Chapter 100

2614 Words

"IS IT TRUE, MAMA?" Mula kay Dos ay lumipat sa akin ang nanlalaking mga mata ni Thirdy. Mababakas sa munting mga matang iyon ang gulat, kasabay ng labis na kaligayahan sa katatanggap pa lamang na balita. "Totoo po ba, na magpapakasal na kayo ni Papa?" Nasa kalagitnaan kaming tatlo ng pagkain nang hindi na magpapigil pa ang lalaki, at sinabi na sa anak ang tungkol sa pagpapakasal namin. Tumingin muna ako kay Dos na katulad ko ay abot hanggang tainga rin ang ngiti, bago muling niyuko ang anak namin na hindi inaalis ang may pag-asam na tingin sa akin. Hindi maikakaila sa kislap ng mga mata nito na talagang sabik na sabik itong magkaroon ng isang buong pamilya. Para pa ngang nakakabakas ako ng piping pakiusap sa mga matang iyon na oo ang isagot ko sa tanong nito. At aaminin ko, na sa pin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD