Chapter 9.5

1202 Words
"IMPOSIBLE." Inangatan lang ako nito ng isang kilay. "Nagpunta ako rito." Giit ko. "Ni walang bakas na may tao sa buong bahay. Ang tagal ko pang kumatok at naghintay sa labas." He scoffed. And then shook his head. "Dahil wala talagang tao." Kinunutan ko ito ng noo. Kanina lang ay sinabi nito na nandito siya, ngayon ay sasabihin naman nito na walang tao? Niloloko ba ako nito? "Niloloko mo ba ako?" Hindi napigilang bigkas ko sa laman ng isip ko. Ang dalawang lalaking nasa paligid namin ay tatawa-tawa. Hindi itinago ang pagka-aliw sa nagaganap na diskusyon. "Manloloko ka pala, Paps, eh." Kantyaw pa rito ng isa. Ang isa ay humagalpak naman ng tawa. Inirapan ko ang mga ito. Sinamaan naman ng tingin ni Dos ang mga ito. Tila hindi naman inalintana iyon ng dalawang lalaki. Ang lapad pa rin ng nakaka-inis na ngisi sa mga labi ng mga ito. Napailing na lamang ang una dahil doon. Pagkatapos ay muling bumaling sa akin. "You came, almost an hour, earlier." Lalong nangunot ang noo ko. "Ano'ng ibig mong sabihin?" "I came here at eight forty five. Ang nasa isip ko kasi ay alas nueve pa naman ang oras ng usapan natin." Nagtaka ako sa sinabi nito. Kauuwi niya kang ng eight forty five ng umaga? Saan ito nanggaling? Hindi ba ito rito nakatira sa magulang niya? O, ang mga magulang nito ang hindi rito nakatira sa bahay niya? Iyon ba ang dahilan kung bakit parang ang payak ng bahay na ito, kumpara sa bahay na nababagay para sa estado nito sa buhay? "Hindi ka rito natulog?" Wala sa loob na tanong ko. "Saan ka nanggaling?" Inangatan na naman ako nito ng isang kilay. Napaiwas ako ng tingin at parang gusto pang mapahiya sa klase ng tanong ko. Bakit ko nga ba kailangan pang pakialaman kung saan ito nanggaling? O, kung saan ito natulog? Hindi na iyon sakop ng responsibilidad ko rito. Ang obligasyon ko lang ay turuan ito sa loob ng dalawang linggo. O, dalawang buwan, katulad ng napagkasunduan namin na gagawin ko, hanggang sa magsara ang klase. Wala na akong pakialam sa mga personal nitong mga aktibidades na walang kinalaman sa academics nito. "P-pasensya ka na." Hindi pa rin nakatingin dito na ani ko, sa maliit na tinig. "Hindi ko na dapat itinatanong ang bagay na--" "Galing ako sa bahay namin." Putol nito sa sinasabi ko. Bumalik ang nagtataka kong tingin dito. "Hindi ito ang bahay n'yo?" Huli na bago ko naisip na naman ang tanong ko. Napapahiyang lihim kong nakagat ang dulo ng dila ko. Kung minsan talaga ay kusang sumusingaw sa katawan ko ang pagiging Maritess ko, eh. Mabuti na lang at parang wala lang sa kausap ko ang pag-uusyoso ko sa buhay niya. "Hindi dito ang bahay ko." Kaswal at tila walang ano mang ulit nito sa sinabi ko. Derektang nakatingin sa akin. Tila pinanonood ang pagsasalimbayan ng mga emosyon sa mukha ko. "Kaninong bahay, 'to?" "Sa amin?" Sagot ng isang kaibigan nito. Napabaling ang tingin ko rito. Kita naman ang amusement sa mga mata nito, pati na rin ng isa pa nilang kaibigan. "Sa iyong bahay 'to?" "Hindi." Nakangisi na ito nang sumagot. Sinimangutan ko ito. Pagkatapos ay lumipat muli ang tingin ko kay Dos na nakatingin pa rin sa akin. "Pinaglololoko n'yo ba akong magkakaibigan?" Naniningkit ang mga matang tanong ko rito. "Miss, hindi ako manloloko, ha!" Pang-asar na sagot na naman ng isa. "Si Dos lang 'yon." Pinaningkitan ko ito ng mga mata. Si Dos ay umangat ang gilid ng mga labi. Napipikon nang napailing na lamang ako. Pakiramdam ko kasi ay pinagkaka-isahan ako ng mga lalaking kaharap ko. Parang natutuwa ang mga ito na nagugulo nila ang isip ko. Humugot ako ng malalim na paghinga at saka dahan-dahang pinakawalan din iyon. Pinilit ko na kalmahin ang sarili ko. "Okay na." Walang kangiti-ngiting turan ko, kapagkuwan. "Hindi na importante kung kaninong bahay 'to. Ang importante, nandito ka na ngayon..." "Ooohhhh! Sweet..." Narinig kong kantyaw na naman ng isa sa mga kaibigan nito. Lihim ko na lamang itong inirapan sa isip ko. Kilala ko ang mga ganitong tipo. Alam ko na mientras akong nagpapakita ng pagkapikon dito ay lalo lang ako nitong aasarin. "So, pwede ba ba tayong mag-start?" Kay Dos pa rin nakapako ang seryoso kong tingin. "For the record, this house is ours." Pabuntong-hiningang himig paliwanag nito. "Tambayan namin itong magkakaibigan. Nag-ambag-ambag kami para bilihin ito." Nilinga pa nito ang dalawang kaibigan na nakangiting tumatango-tango habang kapwa sa akin nakatunghay ang tingin. "So technically, wala talagang isang may-ari nito sa amin. Sa amin itong lahat." So, ito ang sinasabi ng mga kaibigan nito na tambayan, kahapon? Bumalik na ang kuryosidad sa isip ko, ngunit mas pinili kong manahimik na lamang. Hindi rin ako nagpakita ng kahit na anong emosyon sa mukha. Hindi ko rin inaalis ang tingin ko kay Dos. Naiirita talaga ako sa ngisi ng mga kaibigan nito. Lalong-lalo na roon sa isa. Kung pwede ko lang lamutakin ang nguso niyon para mapalis ang nakakalokong ngiti, ay ginawa ko na. "Pwede na tayong mag-umpisa?" Sa halip na mag-usisa pa, ay tanong ko na lamang dito. Tumungin pa ako sa relo kong pambisig. "Nine fifteen na." Nagkibit ito ng mga balikat. "Sure." "Saan tayo?" Saglit kong nilingon ang dalawa nitong kaibigan na lalong lumapad ang mga ngisi. Narinig ko pa ang isa na nagkomento ng, excited. Pero hindi ko na lamang iyon pinansin. "May office-library ang bahay na ito. Gusto mo doon lang tayo?" Mahina akong tumango. "Huy, Papsi, hindi kayo pwede r'on! May CCTV d'on." Sabad na naman ng kaibigan nito. "Ang laki-laki ng kawarto mo, sa library kayo pupwesto?" Masama ang tingin na binalingan ito ni Dos ng tingin. "Fvck you." "Oh, Papsi, bakit ako? Hindi ba siya?" Hindi ko naman maiwasang mag-init ang mga pisngi nang maisip ang indikasyon ng sinabi nito. Iniisip ba ng mga ito na.... Awang ang mga labing napatingin ako kay Dos. Nang maramdaman marahil nito iyon ay bumaba ang tingin nito sa akin. Nangunot ang noo nito nang makita ang ibinabadya ng mukha ko. Para na kasi akong maiiyak. Iniisip ba talaga ng mga ito na kaya ako nagpunta rito ay dahil isa ako sa mga babae ni Dos at gagawin namin ang bagay na iyon? Tila naman nabasa nito ang laman ng isip ko. Kakamot-kamot sa dulo na kanyang kilay at napapapalatak na binalingan nito ang dalawang kaibigan. "Hindi kami, okay?" Pagka-klaro nito. Nag-angatan naman ang mga kilay ng dalawa. Anyong hindi naniniwala. "Siya iyong sinasabi ko na magtu-tutor sa akin, habang suspended ako sa school." Ang dalawa ay laglag ang pangang sabay na napabaling sa akin. "Gàgo ka ba?" Tila nagulat na tanong ng isa. "Eh, matanda ka pa diyan, eh!" Pabalewalang nagkibit ng mga balikat si Dos. "None of your business." Umangat ang gilid ng mga labi ng isa. "Baka naman monkey business?" Inismiran din ito ni Dos. "Pares mo naman ako sa 'yo, gàgo!" Tinawanan lang ito ng dalawang lalaki. Nang yayain na ako ni Dos patungo sa sinasabi nitong library ng bahay at mawala na paningin ko ang dalawang kaibigan nito, pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag. Ngayon ko lang napagtanto na nakakapagod palang makipag-usap kapag mga gàgo ang kausap mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD