Ilang araw bago ang uwi niya ay namili siya ng mga pasalubong niya sa mga kapatid. Di nawawala ang walang kamatayang chocolate na ipapamigay sa mga tsismosang kapitbahay at kamag anak. Yung mga dating nanlalait lait sayo nung dukha kapa sa paningin nila.
Yung dapat ma impatso sila sa chocolate ng ma realize nila na dapat di sila maging ganun ka judgemental sa mga kapitbahay kasi bilog ang mundo. Pwedeng ngayon sagana sila baka bukas ikaw naman.
Bumili siya ng pabango para sa mga kapatid niya. Nung nakaraang uwe niya e tatlo lang ang dala niya ang ending nagtampo ang kapatid niyang bunso. Sapatos para sa Tatay niya at pabango na din awa ng diyos ay isang buwang sahod lang naman niya ang naubos sa pera niya. Pero isang salamat lang ang kapalit nun e masaya na siya di yung may kasama pang lait at baka maihampas niya ang bagahi niya sa mukha.
"Here, Mr. Humpkins want to give it to you." sabi ng delivery boy na nabungaran niya. Kausap ito ni Ate Bitsay at ni Gina.
"Ah okay, what is this?" tanong niya dito isang bag ng chocolate na may logo pa ng isang mall sa tantiya niya ay mamahalin.
"Just sign here Ma'am I am just a delivery personnel." sabi nito sa barok na pananalita mukha itong Indiano na Indonesian di niya ma identify.
"Ah okay thank you." sabi ko nalang matapos iabot ang log book na pinermahan niya. Nang mapuna ng dalawa ang pag ngiwi ko ay tinulongan ako ng dalawang tsismosa na buhatin ang bag.
"Wow may pa chocolate na si Sir ayee." pang aasar ng mga ito.
"Ngee di ko pa nga alam kung akin ba ito. Baka ipapadala niya sa Pilipinas taga roon naman ang pamilya ni Sir." sabi ko na inuusisa ang packaging.
"Si Sir? taga Pilipinas?" sabay na tanong ng mga ito.
"Oo bakit di niyo din alam? magaling magtagalog si Sir." sabi ko sa mga ito.
"Omg di ko nasagap yun. Akala ko british si Sir kasi pakagwapo at mukhang alam mo na daks." sabi ni Gelo.
"Daks? ano yun?" taka kung tanong dito.
"Duhh malaki ang hinaharap mataba at mahaba ang sandata! ganern." sabi nito na pilyang ngumisi. Nang ma gets ang sinasabi nito ay namula siya shetti talaga tong mga balahura at balasobas na mga bruha daming nalalaman.
"Paano mo nasabing malaki ang hinaharap ni -Sir?" tanong ko dito.
"Ayee interesado siya." panunukso ni Gina.
"Gaga di no nagtatanong lang e." katuwiran ko.
"Nung nakaraan na nag pose siya para sa isang magazine ay Mama hulmang hulma ang kanyang future ang taba, ang haba at ang laki laki!" si Yuhan na nag appear pa ang dalawang bakla.
"Grabe kayo pati yun nakita nyo pa." reklamo ko.
"Sus birheng maria di kami kagaya mo no. Sinasabihan ka na namin para di kana ma surprise pag nag jugjug na kayo ni Sir diba at least may idea kana na malaki ang sasaksak sayo diba." si Ate Bitchay.
"Mga siraulo! wag nyo nga pinupolute ang utak ko at-" di ko na naituloy ang siansabi ko dahil may tumawag.
"Hello?" taka kung sagot sa tawag it comes from unknown caller.
"Did you recieve the chocolates?" tanong ng nasa kabilang linya, na ikinamulagat niya its Sir Dustin.
"Yes Sir. Para saan po yon?" tanong ko.
"Its for you pasalubong sa family mo see you tomorrow bye." sabi nito bago pa man ako nakasagot ay patay na.
Toot toot
Maaga palang ay naligo na siya baka maaga pa siyang sundoin ni Sir Dustin. Di nga siya nagkamali dahil ilang oras pa bago ang flight nila pero sinundo na siya agad nito.
"Lets go!" sabi nito siya naman ay sunod lang ng sunod dito lalo at libre lang siya nito. Nag picturial pa sila sa mga madaanan nila nagulat pa siya ng halikan siya nito sa labi habang nagpakuha sila ng larawan sa isang local doon.
"Sir naman, bakit ba panay ang halik nyo? alam nyo naman na may fiancee na ako." reklamo ko.
"Okay I will just wait till you cancelled the wedding." sabi nito na inakay na ako papuntang airport.
Sakay siya ng eroplano its not the first time pero feels like first class kasi and take note kasama niya si sir Dustin sa biyahe. Pag sakay nila ay tahimik na itong natotolog the whole period ng biyahe.
Siya naman ay ito kinakabahan na iwan niya sabagay ganito naman lagi ang feeling pag umuuwe siya. Excited siyang makita at mayakap ang mga mahal niya sa buhay. Tapos paalis palang ang eroplano ay gusto na niyang palapagin na agad mga ganung feels.
Tapos kunwari ang dami dami kung datong papainggit sa mga tsismosa na akala lagi e tumatae ng kaperahan ang mga OFW sarap lasonin.
Her vacation is un announce so surprise excited na siyang makita ang reaksiyon ng kanyang mga kapatid at magulang. Mula kahapon ay di na siya komuntak sa pamilya niya may binigay pang pa travel allowance tong may saltik niyang boss san kapa diba kaya naman may maiiwan pa siyang pakimkim kay Mother earth niya.
Lahat nagtaka ng bigyan siya ng vacation leave kaya inisip nalang niya na pasasalamat nito iyon sa kanya sa pagkakaligtas niya mula sa nakatakdang pagkapikot nito ang lahat kaya naman yun na din ang idinahilan niya. Kahit pa ang iba e may mga opinyon na kesyo may something sila ni Dustin na kesyo nilalandi niya si Sir Dustin.
Haysst sana all marunong lumandi di sana mas gwapo ang fiancee na napili niya kung nag linandi lang siya nung araw. Plano niyang kausapin ang fiancee pag dating na pagdating niya para ma i postpone muna ang kasal. Gusto niya munang makilala pa nila ang isat isa at makapag isip isip na din siya.
'Sabihin mo para makalandi kapa Dyan sa katabi mo.' ang mahadera niyang isip.
Di niya alam kung ano ang iisipin niya sa mga actions ng amo kasi kung instinct niya ang paiiralin niya. Nakakaramdam siya na may kakaiba lalo sa mga salita nito na may palaman at pahaging yun bang ramdam kung espesyal ako. Pero dahil sa agwat ng buhay e gusto niyang isipin na ganun lang ang ugali talaga nito.
"What's with the sigh?" usisa ng gwapo sa tabi tabi na gising na pala at nakatunghay sa kagandahan niya.
"Nothing Sir." naiilang na sagot ko hiniram nito ang cellphone ko kanina akala ko kung ano ang gagawin naglaro lang naman sa cellphone ko. Tapos ayon dito save ko daw ang number niya kaya palitan kami ng numero.
"Before we go back to singgapore I'll contact you or might as will call me instead " sabi nito pagkakuha namin ng mga bagahi namin siya dahil likas sa pinoy na pag uwe ng pinas e dami pasalubong kunwari dami pera haha tapos ang totoo bigay bigay lang. Hirap siyang buhatin ang isang bag na puno ng pasalubong kaya naman ay ito na ang bumuhat. Ito na din ang nagsakay sa taxi na kinuha nito. Nagulat pa ako pag harap ko ay sinalubong ako ng isang madiin at mabilis na halik.
"Tsup!" mabilis na halik sa labi niya pero nag iwan ng aftershock sa kanya agad siyang sumimangot ng basta nalang itong tumalikod sa kanya at naglakad na tila ba ay di ito nagnakaw ng halik sa kanya.
'Ang hilig magnakaw ng halik.' himutok ko. Pero hindi ako nakaramdam ng inis sa ginawa nito na tila ba ay normal na naming ginagawa.
Napailing nalang siya dali dali na siyang lumabas ng airport at may isang oras pa siyang biyahe pauwe sa kanila.
Ilang sandali pa ay sakay na siya ng grab medyo may kamahalan pero mas safe ang pakiramdam niya. Lalo at nasend pa niya kay bakla ang plate number at hitsura ng driver.
Saktong dating niya sa tarangkahan ng bahay nila ay nag aagaw na ang liwanag at dilim. Nag sasampay ang nanay niya sa may balkonahe ng bahay nila kung dati e kawayan ang kanilang balkonahe ngayon ay sementado na.
Ang tatay naman niya ay ayon at naninigarilyo sa may baba habang nag papakain ng mga alagang bebe nito. Nang sumilip siya sa kusina ay nagluluto ang kapatid niya ng haponan mukhang timing na timing nag dating niya.
Walang tarangkahan ang gate nila kaya naman ay di na naramdaman ang pagpasok ko wala pang aso kaya naman.
"Surprise!" sigaw ko.
"Ay putakti!" si Tatay na nabitawan pa ang sigarilyo buti at namatay ang sindi. Baka maging mitsa pa ng sunog ang upos nito.
"Uy mercy bumaba ka dini at ang anak mo." maya maya lang ay nagtakbohan na ang mga ito. Maging ang mga kapatid ko na kambal.
"Ate!" sigaw ng bunso namin na dalaga na din.
"Susko po, Lira anong nangyari? natanggal kaba sa trabaho?" bungad ni Nanay na nanlalaki ang mga mata.
"Naku hindi ho Nay, pinagbakasyon ako ng Boss ko." sagot ko.
"E diba kakauwe mo lang nung nakaraan? o hala pasok muna at nang makapag pahinga ka." si Tatay halata naman ang tuwa sa mukha nila na dumating ako.
"Ate magsabi ka nga ng totoo anong nangyari at bigla kang umuwe?" si Lorraine na nakauniporme pa.
"Yun nga ang nangyari sinama ako ni Sir pauwe. Di ko din alam kung ano ang trip niya sa buhay nagulat din naman ako e." sabi ko sa mga ito.
Di sila magkandaugaga sa pag usyuso kung ano ang nangyari? kasi feel ko na di sila naniniwala na walang dahilan ang uwe ko. Syempre di ko din alam pero susulitin niya na talaga ang bakasyon na ito. Lalo at baka sunod niyang uwe e kasal niya na ang uuwian niya diba.
"Nga pala nay nagawi ba dito si Kael?" nagtinginan ang mga ito na wari bay may di ako dapat malaman. Si tatay ay napaiwas ng tingin ngunit nakita ko ang pagtiim ng bagang nito. Kita ko din ang galit na lumarawan sa mukha ng Nanay at mga kapatid niya. Malamang ay nakarating sa mga ito ang tsismis tungkol diumano sa nobyo niya.
"Hindi na at ang huling punta nun dito ay noong uwe mo lang. Malamang ay abala na yon sa babae niyang ibinabahay lalo at buntis na." si Lezzeth na nakairap
"Lezzeth naman alam kung sa simula't sapol ay ayaw nyo kay Kael pero sana wag muna nating husgahan. Hayaan mo at kung talagang totoo ang tsismis ako mismo ang sasampal sa kanya. Sige bukas i surprise ko nalang kasi gusto ko ding malaman ang lahat at marinig mula sa kanya ang katotohanan lalo at marami na ring nakakarating na mga kwento sa akin." sabi ko.
Alam kung sa ngayon ay di ko maiiaalis sa kanila ang magduda lalo at kilala ng lahat na ikakasal na sila. Kaya ang isyo ng pagkakaroon diumano nito ng babae na nabuntis ay malaking kahihiyan sa parte ko lalo at todo pintas pa naman ang mga pamilya ko dito. Tapos todo ang pagtatanggol ko at syempre ang mga ginastos ko para dito ay di rin biro.
Masaya parin talaga yung kapiling mo ang pamilya mo kaya naman thankful siya kahit may saltik konti ang amo. Kasi naman this is it bukod sa walang isturbo ay makakatolog na din siya sa oras. Magkabonding silang magkakapatid nang gabi ay nagkatuwaan silang uminom ng alak na sila sila lang. Pati ang nanay nila na di umiinom ng alak ay napilit nilang uminom.
"Anak bago mo pakasalan yang nobyo mo kilalanin mo muna. Wag kang padalos dalos lalo at matanda na kami ni Nanay mo. Ang sa amin lang di ka namin pipigilan na lumagay sa tahimik aba nasa tamang edad ka na din naman kaya lang e iba parin kung nasa tamang lalaki ka." makahulogang sabi ni Tatay na medyo namumula na sa dami ng napatumba naming alak.
"Oo Tay alam ko naman po yun. Hayaan nyo at bukas magtutuos kami ni Kael. Kinakailangan ay mapatunayan niya na di totoo ang mga kumakalat na tsismis tungkol sa kanya. Nae stress na din po kasi ako Tay." sabi ko na muling tumagay.
"Alam mo Ate, Di na yan kailangan maghanap ka nalang agad ng kapalit, mahirap yung ganyang malayo kana nga mapapaisip kapa. Kung matino siya e sana di kana pinaalis diba at pinakasalan kana agad. Pero sadyang may kakapalan ang mukha lang talaga ng pesting yun!" si Loraine na halatang nakainom na.
Nang gabing iyon ay ipinangako niyang pupuntahan ang nobyo kinabukasan at kailangan niya ng kasagutan sa mga tanong na umuukilkil sa kanyang isipan.