Chapter 101

3020 Words

NAG-ANGAT AKO NG TINGIN sa may direksyon ng pintuan nang marahan na marahan iyong bumukas. Tila ingat na ingat ang nagbukas niyon, na hindi makagawa ng kahit na ano mang ingay. At katulad ng inaasahan ko ay iniluwa niyon si Dos. Tanging ang ulo lang nito ang isinilip nito sa maliit na siwang lamang na ginawa nito sa pintuan. Nagtama ang aming mga mata nang nauna itong tumingin sa direksyon ko. Napapangiwing sandali ko munang sinulyapan ang anak ko, bago ibinalik ang mga mata rito saka mahinang umiling-iling. Nalaglag ang mga balikat ng lalaki, na alam kong naintindihan ang ibig sabihin ng inakto ko. Lumipad din ang tingin nito sa anak na nakaupo pa rin sa may paanan ng kama, at nagbubuo ng kabibili pa lamang kanina na Lord of the Ring inspired Lego. Seryosong-seryoso ito sa ginagawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD