Chapter 80

1007 Words

"FEEL AT HOME." Ani Dos, hustong makapasok na kami sa condo unit niya. Inihagis lang nito ang susi ng sasakyan sa nadaanang center table, pagkatapos ay dumeretso na sa kusina, na halos kanugnog lang din naman ng sala. Iginala ko ang aking tingin sa kabuuan ng lugar. Hindi na ito ang kaparehong condo, kung saan ako nito dinadala dati, at well... kung saan nabuo si Thirdy. Ang isang ito ay mas malaki. Mas moderno. Mas mukhang mamahalin. Sa isang tingin pa lamang, ay alam mo na kaagad na isang may sinabing tao ang may-ari ng unit. Bawat sulok ng lugar ay naghuhumiyaw ng karangyaan. Lahat ng kagamitan na makikita mo sa paligid ay alam mo kaagad na kayamanan na ang halaga para sa isang ordinaryong tao. Pero kahit na anong ganda, at mahal ng unit na ito, kung ako ang tatanungin, ay mas gu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD