Throw your fears away, as I am not going to die just yet. Kreios’ Point of View “HEL!” Tila naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang makita kong sinaksak si Hel mula sa likuran. Masyado kaming naging kalmado kanina. We let our guards down. Gusto kong tulungan si Hel pero walang napasok sa utak ko kung anong dapat gawin. Naguguluhan ako. Nabigla ako sa mga nangyari. Nang akmang lalapitan ko ito at si Hel, napagtanto kong para bang may hinahanap ito sa katawan ni Hel. What the f**k? Umiling iling ako at tinulungan si Hel. Nang mahawakan ko ang katawan ni Hel ay wala na itong malay. Marahan kong inalog ang katawan niya. “Hel! Hel!” Panay din ang pagtawag ko sa pangalan niya pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. “Damn it, you can’t die here. Wake up!” Halong taranta at kaba ang nar