Chapter 48

1242 Words

"AYAW MO TALAGANG UMINOM?" Mula sa pagsimsim sa straw ng tangan kong baso ng juice ay binalingan ko si Coleen sa tabi ko at nginitian. Ngunit bago pa man ako nakasagot ay sumabad na ang katabi ko, na marahil ay narinig ang tanong ng dalaga. "Hindi siya umiinom." Dagli tuloy nanalim ang mga mata ni Coleen na lumagpas sa akin ng tingin at inirapan ang lalaking prenteng nakaupo sa tabi ko. Kanina pa ang dalawang ito nagtatalo. Panay kasi ang alok sa akin ni Coleen ng alak na inumin, na palagi namang tinatanggihan ni Dos, at sinasabing hindi nga raw ako umiinom. Ilang beses na rin ako nitong niyaya na sumayaw, pero ayaw din akong payagan ng lalaki. Inis na inis tuloy ito sa kaibigan ng nobyo. "Ikaw ba si Isla? Sagot ka nang sagot?" Nag-aangatan pa ang mga kilay na asik nito sa lalaki.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD