How can someone turn their back to you so easily? How do they do it? Because for me, when I give you my trust, I can never betray you. MATAPOS ang isang linggong bakasyon ng Mystique Academy ay nakabalik na ang lahat ngayon dito. Balik na naman kami sa dati naming mga buhay. Nanatili ako kila Kreios ng isang araw pero umalis din ako kinabukasan. Hindi ko gusto ang pakiramdam na magkakaroon pa ako ng utang na loob sa kanya kaya mas pinili ko na bumalik nalang sa kaharian ko at doon ubusin ang oras ko. Hirap man akong makaalis sa kanila ay nagdahilan nalang ako para pumayag siya. "Hi Hel, it's been a while." Napatigil ako at nilingon siya. Nakita ko si Dalia na naglalakad papalapit sa akin. Tinanguan ko siya at muling naglakad. Sumabay naman siya sa akin papasok ng academy. "May nangyari