When you thought that everything is under control, it will start to crumble.
TSK, kung malamig ang kapaligiran ibig sabihin nasa disadvantage si Kreios? The f**k, bakit ba kasi sa ganitong dimesyon pa kami napunta?
"Hel, I'll pass on this one. Sa tingin ko magdedepende muna ako sayo. Hindi ko alam kung may magagawa ako sa lugar na ito. I am not compatible with cold places." Hindi agad ako nagsalita. Nag iisip ako. Kailangan naming makaalis sa lugar na ito nang hindi ko ginagamit ang kahit na ano sa mga kakayahan ko. Hindi pwedeng malaman ni Kreios ang sekreto ko.
"You still can do something. You can't depend on me. Wala akong magagawa. Kung aasa ka sakin, pareho tayong walang mararating." Kahit anong sabihin niya, hindi ako gagamit ng kapangyarihan ko. At the end of this examination, hindi hahayaan ni Kreios na bumaba siya sa ranking niya.
"Hel, I know you're not weak. You're more than that. Hindi ko maintindihan kung bakit hinahayaan mo ang sarili mo sa bottom ng klase where in fact, baka nga nasa top 10 ka. I can't use my power, hindi mananalo ang apoy sa yelo. Maninigas tayong dalawa sa lamig kapag wala kang ginawa." Ikaw lang ang maninigas sa lamig at hindi ako. Sanay ako sa malamig na lugar. This is nothing. Mas malamig pa ang realm ko dito kaya nga tuluyang tumigas ang pagkatao ko.
"I can't do anything. Hindi ko rin alam bakit ang taas ng tingin niyo sakin. Anyway, we can clear this stage even without using any power. Maybe, there's some other way. I think using our physical strength is more than enough to pass the stage. Kung sakali mang may pumigil sa atin along the way—tsaka na natin isipin iyon. Magsimula na tayong maglakad papunta sa pintuan na iyon. Iyon siguro ang daan papunta sa susunod na dimensyon." If you think I am selfish, well I am. Hindi ko naman itatanggi iyon. Basta ako, hindi ko ipapakita sa kanya ang kapangyarihan ko.
"You have a point, I guess." Nagkibit balikat si Kreios. "Siguro nga pwede nating gawin ang suggestion mo. Mukha namang walang ano mang challenge ang naandito. Siguro ito lamang ang ginawang first stage dahil weakness ito ng isa satin." Tama si Kreios. Sa tingin ko ay sinusukat kami sa unang dimensyon na ito kung anong gagawin namin in case makaharap namin ang weakness ng kasama namin.
"In my opinion, this is only a trial and not the real examination. Baka sinusubukan lang tayo kung anong dapat nating gawin." Sa hindi kalayuan kasi ay nakikita ko na rin ang pintuan na sa tingin ko ay konektado sa susunod na mundong dapat namin puntahan. Kung si Bellona siguro ang kasama ko ngayon, malamang ay kanina pa namin natapos ang exam na ito.
"Hey, I can see the second door. Hurry up—" napatigil ako nang pagkalingon ko kay Kreios ay wala na itong malay. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko bago siya lapitan. Hinawakan ko siya at napagtantong naninigas na ang katawan niya sa lamig. Damn it. What should I do?
Nilapitan ko siya at tiningnang mabuti ang kondisyon niya. "Are you okay?" Goddamn it, Hel. Obvious naman na hindi. Ang bobo mong magtanong.
Hinawakan ko ang kamay niya, sobrang nanlalamig ang mga ito. "Kaya mo bang tumayo? Malapit na tayong makaalis dito. Just bear with it a little longer." Inalalayan ko siyang tumayo mula sa pagkakahilata niya sa sahig na tila gawa sa yelo.
"I feel so weak, Hel. Sobra iyong panlalamig ng katawan ko. Hindi ako makakilos. Parang pati loob nito ay nanlalamig na. I don't think I can make it." Huminga ako nang malalim. This guy, hindi ako makapaniwalang ganito siya.
Inalalayan ko si Kreios at humakbang ng paunti-unti. Hindi ko siya pwedeng pwersahin at baka hindi siya makalakad ng maayos at matumba lamang. "Come on, I can't make it alone. Babagsak tayong dalawa kapag nagkataon. Malapit na. Kaunting hakbang nalang."
Sinuportahan ko lang ang katawan niya hanggang sa makarating kami sa pangalawang pintuan. Wala namang iba pang nangyari sa mundong ito. Mukhang sinubukan lang nila si Kreios—still, somethings bothering me. This ain't right.
"Hold on, bubuksan ko na ang pintuan. Just don't go die on me now." Kapag nagkataon ay hahayaan ko na talaga siya dito. Mag isa ko nalang tatapusin ang exam. Kasalanan ko ba kung ganito pala siya kahina.
Hindi ako makapaniwalang siya ang top 1 ng klase namin. Given the fact that the coldness is weakening his power but still, I have faith in him that he can manage since he's the top. Sa pinapakita niya sa akin, I'm starting to doubt his capabilities and abilities. Something's fishy and I am going to figure it out.
Nang mabuksan ko ang pintuan ay sabay kaming pumasok dito.
Madilim ang kapaligiran at halos wala kaming makita. Hindi na ganoong kalamig ang temperatura kaya sa tingin ko ay mababawi na ni Kreios ang lakas niya.
"Congratulations, you have passed your first stage. You are now in your second stage. Welcome to the world of the dead."
"World of the dead, huh?" Napatingin ako kay Kreios. Mukhang okay na siya at nakarecover na sa panlalamig. So weak.
No, this is not my world. Hindi maaaring magaya ito ng school. Iba pa rin ito kumpara mo sa mundong pinaghaharian ko. This is a virtual world after all.
"Mukha namang okay ka na." Tumingin siya sakin. "So, I think it's okay for me to let you go." Binitiwan ko siya at inalis ang pagsuporta sa katawan niya. Natumba si Kreios. Hindi ko naman alam na nanlalambot pa rin siya. Bakit ba ang hina hina niya? I still don't get it.
"Bakit mo ako itinulak? Nanghihina pa ang tuhod ko." Aniya.
"Hindi kita itinulak, sadyang lampa ka lang talaga." Napairap ako sa hangin. Naiinis ako. Bakit ba ako nakikipag usap sa kanya. May choice naman akong huwag nalang siyang pansinin.
Naglakad na ako. Ayoko nang magsayang pa ng oras. Wala naman siyang sense kausap.
"Hel, aren't you afraid? Na baka bigla nalang may lumitaw dito?" Ano ba namang klaseng tanong iyan? Obviously, hindi. Baka nga sila pa ang matakot kapag nakita ako. Isa pa, huwag mong sabihing natatakot siya? Kapag oo, tangina iiwan ko na talaga siya dito. Hindi na ako talagang makapaniwala na top 1 namin siya.
Hindi ako sumagot sa kanya. Naiirita lamang akong kausapin siya.
"Halos lahat kasi ng kakilala kong babae ay takot sa madidilim na lugar." Paano ba naman? Halos lahat ng kilala mong babae puro kaartehan ang alam.
"Bakit ako matatakot? Halos sa ganitong lugar na nga ako lumaki—" f**k, why am I saying that? Stupid me.
"Huh? Hindi ko masyadong naintindihan ang sinasabi mo? Masyadong mabilis. Nagra-rap ka ba?" Nagbibiro ba siya? Parang hindi naman ganito ang pagkakakilala ko sa Kreios ng klase namin. I'm starting to have doubts.
"Kung hindi mo naintindihan, huwag mo nang alamin pa." Malapit nang maubos ang pasensya ko sa kanya.
Binilisan ko ang paglalakad dahil naiinis na talaga ako sa kasama ko. Ang daldal niya masyado. Hindi ko inimagine na ganito siyang klaseng tao.
Madilim ang kapaligiran pero kaya kong makita ang kapaligiran. I'm used to it. Hindi na bago sakin ang madidilim na lugar. To be honest, I prefer the darkness.
"Hel wait up. Huwag mo naman akong iwan. Masyadong madilim dito. Wala akong makita." Mariin kong ipinikit ang mga mata bago huminga ng malalim. Kumalma ka, Hel. Don't do anything inappropriate.
Is he really our top 1? Most likely, siya iyong mapagkakamalan mong kulelat sa klase dahil sa asta niya.
"Bakit kaya hindi mo gamitin ang kapangyarihan mo para lumikha ng liwanag sa lugar na ito? Use your brain not your mouth. Huwag tanga." Hindi ko na mapigilan pa ang bibig ko. Gustuhin ko mang lagyan ng preno ang mga sasabihin ko ay hindi ko na kaya. Sobrang naiinis na ako sa kanya.
"Sorry kung tanga ako ha?" Alam kong napikon siya sa sinabi ko. Bakit, ako ba hindi napipikon sa kanya? s**t.
Lumiwanag ang paligid dahil kay Kreios. Hinayaan ko nalang siya sa gusto niyang gawin. May liwanag man o wala, kaya ko naman makaalis sa lugar na ito.
"You can use your fire all you want, just don't get it close to me." Babala ko. Hindi ko naman ikamamatay kung ilapit niya ito sa akin. I am not really that "scared" with fire. May naaalala lang ako kapag apoy ang pinag uusapan. Isa pa, sanay ako sa lamig, hindi ko gusto ang pakiramdam na naiinitan ako. Pakiramdam ko kasi ay matutunaw ang yelong nakabalot sa puso ko and I don't want that to happen.
"Now that you mentioned it, takot ka nga pala sa apoy?" Hindi ako muling nagsalita. Ayoko na siyang kausapin. "Well siguro nga, madalas napapansin ko na kapag nakakakita ka ng apoy o ng mga bagay na mainit, nag iiba ang itsura mo." Can he just shut up? Sa tingin niya ba natutuwa akong talak siya nang talak? Kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin ko pang hindi siya nagsasalita,
Hinayaan ko lang siya. Umasta nalang ako na para bang wala siya dito.
Balak ko na sana siyang iwan nang may maramdaman ako kaya naman napatigil ako sa paglalakad. Nakita ata ni Kreios na tumigil ako kaya naman tumigil din siya.
"Hey, patayin mo ang apoy mo." Masyadong maliwanag at mainit, nakakaattract ito ng nilalang na naandito. Not a good thing.
"Bakit? Wala akong makikita—"
"Shut up. Just do what I say." Hindi na siya umangal pa at sinunod nalang ang sinabi ko. Pinakiramdaman kong mabuti ang kapaligiran. Hindi ako pwedeng magkamali. They're coming.
"Kreios, follow my instructions. Kapag sinabi ko sayong tirahin mo ang lugar na iyon, use your power to do so." Alam kong maraming tanong siyang gustong itanong pero mas pinili niya nalang manahimik. Siguro ay ramdam niya na rin ang pagkairita ko sa kanya. Good, marunong din naman pala siyang makiramdam.
"Sa likod." Sa taranta siguro ay napagalaw siya nang hindi niya inaasahan.
Nang maramadaman kong natamaan ni Kreios iyon ay naglakad ako papalapit dito para makumpirma kung ano iyon.
"A corpse. This is the world of the dead after all, can't question it. Hindi natin masisising pagala gala o pakalat kalat sila dito." Sabi ko habang inoobserbahan ang bagay na nasa harapan namin.
"Paano mo nalaman iyon, Hel? Wala akong naramdaman kanina." Tanong ni Kreios sa akin.
"Just my instinct, I guess." Nagkibit balikat ako. Hindi naman pwedeng sabihin ko sa kanya ang totoo.
"Let's go." Gusto ko nang matapos ito at mapahiwalay sa kanya. Naiinip na akong kasama siya. Madami na ring oras ang nasasayang.
Paalis na sana ako nang maramdaman kong may kung ano sa may dibdib ko. Dahan dahan ko itong tiningnan at doon ko lang napagtantong nasaksak na pala ako.
Is this really happening? Ganito ba matatapos ang istorya ko? I guess, this will be my end.