Once you accept your weakness and treat it as a strength instead, it will be very beneficial for you. You might not see it now, but you will see it while you progress.
"GOOD MORNING, class. Today, we'll be having a very special activity. The principal will be the one to explain the rules and mechanics of the said activity." That explains it. Kanina pagkapasok niya dito ay kasama niya ang Principal.
"Sa tingin mo, ano kayang activity ito?" Hindi ako nagsalita. Wala rin naman akong ideya o kung mayroon man, hindi ko obligasyong sagutin siya.
"Today, you'll be having your monthly activity. The ranking examination. Sa tingin ko naman ay may ideya na kayo kung tungkol saan ang aktibidad ninyong ito, hindi ba? But I will still explain the rules." Oh, ngayon na ba iyon? Nakalimutan kong may ganoon nga palang pakulo ang school. "This activity will be by partners." Agad kaming nagkatinginan ni Bellona. Malawak niya akong nginitian nang makita niyang nakatingin ako sa kanya. Alam niya na siguro ang nasa isip ko.
"But dear students, I'm sorry to burst your little happiness by hearing the word partners. Although it will be done by that, you're not going to choose your partners. Let's choose your partner by draw lots." Tangina, ano na namang nakain ng principal at may pakulo pang ganito? Hindi na nga ako masaya sa mismong aktibidad ay ginagawan niya pa ng kung ano anong rules.
"We compile all your names and ranks inside this box. Magsisimula na ako sa pagbunot." Dagdag pa nito bago ilusot ang kamay sa butas ng box sa unahan. Gusto kong mapahilamos sa mukha ko sa sobrang inis pero tiniis ko nalang at nagkunwaring walang pakealam. Malaking problema kapag hindi si Bellona ang kapartner ko!
Nagsimula na silang magbunot sa loob ng box. Isa isa ko na ring narinig ang pagtawag nila ng mga rankings.
"Rank 4 and rank 36."
"Rank 12 and rank 5." That's Bellona and Alvis. Good for them. Ang unfair. Damn it.
"Rank 8 and rank 15." Si Chloe at Dalia, huh? Baka imbis na magtulungan silang dalawa ay sila pa ang magpatayan.
"Rank 2 and rank 40."
Hindi na ako nakinig pa sa kanya at hinayaan nalang siyang magtawag nang magtawag ng ranking ng mga kaklase ko. Wala na naman akong gana sa pinagagawa nila. Kung hindi si Bellona ang kapartner ko, wala silang aasahan sakin.
Who cares about high grades? I am contented with my rank. As long as hindi ako bagsak, okay na ako doon. Hindi ako naghahangad ng mataas na grade.
"Rank 44 and rank 1." Halos lumuwa ang mata ko sa narinig ko. Tangina, hindi ko ineexpect na siya ang magiging kapartner ko? Ang dami dami kong kaklase bakit siya pa?
"Ohhh," binigyan ako ng mga kaklase ko ng ngiti at tingin na tila ba may laman na ibang ibig sabihin. s**t.
"Wait, that's unfair on Kreios' side. Ipapartner niyo siya sa isang talunan? Baka maapektuhan ang current ranking niya dahil malamang hihilahin siya pababa ni Hel." Kung siya kaya ang hilahin ko papuntang impyerno? Mukha namang bagay siya doon.
"Stop it Chloe. You're spilling nonsense." Bakit, kailan ba nagkasense si Chloe? Wala akong matandaan. Lagi nalang bang mangengealam si Chloe sa mga bagay na hindi naman siya involve?
"We will give you enough time to form a strategy with your partners before the said examination. Iiwan na muna namin kayo dito and you will assemble at the field at exactly 2 o'clock pm. You still have 5 hours before that. Just a kind reminder to all, lahat kayo ay may pinapangalagaan na ranking niyo. Do your best to maintain or to rank up. If you failed this examination, alam niyo na ang mangyayari sa inyo. If you wish to stay here in Mystique Academy, then exert more effort than usual, got it? That's all and good luck everyone." Matapos iyon sabihin ng Principal ay umalis na sila kasama ang adviser namin.
Umalis na rin ang seatmate ko para pumunta sa kapartner niya. Ako naman ay nanatili lamang na nakaupo at pinapanood silang lahat. What a bother.
"Wala ka talagang balak umalis sa pwesto mo para lapitan ako?" Nilingon ko siya para makita ang rank 1 ng klase namin. Bakit ako lalapit sa kanya?
Tiningnan ko lang si Kreios at agad ding nag iwas ng tingin. Hindi ako nagsalita pa at hinayaan lamang siya doong nakatayo. Kung gusto niyang tumabi sa akin, wala akong pakealam.
"What's your plan?" Muli ko siyang nilingon. Nakaupo na siya sa tabi ko habang nagbabasa ng libro. Oh well, hindi na dapat ako magulat na siya ang pinakamatalino dito sa klase namin—baka nga sa buong academy pa.
"Ikaw ang may utak, hindi ba? Ikaw ang mag isip." Wala akong balak tulungan siya. Wala akong gagawin.
"You see, I'm protecting my rank and my reputation at alam ko rin na ayaw mong bumagsak. In order to pass this examination, we both need to cooperate with each other. In the end, it will be both beneficial for the two of us. I know you have something in mind, why don't you spill it out, Hel?" Pinigilan ko ang sarili kong magsalita. Bahala siya sa buhay niya.
Bumuntong hininga si Kreios nang mapagtanto niyang wala akong balak magsalita. "Okay then, if you don't want to share your idea or give out a strategy, you will follow my plan." Nagkibit balikat nalang ako bilang sagot. May plano na naman pala siya, bakit kailangan niya pa ng opinyon ko?
Tumayo si Kreios sa pagkakaupo niya at isinara ang librong binabasa niya lang kanina. "See you later." Nakita kong sumabay siya palabas kay Theo na mukhang kanina pa naghihintay sa kanya sa may pintuan. Lumapit naman sila Bellona sa akin.
"Hindi ako ang kapartner mo, Hel. Anong plano mo?" Inayos ko na ang gamit ko. May oras pa para matulog bago magsimula ang exam. Babalik nalang siguro muna ako sa dorm ko.
"Wala." Matipid kong sagot. Wala naman talaga akong kailangang gawin.
"Ha? Hindi ka man lang ba gagamit ng kahit anong kapangyarihan mo? At bukod pa doon, hindi ka ba natatakot na may malaman si Kreios?" Pabulong at nag aalalang sambit ni Bellona sa akin.
"Hindi." Bakit ako matatakot? Wala naman akong balak ipakita sa lalaking iyon ang kahit ano.
"Hel, hindi ka ba natatakot bumagsak sa plano mong iyan?" Hinarap ko si Bellona. Bakit ba mas takot pa siya kaysa sa akin? Wala naman dapat ipangamba.
"Hindi ako babagsak. That guy is obsessed with his ranking. Hindi niya hahayaang bumagsak ako dahil kapag nangyari iyon mahihila ko siya pababa. Hahayaan ko lang siya ang kumilos sa exam. Once na namaintain niya ang ranking niya, mananatili rin ang ranking ko. So, remember this, Bellona. Hindi ako babagsak. Kahit ano mang gawin ko o gawin niya, walang babagsak sa aming dalawa dahil hindi niya hahayaan na may ibang makalamang sa kanya." Hindi na nagsalita pa si Bellona. I hope that she gets what I said.
Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at nagsimulang maglakad palabas ng klase. I still have time to take a nap.
Habang naglalakad ako ay biglang sumulpot sila Dalia at Alvis. May kung ano sa ngiti ng mga ito lalo na ni Dalia. "I can feel the love in the air." Natatawang sabi ni Dalia sa akin. Hindi ko naman siya agad naintindihan. What's her point?
"Bagay kayo ni Kreios." At sinundot sundot niya pa ako sa tagiliran ko. Akala niya ba ay natutuwa ako sa ginagawa niya? "Ayiie, is this love?" Napailing nalang ako sa mga pinagsasasabi niya. Wala akong oras para dito.
Love my ass, ni wala nga akong maramdaman. Don't start me with that nonsense. You don't even know if that thing is real or just an imaginary feeling that humans created.
"Ewan ko sa inyo." Binilisan ko ang paglalakad ko para hindi nila ako mahabol. Hindi nila ako tinigilan at binilisan din nila ang paglalakad nila. Damn, they're so annoying.
"Alam mo bang ang daming naiinggit sayo dahil kapartner mo si Kreios? Lalo na si Chloe. Kanina pa iyon nagmamaktol. Ni hindi na nga kami nakapag isip ng maayos na strategy." Ani Dalia. Alam ko naman iyon. Lahat sila ay gusto si Kreios. Hindi ko nga alam kung ano bang nagustuhan ng mga iyon sa lalaking 'yon.
"I don't care. So, leave me alone, I want to take a nap." Mas binilisan ko pa ang paglalakad to the point na hindi na nila ako mahabol pa. Agad akong pumasok sa loob ng silid ko at isinarado agad ang pintuan. Ni-lock ko na rin iyon para hindi mabuksan nila Dalia.
"Ang daya naman ni Hel, eh." Rinig kong reklamo nila sa labas. Hinayaan ko nalang sila at nahiga na ako sa kama ko. Gusto kong magpahinga. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay pagod ako ngayong araw.
Bago ako tuluyang makatulog ay naalala ko ang sinabi ni Dalia. Love? Does that even exist?
"GOOD DAY STUDENTS, before we start, I would like to give you some reminders. Alam niyo naman na sa activity niyo na ito ay maaari niyong gamitin ang kahit anong powers o magic na mayroon kayo. Ang pinaka importante para makapasa ay maclear niyo ang lahat ng stages ng examination niyong ito. Sa dulo ng arena, matapos niyong pagdaanan ang lahat ng stages, may system na magdedecide kung nakapasa ba kayo at kung anong magiging resulta o ranking niyo. Bago pa man kayo makabalik dito sa main field ng school ay malalaman niyo na ang resulta ng eksaminasyon niyo. Iyon lang and good luck everyone." Hindi ko na siya masyadong inintindi dahil alam ko na naman iyon. Paulit ulit na niyang sinasabi ang mga iyon. Nakakarindi na rin.
Matapos ang pagsasabi ng mga paalaala ay nagsimula na kaming maglakad patungo sa arena. Habang naglalakad ay naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Awtomatikong kumunot ang noo ko dahil sa nangyari.
Nilingon ko siya at nakita ko si Kreios. "Let's go?" Nginitian niya ako na siyang kinagulat ko. Why is he smiling? Marunong pala siyang ngumiti?
Agaran kong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. "Pwede tayong maglakad at pumasok sa arena na hindi magkahawak ang kamay." Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko pero alam kong tumawa siya. Nagkamali ata ako nang sabihin kong magkatulad kaming dalawa ng ugali. Parang gusto ko iyong bawiin.
"Hel," mariin kong ipinikit ang mga mata ko nang tawagin ako ng isa sa mga kaklase namin. Nakita ko si Marco. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa top 10 din siya ng klase namin.
"G-Good luck!" Halata mang kinakabahan siyang kausapin ako ay pinilit niyang ngitian ako. Tumango nalang ako sa kanya. Ubos oras kung magsasalita pa ako. Sa pagtango kong iyon ay lalong lumapad ang kanyang pagngiti. He's weird.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Sana ay maagang matapos ni Kreios ito para makapagpahinga agad ako.
"May gusto siguro sayo iyon." Ani Kreios sa tabi ko.
"I don't care." May gusto man si Marco sakin o wala, I don't have time for that. Wala akong oras sa mga bagay na sa tingin ko ay walang kwenta.
"Hindi ka ba natutuwa na may nagkakagusto sayo? I mean, if someone admires you, hindi ba dapat maflatter ka man lang—" Kainis.
"Can you stop? Hindi ko alam na madaldal ka pala? Still, wala akong pakealam sa opinyon mo. Hindi ako katulad mo o niyo na tuwang tuwa kapag pinagkakaguluhan sila ng tao." Binilisan ko nalang ang paglalakad. Hindi ko alam bakit nga ba nakikipag usap pa ako sa kanya. Dapat unang buka palang ng bibig niya ay hindi na ako nagsalita.
Nilingon ko siya. Mukhang kahit papaano ay dumistansya siya sakin. Napasobra ba ako sa mga sinabi ko? Who cares? Sariling pakiramdam ko nga ay hindi ko pinapakealamanan, pakiramdam pa kaya ng ibang tao?
Nang makarating sa entrance ng arena ay nilapitan ako ni Bellona. Nakita ko ang pag aalala sa kanyang mata.
"Hel, sigurado ka bang magiging ayos ka lang?" Wala naman siyang dapat ikabahala. I will make sure that everything is under my control.
"Oo," matipid kong sagot sa kanya.
Matapos nang maikli naming pag uusap ay nagpaalam na rin siya. Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng entrance.
"Welcome to Mystique Academy Virtual Arena. The examination will have five stages. At the end of the arena, the system will decide whether you pass or fail the examination. If you pass, it will also give you your new ranking. Good luck, students. You may now proceed to your first stage by opening the blue door."
Napatingin ako sa nag iisang kulay asul na pintuan sa hindi kalayuan. Tiningnan ko rin ang kapaligiran at wala na rin ang iba pang estudyante na kasabay kong pumasok. So, everyone was brought to different dimensions, I guess?
"I wonder what kind of dimension our first stage is?" I almost forgot that I am with him and that he's my partner. Oh well, para naman talagang hindi siya ang kapartner ko since para siyang hindi si Kreios kung umakto.
Hindi ko siya sinagot. Lumapit nalang ako sa pintuan at dahan dahan itong binuksan. Nang mabuksan ko ang pintuan ay agad sumalubong sa akin ang malakas at malamig na hangin. Oh damn.
"s**t, no way." Nanlaki ang mata ko at napalingon kay Kreios. No f*****g way!
"Welcome to your first stage. The Icy World."