When you demand me to do something, make sure you're ready for the result of my work. "WHAT are you doing here, Kreios?" Iyon ang bungad ko sa kanina pa kumakatok sa pintuan ng kwarto. Kakasabi ko lang kanina na dapat ay layuan ko siya para kay Bellona pero siya naman itong lapit nang lapit sa akin. "Wala naman. Gusto ko lang makita na ayos ka. Mukha namang nakarating ka dito ng buo." Ano bang pinagsasasabi niya? Mukha ba akong malalagay sa kapahamakan? Isa pa, kaya ko namang protektahan ang sarili ko. Hindi niya kailangang mag alala para sa akin. "I'm fine. Ngayon kung wala kang kailangan, umalis ka na." Ayokong makita kami ni Bellona na magkasama. Human's heart is weak. Alam kong hindi man sabihin ni Bellona ay magseselos siya. Pinigilan ni Kreios ang pagsasara ko ng pintuan. "Hel, m