My body is thrilled and my blood is boiling with excitement. “HEL, anong bago mong rank?” Ipinakita ko sa kanila ang badge ko para malaman nilang walang nagbago sa ranking ko. “Nge, rank 44 ka pa rin? Wala ka bang balak itaas ang ranking mo? Alam naman naming kaya mo, eh.” Yes, I can. But I choose not to. Ilang beses ko bang dapat ulitin sa kanila na wala akong pakealam? “Sa hanggang diyan lang ang kaya ko, eh. Wala tayong magagawa.” Sa totoo lang ay ayoko na sanang makipag usap. Gusto ko nang dumiretso sa kwarto ko at matulog nalang doon. Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Theo na papalapit kay Kreios. “Kreios, congrats. Balita ko ay ikaw pa rin ang rank 1.” Masayang pagbati ni Theo sa kaibigan. Good for them. Mukhang kahit na sila itong dapat nakikitaan mo ng competition dahil top 1