When jealousy starts to overwhelm you, nothing matters anymore. Be it abandoning your reasoning or destroying your relationship with someone and even destroying yourself. Bellona's Point of View "ANONG nangyayari? Bakit biglang nagkakagulo ang lahat?" Napatigil kami sa ginagawa namin nang magsimulang magkagulo ang mga tao dito sa amusement park. Dahil bakasyon ko ngayon naisip namin na magsaya ng pamilya ko kaya lang bigla namang nagkaroon ng ganitong pangyayari. "Demon!" Nagulat ako sa narinig ko. Imposible naman atang mayroon 'non dito. Paano? Bakit? Ang daming tanong ang pumasok sa isip ko. Natakot ako hindi para sa sarili ko. Natakot ako dahil kasama ko ang pamilya ko. I may put them in danger kapag hindi ko pa sila pinaalis dito. "Ma, Pa, Kuya, umalis na kayo rito." Iyon ang lum