Chapter 47

1601 Words

WALA NA NGA AKONG nagawa kung hindi ang sundin ang gusto ni Dos, dahil ayaw talaga nitong lumabas ng silid na suot ko ang pampaligo na ibinigay sa akin ni Coleen. Iginiit nito na hindi ko naman kailangang magsuot ng ganoong uri ng kasuotan para lang masabing in ako sa iba. Isuot ko raw iyong kung saan ako mas komportable. Isa pa, hindi niya rin daw gusto na baguhin ko ang sarili ko, para lang maging katulad ng mga taong nakapaligid sa kanya. Mas gusto niya raw iyong totoong ako. Iyong simple at inosenteng Isla na kilala niya. Nakuha ko naman ang punto nito, kaya't nagpahinuhod na rin ako. Sa totoo lang, ay hindi naman talaga ako komportable na isuot ang pampaligo na iyon. Naisip ko lang, na since, ganoon ang suot ng karamihan, baka maging out of place naman kung tshirt at shorts ang i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD