Chapter 53

1822 Words

TATLONG ARAW NA MULA NANG makauwi ako, galing sa Batangas. At mula nang araw na iyon ay hindi na rin kami muli pang nakapag-usap ni Dos. Hindi ko na mabilang kung ilang mensahe na ba ang naipadala sa akin ng lalaki, ngunit wala akong sinagot isa man sa mga iyon. Hanggang ngayon ay pilit pa ring umuukilkil sa isipan ko ang naging huli naming pag-uusap. Kung papaanong inamin nito sa akin na hinalikan niya ang ex niya, para patunayan dito na hindi niya ito gusto. Sa dami ng paraan para patunayan sa isang tao na hindi mo ito gusto, iyon pa talaga ang naisip niya? Hindi ba man lang nito naisip ang mararamdaman ko, sakali at malaman ko? Hindi niya naisip na masasaktan ako? At pagkatapos niyon, ang gusto niya, tanggapin at kalimutan ko na lang ang nangyari? Na pilit ko na lamang na intind

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD