chapter 8

2053 Words
"Alam mo Neng, di mo mahal yang fiancee mo." si Ate Bikay na mukhang serious ang aming balitaktakan ngayong gabi lalo at day off nila. "Yan na nga ang iniisip ko Ate Biks na baka napressure lang tong Babaeng ito. Isipin mo di pa sila nag kikiss magpahanggang ngayon hello nasa 21st century na po tayo at mag fiancee pa sila sa lagay na yan. E kami nga nobyo palang namin e give away na lahat di na uso ang virgin. Tapos ikaw maski dulo ata ng daliri mo ay di pa na touch ng chacka mong fiancee ahay at least gwapo ang first kiss mo." si Ate Susan uli. "Ay bet ko tapos magpa chukchak ka na rin kay Sir bakla ducks yan malamang may lahi e, para di ka magsisi diba marating mo ang langit baka lumagpas kapa." si Yuhan na mabilis kung nabato ng tsenilas ko. At dahil likas na dito ang pagiging tinikling mabilis nitong naiiwas ang sarili mula sa tsenilas. "Lapastangan talaga ang dila mong baklita ka. Turoan mo pa ako ng kasalanan." asik ko dito. "Halika dito sa harap ko Lira at magkakalinawan tayo. Para peace of mind baka sakali lang na magising ka at matauhan at nang maisalba ka namin sa pagpapakasal dun sa Pael na yun." si Ate Biks. "Anong lilinawin? tsaka Kael po Ate Kael hindi Pael." tanong ko. "Ang maagiw mong utak hala Kael na kung Kael sige nga anong nagustohan mo dun sa pangit mong fiancee?" tanong ni Ate Susan. "Mabait, may maayos na trabaho, propesyunal, maginoo at alam kung di ako magugutom dahil nga may trabaho na." sagot ko dito na nagtinginan ang mga ito ng makahulogan. "Nakakaramdam kaba na tila di ka mapakali pag nasa tabi mo sya? like gusto mo siyang halikan ganun?" tanong ni Russell. Tiningnan ko kung seryuso ito sa tinatanong sa kanya ngunit natanto niyang seryuso nga. "Ano ako manyak? ang harsh mo a bakit kailangan ba kiss ng kiss pag may nobyo? sa amin naman kasi pag nandyan siya ang mga plano sa buhay ang pinag uusapan namin. At saka parang bisita lang ganun walang ilangan na nararamdaman at ease ako sa kanya." sagot ko. "Kay sir ba at ease ka?" tanong ni Yuhan na nakahalukipkip sa may pinto malapit di pa nakabihis pero may dala dala nang pinggan ng pagkain. In fairness hindi siya masiba a. "Kay sir Dustin? nakakailang syempre amo natin tsaka di ako makatingin ng deritso sa kanya para akong kakainin e. Tsaka ewan ko wala naman siyang ginagawa e lagi naman akong kinakabahan pag nandyan siya e." sagot ko. "Confirm! hala kumain kana." sabi ni Ate Susan sabi nito sa mga katabi bahala sila ano ba kasi ang mga pinag uusapan nila kaloka etey. "A-anong confirm? kumain na kami ni Sir." nagtataka kung tanong. "Basta kami na ang nakakaalam nun ayee love na love siya ni Sir ayaw magutom! anyway yung kapatid mo tumawag may nakakita daw sa fiancee mo sa munisipyo sa kabilang bayan may kasama daw na buntis. Mukhang nagpakasal na yung pangit mong fiancee." sabi ni Yuhan na tila pinakikiramdaman kung ano ang masasabi niya sa balita kinabahan siya bigla pero parang wala lang. "Baka kamag anak niya lang." sapantaha ko kahit kinabahan ako bigla hello sana naman walang basehan ang mga pa kaba kaba ng dibdib ko. Di niya kasi alam kung kakayanin nya na e take ang ganung scenario. Tsaka malaki laki na din ang ambag niya sa pag masteral nito nung nakaraan dinaig niya pa ang sugar mommy sa pa donate niya para sa pag aaral nito. "Ay asus gising gising din pag may time hala pasok na sa loob at balik ka dito pag nakabihis na nang mabrainwash ka naman at napaka manhid mo e. Naku magtiyaga tiyaga ka na nga lang sa mga manloloko na nga pangit pa." si Ate Biks na kilalang walang preno ang bunganga. Pumasok naman ako sa aking silid matapos na mailapag ang mga gamit niya ay umupo muna siya sa vanity mirror at pinasadahan ng suklay ang buhok niya. Mabilis akong nagpalit ng pambahay isang shorts na itim na papasang pang tolog. Nang makalabas ako ng aking silid ay nandun padin silang lahat nag uumpokan parin naman malamang nag aabang ng mga mainit init pang balita mula sa kanya. Sa ngayon e tahimik na naghihintay ang mga ito kanya kanyang pinagkakaabalahan may nag se selpon may nag pedicure at manicure may nag babasa ng comics at may nag chess may nagbabaraha din syempre. "Nga pala guys pagbabakasyonin daw ako ni Sir with pay." sabi ko bigla bago umupo sa may misa kung saan kami kumakain madalas. Dahil umiinom si Gina ng tubib ay muntik pa nitong mabugahan si Russell. "Kadiri naman tong babae na to! yuck laway!" asik nito na nagpunas ng sarili di pa nakontento at pumunta sa lababo at naghugas ng sariling mukha at mga braso. "Sorry naman na shock lang. Bakit daw e diba kakauwe mo lang last year wala pang anim na buwan ah." si Gina na kunot na kunot ang noo. "Di ko alam e baka sesante na ako," sagot ko dito na nakikain sa corn chips na kinakain nito."Ate Tin pahingi ng soft drinks." sabi ko sa kasama nilang may soft drinks na dala palagi. "Hoy bruha magkaiba ang bakasyon sa sesante kami ba? wala ba siyang nababanggit?" tanong ni Tin. "Bakasyon kana daw Tin, habang buhay wala kanang babalikang trabaho pag balik mo." tumatawang sabi ni Ronald. "Sus maryusep sige si Mrs. Humpkins lang pala ang pwede ilang linggo ba?" tanong ni Ate Biks. "Mga apat na linggo daw." sagot ko. "Padala nalang ako ah lalagyan ko na ng pangalan para walang away." si Yuhan sa lahat kasi ito yung di umuwe nung nakaraan nung uwe niya nagpadala din ito kaya lang kinamkam ng kapatid niyang isa sinu solo nito kaya ayan may nametag na. "E kung kakabakasyon mo lang nung nakaraan e di poorita kang uuwe niyan?" si Gina walang tigil sa kakanguya ng kutkutin. "With pay naman daw at allowance aayaw paba ako? diba so ayun grab na." sabi ko na itinaas ang nangangalay na mga binti. "Alam mo ikaw pagupit ka nga! haba haba na ng hair mo! shala ng Lola natin dito may pabakasyon na nga with pay na nga may pa allowance pa." si Yuhan na tinatouch touch at kunwari sinabunot sabunot ang buhok niya. "Tsee pambawi niya lang yun." depensa ko. "Pambawi saan?" takang tanong ni Ronald. "Kasi nga muntik nang mapikot si Sir nung nakaraan kung di ako dumating." sabi ko parin. "Grabeng pambawi naman yarn, ang tolog mo kanina sa penthouse ano ang tawag dun? incentive? kuh Inday wag tayong masyadong clueless. Baka malaman laman nalang namin e may laman na yang bahay bata mo." si Gina na nakatingin ng makahulogan sa kanya. Alam niyang concern lang ang mga ito. "Alam naman ni Sir na may nobyo na ako tsaka friends lang talaga ang pwede lalo at may fiancee ako. Pag uwe ko balak ko ngang i surprise si boyfie e." sabi ko umismid naman ang mga ito lalo si Ate Biks na itinirik pa ang mata. "Naku baka ikaw pa ang ma surprise. At ikaw pag true ang lahat ng duda namin sa pangit mong fiancee a. Wag na wag kang magsasayang ng ni isang patak ng luha ah, malaman laman ko lang kakalbohin kita at ipapadala sa kama ni Sir." Banta ni Yuhan. "Yes Ma'am!" aniya na sumaludo pa dito. "Balak ko nga sana na i postpone muna ang kasal para makapag prepare kami." sabi ko na nakatunganga sa mga ito. "I cancel mo nalang yun ang pinakamaganda mong gawin." si Ate Biks. "Ate Biks naman baka di na ako makapag asawa niyan." maktol ko. "Yan yung problema sayo. Hoy Lira manalamin ka nga ang ganda ganda mo tapos magpapaka martyr ka sa pangit na yun? di ka tatandang dalaga si Sir Dustin ang bahala sayo." sabi ni Ate Biks na pinandidilatan ako. Alam ko deep inside nandiyan ang pag asam na magkaroon din ako ng pamilya ng mga anak. Kaya naman ay pursigido talaga siyang maikasal. Ilang buwan lang naman ang hihingin niyang panahon then after ay papayag na siyang maikasal sila. "O siya magsitolog na tayo at may mga pasok pa ang iba." si Russell na tumayo na. Kaya nagsitayoan an sila at nagkany kanyang pasok sa kanya kanyang silid. Nang gabing iyon ay tinawagan niya ang bestfriend niya at kinumusta niya maging ang nobyo niya. Ayon pa nga dito ay maayos naman at yun nga daw nangangailangan na naman ng pera si kael para sa nalalapit na exam. Di man nag hingi ng hayagan ang katipan ngunit alam niyang sa kanya ito tatakbo para sa kaperahan kaya nagtabi na siya ng pera. Ngayon mas dapat na magkaintindihan sila lalo at malapit na ang kanilang pag iisang dibdib. Nagpa kulot na siya ng buhok niya nung nakaraan pinakulayan niya pa ng burgandy ayun sa mga kasamahan ay lalong lumutang ang pagkaputi niya at lalong bumata ang mukha niya biro pa nga ni Yuhan ay. "Di halatang sugar mommy ka!" sabi nito na inaasar siya ngunit tinawanan niya lang ito. Alam niyang di siya maiintindihan nito kasi nga diba di pa naman ito mag aasawa. Kailangan na niyang baguhin ang kanyang mga gawi para maging maayos ang buhay nila bilang mag asawa. Siya kasi inuumpisahan na niyang i set sa utak niya na ikakasal na siya na kakailanganin na niyang i embrace ang bagong buhay na kasama si Kael. At kailangan na ang goal nalang niya ay naka focus kung paanong ihandle ang mga next situations ng maayos. "Umatras ka sa kasal mo habang maaga pa." yan ang payo ng mga magulang niya nitong huli ay ganun ang payo ng mga ito sa kanya di niya alam kung takot lang ang mga ito na di na siya tumulong sa pamilya niya kung magsama na sila. Nangako naman siya na kahit may asawa na siya ay magbibigay parin siya lalo at magulang niya parin ang mga ito. "Ayokong magsisi ka sa huli anak magpakasal ka sa taong gusto mo. Hindi yung dahil lang sa na pressure na kasi lalagpas kana sa kalendaryo. Kasi iba ang pagsasama ng nagmamahalan na mag asawa kaysa ganyang walang love na involved." yun ang sabi ng ina niya maging ang mga kakilala at kaibigan ay ganun ang payo will minsan napapaisip din siya. Kaya lang ay nagkasuboan na so papanindigan na niya kumbaga huli na ang lahat. "Kasi nga Ate Lira ang chacka naman kasi ng taste mo sa lalaki baka unggoy ang maging lahi niyo niyan." birada ng kapatid niya na mabilis na kinurot ng nanay niya. Di naman kasi sa namimintas ang mga ito at di naman siya bulag nakikita naman niya na pangit naman talaga. "Bakit ba Nay, e sa totoo naman." nakangusong reklamo nito na kinakamot ang kinurot ng nanay nila. Masakit pa naman ang kurot nito lalo at mahaba at matalas ang mga kuko nito. Dati nung elementary hanggang high school ay lagi itong nakaabang para mangurot lalo na kung maligo sila sa ilog o talon na malapit sa kanila. Pinagkikibit balikat niya lang ang opinyon ng mga ito. Hanggang sa ito nga habang papalapit ang kasal nila e di niya maramdaman ang excitement. parang nagdadalawang isip tatlong isip pa nga e minsan naiisip niyang tawagan ang katipan at ipaurong o postponed muna ang nalalapit na kasal total wala pa namang nauumpisahan sa mga preparasyon pero gusto niyang klaro ang lahat. Nang gabing iyon ay laman ng panaginip niya ang kasal niya. Napakaraming tao nakatalikod ang groom niya nang malapit na siya sa altar ay ganun nalang ang gulat niya ng si Dustin ang kanyang groom. Sa panaginip niya ay nag jump agad sila sa honeymoon kung saan ay naghahalikan sila at kapwa hubad. Kaya naman nang araw na yun ikinwento niya kay Yuhan ang panaginip niya. Maliban syempre sa honeymoon part ayaw niyang ma tsismis na manyak o malibog. "Baka naman kasi iniisip mo si Sir. Baka pati honeymoon nyo e iniimagine mo na din." pagbibiro nito. Na ikinapula ng mukha niya kasi di ito nagkakamali dahil mahalay ang kanyang naging panaginip. "Puro ka naman kasi kalokohan e." maktol ko hanggang sa trabaho ay laman ng isip niya iyon. Nagugulohan siya sa mga paramdam at paandar ng Boss nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD