ang kapatid. 'Di magagawa ni kael yun sa akin.' Yun ang sinasabi niya sa isip niya, noong nakaraan ang classmate niyang taga bayan ang nagtanong kung tuloy paba ang kasal niya. Bali balita daw na may ka live in na daw itong buntis at malaki na nga daw ang tiyan ng babae. Ngayon papalakas ng papalakas ang kutob kung may kakaibang nangyayari sa pilipinas partikular na sa nobyo niya. Nang makarating ng cr ay agad na pumasok na siya sa cubicle, isinabit niya ang pouch na dala at ginawa ang mga dapat gawin sa cr. "Omg, did you see Dustin Humpkins? ang gwapo niya Sis." sabi ng isang babae na tila inipit ang kanyang ngalangala sa tinis ng boses nito. "Yeah, what ever! siya na naman ang bagong biktima mo." sabat ng isa. "At sisiguraduhin ko na by next week kasal na kami." narinig niyang boses ng isang babae. "Bakit anong gagawin mo?, will sabagay kaya ka nga pala sumunod dito ay para masilo mo siya." sabat ng isa pang boses. Kahit tapos na siyang gumamit ng cr ay di siya agad nag flash ng ihi niya. Kailangan niyang iligtas ang amo niya sa mga babaeng ito. Ngayon nga ay mukhang nanganganib ang puri ng amo nila. "Simple lang papainumin ko nito," nakita niya ang parang maliit na bote na kasi laki lang ng lagayan ng pang inject. "And then boom my bodyguard is just their to help me then I'll make sure to put it on record then I'll gave it to my dad and knowing my Daddy, he will difinitelly demand weddings and all, Im so excited." nag flush siya at lumabas nasa sulok siya kung kaya naman ay di siya kita ng tatlong babae. Bago siya lumabas ng tuloyan ay muli niyang tiningnan ang pagmumukha ng tatlong hitad mukhang foreigner ang isa ang isa naman ay tipikal na filipina ang isa ay di niya makita ang mukha. Pasimple siyang lumabas at hinanap ng mga mata si Dustin sa dami ng kumpol kumpol na mga tao sa loob ng club ay nahihilo na siya sa kakalinga linga kung saang bahagi ito naroroon. Kinakailangan na mailayo niya ito sa tatlong masasamang nilalang nakita niya si Russell. "O nasaan na yung iba?" malakas niyang tanong dito. Nagtaka pa siya ng makitang wala na ang iba nilang kasama nila. "Umuwe na umuwi kana din, ingat ka di na kita maihahatid." sabi nito na akay akay ang nobya na hinuha niya ay lasing na lasing na din. "Sige ingat din kayo." sabi ko dito. Tumango lang ako pero di ako lumabas hinanap ng mga mapanuri kung mata si Sir Dustin lalo at nakita niya ang babae na tila ba ay hinahanap si Dustin. Nahihilo siya sa mga ilaw lalo at antok na din siya alas dos na ng madaling araw. Nang nakita ko itong susuray suray papuntang isang sasakyan namataan ko naman ang isa sa mga babae sa cr kanina na tila hinahanap ang amo namin kaya naman ay mabilis akong lumapit kay Sir Dustin. Muntik pa akong matumba ng alalayan ko ito malaking lalaki ito kumpara sa height niyang 5'5" lang. Halos mabali ang balikat niya sa bigat nito. "Hey Sir, careful!" sita ko dito. Sa tantiya niya ay medyo marami ang nainom nito hinawakan nito ang baba niya at itinaas marahil ay upang alamin kung sino sya. "Hi there pretty, your here." sabi nito na lalong idinikit ang katawan sa akin. Napakislot pa ako ng maramdaman ko ang tila kuryenteng nanulay sa kalamnan niya kakaiba ang hatid nun sa kanyang pakiramdam. "Sir, okay lang kayo? ay tungak english pala." parang mapuputol ang mga braso niya sa bigat nito. Kaya inayos niya muna ang pagkakaakbay nito sa balikat niya. Naramdaman niya ang pagdikit ng ulo nito sa ulo niya. "Yeah okay lang ako." sagot nito na ikinalaki ng mata ko kandahirap hirap siyang mag english kaninang umaga, tapos marunong at nakakaintindi naman pala ito ng tagalog. "Anak ng tipaklong! nagtatagalog naman pala inubos pa ang english ko."maktol ko bahagya kung inayos ang tayo ko at baka madaganan ako nito kung medyo pumalya ang panimbang niya. "Hatid ko na po kayo Sir." sabi ko dito. "Do you have a car?" tanong nito. "Wala po Sir, mahirap lang po ako magta taxi po tayo." sabi ko dito pero sayang ang sagot ko kasi tulog na ata ito. Maya maya pa ay isang taxi ang dumaan at agad niyang pinara hirap na hirap siya sa kanyang posisyon lalo at may sling bag pa siya at karay karay pa niya ang lasing na amo. Laking pasasalamat pa niya nang makaupo na sa taxi at mai stretch ang kanyang mga binti. "I like your smell." sabi nito na sininghot singhot ang leeg niya nagtayoan naman ang mga balahibo niya sa katawan. Inaayos niya ang upo nito nang bigla nitong inangkin ang labi niya mapusok, mapang angkin, marubdob at maya maya pa ay nakayakap na din ang kamay nito sa beywang niya. Halos lumuwa ang mata niya sa gulat at nang pakawalan nito ang labi niya ay napaayos siya ng upo. Pag tingin niya dito ay natulog na uli. Gone her first kiss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD